Nagrereview ako ngayon kasi Exam namin mamaya nang tinawag ako ng classmate ko.
"Misha tara bili tayong kwek-kwek! " sigaw ni Ara classmate ko.
"Teka, hintayin moko" sambit ko.
Patungo na kami sa nagtitinda ng kwek-kwek.
By the way, nakakatangina yung crush kong si Enzo nagbibigay ng motibong gusto ako tapos biglang iiwas.
Narito na kami sa nagtitinda ng kwek-kwek.
"Kuya magkano po kwek-kwek niyo" wika ko.
"Lima dalawa, gusto mo ba ng libre? " tanong niya.
"Oo naman po, sayo nako libre lang may dalawang kwek-kwek at isang hotdog pa! "
Hindi ko namalayang si Enzo 'yon kaya gulat na gulat ako ng tanggalin niya ang pekeng bigoteng sinusuot niya.
"E-Enzo? anong ginagawa mo dito? " tanong ko.
"Sinundan ka, bakit? "
"Bakit mo naman ako sinusundan? "
"Hindi mo ba alam? "
"Alam na ano? "
"Gusto kita, matagal na"
"A-ako gusto mo? "
Bigla siyang nagkanta, at kakontsaba pala niya si Ara at iba pang mga estudyante.
"Baby I'm dancing in the dark with you between my arms~~"
Natahimik ang lahat.
"Misha? will you be my girlfriend? "
Nagtilian ang mga estudyanteng nakapalibot sa amin.
"Oo! Oo! Oo! " sigaw ng mga estudyante.
"Narinig mo na ang sagot mula sa kanila, Enzo."
"So Oo ang sagot mo? "
"Oo na sinasagot na kita Enzo."
Hindi namin napansin na patapos na ang exams hindi tuloy kami nakapagexam kaya bumagsak kami kaya ngayon nagbebenta nalang kami ng KWEK-KWEK.