THE BEGINNING AND END

98 19 323
                                    

INTRODUCTION

DISCLAIMER:

Names of the persons and events used in this story are from the imaginary thoughts of the author.

For your information:
I mentioned some lyrics from the song "Leaves" by Ben& Ben and also the newest kdrama this year which is 'It's okay not to be okay'.

Hihi yan lang po if ever na may makita kayong grammatical errors don't judge me po cause im still learning. <3

__________________________________

I wish there are no hardships in life

but i realized it's inevitable.

Just be strong and don't fret cause happy people have a strong heart.

____________________________________

"GOOD MORNING mommy and daddy!!!!!!". Masigla kong bungad sa aking mga magulang na nagsisimula nang kumain ng almusal. Napansin kong tahimik sila habang kumakain kaya naman tinaasan ko ang energy ko nang batiin sila.

Lumingon si mommy at nginitian ako, ganoon din naman si daddy.

"Good morning anak!ready ka na pumasok ahh, masyado pang maaga." Nakangiting bati sakin ni daddy.

"Yes dad, it's better to be early than to be late."

I winked at him and started eating my breakfast.

"Mana ka talaga sakin Mina." I heard mom's chuckle.

Nag patuloy na kami sa pag kain at katulad ng dati hindi maiwasan na asarin ko sila dahil ako lang ang nag-iisa nilang anak.

Ewan ko ba kung bakit hindi na ako nagkaroon ng kapatid. Hindi ko na din sila tinatanong kase masaya naman na'ko sa buhay ko bilang nag-iisang anak nila.

Kaya naman ginagawa ko ang lahat para maging proud sila sa akin. Nariyan yung pagsali ko sa mga Quiz bee, pageants at kung ano-ano pang activities na makakadagdag para tumaas ang grades ko sa iba't-ibang subject. Graduating na kase ako this year sa Senior high kaya naman pinagsisikapan ko na pataasin ang grades ko dahil gusto kong umakyat sa stage sila mommy na proud sa akin.

At dahil sa pagsali ko sa mga activities sa aming school nakilala ko ang tatlo kong kaibigan na sina Belle, Eury at Riela.

Masasabi kong sobrang saya ko sa buhay ko dahil naririyan sila para suportahan ako at pasayahin ako sa lahat ng oras.

Napatagal ang kwentuhan namin nila mommy at daddy habang kumakain ng breakfast kaya naman sampung minuto na lang at bell na para sa first subject.

Mabuti nalang at nandito na ko sa school dahil hinatid ako ni daddy. Dala ko na din ang envelope na naglalaman ng research namin na ipapasa nalang dahil natapos ko na. Chineck ko muna kung kumpleto na ba ito at sinigurado na nasa gilid ako ng corridor.

Napatigil ako sa aking ginagawa nang may bumangga sakin. "Aray namann!!!!" I yelled.

Nahulog sa sahig ang mga research papers na lumabas na sa envelope na kinalalagyan nito.

Mediocre AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon