CHAPTER 24- First Mission

794 43 1
                                    

Chapter 24: First Mission
--------------------------------------------------
Tapos na kaming magmeeting kaya pumunta na kami sa mission area para malaman kung ano ang magiging first mission namin as a team.

Maghintay lang kayo dito. Ako ng kukuha. Ani Zach at umalis na. Sinunod naman namin ang sinabi niyang hintayin siya. Cute din pala siya pag hindi galit. Wah crush ko na siya, pero hindi ko muna ipapaalam kay Aira.

Hi Eve! Agad ko namang nilingon yung nagsalita. Wah si Vince pala.

Hello Vince! Cute din siya.

Pwede ba kitang maging kaibigan?. Ang cute niya pero diko siya crush. Naalala ko din yung sinabi niya kanina gusto niya akong maging kaibigan.

Sure, friends sabay lahad ng kamay ko para makipag-shake hands.

Yieeee friends na tayo. At nakipag-shake hands siya sakin. Ang cute ng reaction niya.

Ehemm. Ang unang mission natin ay hanapin ang tatlong aso sa gubat. Yun lang. Sabay alis. Agad naman namin siyang sinundan, syempre siya yung leader eh. Kill joy si Crush, nagseselos ba siya?. Uwuu assuming ako.

Nakalabas na kami ng school. Ngayon ay naglalakad kami papuntang gubat. Siguro maganda din yung gubat.

Excited kana ba Eve?. Ako excited syempre sobra. Siguro ang cute nong tatlong aso.

Medyo Vince.

Dito na tayo. Ani Zach/Crush. Agad naman kaming huminto.

Find your partner by two tayo. Ako nalang mag-isa. Meeting place natin dito sa labas ng gubat. Yun lang sige una nako sainyo. Agad naman siyang umalis. Sayang gusto ko pa naman siyang maging partner. Charott baka iwan lang ako non kung saan.

Tinignan ko naman si Aira pero wala na partner na sila ni Yohan.

Meron na silang partner lahat maliban sakin at kay Vince.

Eve partner nalang tayo. Ani Vince. Ok lang naman sakin. Isa pa mukhang hindi naman boring pag siya ang kasama mo.

Sige. Agad namang kaming naglakad kung saan.

Masaya kaba na ako ang kasama mo?.

Oo naman. Eh ikaw?

Syempre masaya ako na ikaw ang kasama ko. Yieeee kinilig si self.

Yi-. Magsasalita sana ako ng may biglang lumitaw na kuneho sa harapan namin. Agad naman akong nagtago sa likod ni Vince baka kasi maging halimaw na naman.

Oh Eve kuneho lang yan wag kang matakot. Agad naman siyang lumapit dito. Hahawakan na niya sana ito sa ulo ng bigla itong nagpalit anyo at naging halimaw. Agad namang umatras ng kaunti si Vince.

Wag kang mag-alala akong bahala sayo Eve. Wow lakas maka night and shining armor si Prend.

Eve!!!! Vince!!!!!! Ok lang kayo?. Rinig naming sigaw nong dalawang unggoy. Sina Matthew at Tristan.

Sinaktan kaba ng halimaw na yan Eve. Ani Tristan. Sabay turo don sa halimaw na kuneho.

Hindi, bakit kayo nandito diba naghahanap na-.

May narinig kasi si Matthew kaya agad naming pinuntahan yun. At nakita namin kayo dito at ang halimaw na yan. Agad naman niya akong hinila at itinago sa likod niya.

Habang busy sila sa pagtitig don sa halimaw meron akong narinig sa malayo parang aso. Agad naman akong nagteleport kung saan yung narinig ko.

Nakarating ako sa isang ilog. Ang ganda maraming butterfly na lumilipad. Marami ding bulaklak sa paligid ng ilog.

Tale Academy: The Hidden IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon