CHAPTER 35: The Last Battle

973 40 1
                                    

Chapter 35: The Last Battle
-----------------------------------------------------------
(Queen Freya's Pov)
Mas mabuti ng tapusin ko ang aking buhay ngayon kesa tanggapin ang aking pagkatalo. Sabay tutok ng espadang yari sa lupa sa kanyang puso.

Luci. Wag mong gawin yan. Pwede namang maayos ang lahat sa pamamagitan ng maayos na pag-uusap.

Isak-sak mo yan sa baga mo. Kahit kailan hindi ako makikipagkasundo sayo. Bata palang tayo pinangarap ko ng pamunuan ang Tale pero anong ginawa mo naging harang ka para maabot ko yun. Kahit kailan epal ka talaga sa buhay ko. Tandaan mo Freya kami ang mananalo. Ha-Ha-Ha. Sabay saksak sa sarili.

Pupuntahan ko sana siya para gamutin pero natigilan ako ng biglang lumitaw ang isang portal at niluwa nito si Stephanie na umiiyak.

Ina!!!!. Sigaw ni Stephanie habang umiiyak.

Magbabayad ka Freya sa ginawa mo sa aking ina.

Pasensiya na Stephanie. Wala akong nagawa para pigilan ang iyong ina.

Alam mo ba Freya. Ang tanging gusto lang naman ng nanay ko ay maranasan na pamunuan ang Tale. Pero anong ginawa mo palagi mo nalang siyang hinahadlangan. Sana nagparaya ka katulad ng ginawa niya noon sayo bilang reyna ng Mythical. Sana binigyan mo siya ng pagkakataon na maranasan ang gusto niya.

Kaya ba niya ginawa to?

Oo pero. Ngayon wala na siya. Masaya kana na namatay siyang hindi naranasan ang matagal na niyang gusto ha Freya, samathalang ikaw nakukuha mo ang gusto mo. Ang swerte-swerte mo sa buhay alam mo ba yun, maraming nagmamahal sayo. Pero sa kanya ni isa wala.

Hindi yan totoo. Mahal ko ang nag-iisa ku-

Mahal?, Tsk.. nagpapatawa kaba? Ang sabihin mo mahal mo siya ngayon dahil wala na siya. Diba tama ako.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang bigla akong nawalan ng lakas sa mga nalaman ko. Ang kapatid ko na hangad lang ay maranasan na pamunuan ang Tale. Pero anong ginawa ko pinagkait ko yun sakanya. Ang sama kung kapatid, ang sama ko.
-----------------------------------------------------------
(Stephanie's Pov)
Ito na ang tamang pagkakataon para ipaghiganti si ina.

Pangako ina ipaghihiganti kita.
-----------------------------------------------------------
(Eve's Pov)
Wala na sigurong paraan para makalabas ako dito sa bangungot.

Eve gumising kana.

Pero kuya pogi. Kuya pogi?. Agad naman akong tumingala para makita siya. At tama siya nga. Kaya agad akong tumayo.

Kuya pogi sa tingin ko wala ng paraan para makalabas pa ako dito sa bangungot nato.

Eve alam kung makakaya mo. Kailangan mong gumising kailangan mong tulungan ang mga kaibigan mo. Kailangan mong tulungan si ina. Ikaw lang ang makakabalik ng kapayapaan sa buong Enchanted World. Wag kang mag-alala darating kami para tulungan ka.

A-anong tulong ang sinasabi mo kuya?

Malalaman mo yun pag nagising kana. Kasabay non ang pagdilim ng paligid.
-----------------------------------------------------------
(Vince's Pov)
Lalo silang dumadami. Parang hindi sila nauubos.

Vince sa likod mo. Rinig kung sigaw ni Tristan. Pagkalingon ko nakita ko ang isang lalaking naka-itim na handa na akong saksakin. Huli na para maka-ilag pa. Hinintay ko na dumampi sa katawan ko ang kanyang espada pero wala akong naramdaman. Pagkadilat ko patay na ang lalaking sasaksak sana sakin.

Tingnan nyu ang hari at prinsipe ng Mythical Kingdom. Kasama nila ang prinsipe ng Light Kingdom. Rinig kung sigaw ng isang student.

Ano daw hari at prinsipe ng Mythical kasama ang prinsipe ng Light diba pat-. Hindi maaari.
-----------------------------------------------------------
(Eve's Pov)
Nagising ako sa isang puting kwarto. Para siyang clinic. Clinic? Babangon sana ako pero hindi ako makagalaw. Pagkatingin ko sa kamay at paa ko meron itong tali na yari sa apoy. Sino naman kayang nagtali sakin dito.

Tale Academy: The Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon