Kabanata 1

87 4 2
                                    

Graduation Day

"How about this?"

Ngumuso ako at marahan na tumango nang makita ko ang hawak-hawak na dress ni Pascal.

"Do you think it will look great for me?" I asked while my lips are still pouted. The tips of his lips slightly went up.

"You will always look great, whatever you wear."

Wala na akong nagawa pa at sumang-ayon na lamang sa dress na pinili niya. Sa tingin ko naman ay bagay ko 'yon.

Dumiretso na kami sa cashier. I was about to grab my wallet inside my bag when he suddenly gave his card to the cashier.

"Hey, that's my dress. I should be the one to pay that." wika ko at pilit na inaabot sa kanya ang cash na hawak ko ngayon. Dumako ang tingin ng babae na nasa cashier sa akin habang iniaabot niya kay Pascal ang paper bag na naglalaman ng dress.

"Kailan pa kita pinagbayad 'pag kasama mo 'ko?" natatawang tanong niya sa akin. He hold my hand and started walking to the exit.

"Pero that's too much, I can pay for it naman."

Nahihiya na talaga ako sa kanya. Everytime na lalabas kaming dalawa ay siya nalang lagi ang naglalabas ng pera. Kapag maglalabas ako ng pera ay lagi niya akong inuunahan magbayad.

Hindi na siya kumibo pa hanggang sa makalabas na kami sa loob ng shop. Dumiretso na kami sa parking lot at sumakay sa kanyang kotse. Siya na rin ang nagsuot ng seatbelt ko kaya hindi na lamang ako umimik pa.

Pascal is always like this. I considered him as my big brother. Isa siya sa mga close friends ng kuya ko at madalas din siya sa amin kaya naging close ko siya. He's six years older than me at siya rin ang maaaring maging susunod na tagapagmana ng business nila.

"Tomorrow is you high school graduation, what's you plan for your college?" he asked me at middle of our trip.

"Well, nagpasa na ako ng mga requirements ko for the universities na gusto kong pasukan. Ikaw? How's business?"

"It's doing good. Umuwi na rin galing Switzerland ang pinsan ko."

Lumingon ako sa kanya. Madalas ko na marinig sa kanilang dalawa ni Kuya na may pinaguusapan sila tungkol sa pinsan ni Pascal na nakatira sa Switzerland. Doon ata siya nagtapos ng pag-aaral at halos sampung taon din siyang hindi umuwi dito sa Pilipinas.

"He's staying in your house?" I asked.

"Yes. But he will eventually move out, he's not good at socializing with people. A very introvert person."

I guess Pascal's attitude is different from his cousin. Na-i-imagine ko na kasing cold ng bansang Switzerland ang ugali ng pinsan ni Pascal.

"He's old na ba?"

Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Pascal habang nakatingin sa daan. Napanguso ako. Is there something funny?

"Just the same with my age, actually."

"Oh, 24. Not bad."

Hindi na muling nagsalita pa si Pascal kaya hindi na rin ako nagsalita. Nang makarating kami sa bahay ay agad itong bumaba ng sasakyan upang pagbuksan ako ng pinto. Kinuha niya sa passenger's seat ang mga paper bag na pinamili namin for my graduation day.

"Thank you," I smiled awkwardly.

He pat my head.

"See you on your graduation day." nakangiting wika niya at pumasok na sa loob ng kanyang sasakyan.

Hinintay ko na makaalis siya bago ako pumasok sa loob ng bahay. Nang makaalis na siya ay pumasok na ako.

Sumalubong sa akin si Kuya na mukhang kakauwi lang din. Pinagmasdan niya ang mga paper bags na dala ko at tinaas pa ang kanyang isang kilay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marrying The Heir (Antoñanzas Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon