Prologue

25 10 4
                                    

"I love you", ang wika niya ngunit wala akong narinig na tumugon sa kanyang binigkas. Nagsimula na siyang humikbi. Pinipilit na pigilan ang luhang nagbabadyang kumawala sa kanyang mapupungay na mata. Kasalukuyan akong narito sa park kung saan ako namamahinga at nais mapag-isa ng marinig ko siyang nagsalita. Mula sa kinaroroonan ko tanaw ko ang isang tao na animo'y pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa itsura nito. Sa unang tingin aakalain mong isa lamang siyang tao na nais mapag-isa at natripan na umupo sa kung saan siya naroroon ngayon.
Ngunit pagkatapos ng ilang sandali narinig ko na lang ito na tumatawa mag-isa pagkuwan ang kanyang tawa ay unti-unting naging iyak na animo'y inagawan ng kung ano. Naglabasan  na ang kanyang luha na wari ko'y matagal na niyang itinago ang kanyang nararamdaman. Habang siya ay umiiyak unti-unting pumatak ang ulan at tila papalakas pa ito ngunit wala ata siyang balak sumilong o umalis man lang sa kinaroroonan niya ngayon. Pati ang langit ay nakiki-ayon sa kanyang nararamdaman. Lalapitan ko na sana siya ng marinig kong nagsalita na naman ito.

"You know what? What I regret the most is that I did not even say to you how much I love you when I still have a chance", saka na naman ito tumawa.
Kung hindi lamang ako naawa sa kanya mapagkakamalan ko itong baliw. Napaka-gandang lalaki niya para pagkamalan na baliw.
Maputi ang kanyang kutis. Unti-unti kong sinuri ang kanyang mukha ngunit ang tukso kong mga mata ay napadako sa kanyang mapupulang labi at tila malambot ito ng mag-wika itong muli.
"I miss your voice."
"I miss your smile."
"Everything about you."
"I really hope your here near or far. The truth brings me to tears. I always wonder what would be the first word I say if I meet you again one day. And I'm hoping you"ll remember my name, if I see you again."

"Again I love you, mahal kita. Mahal na mahal kita.
"I'm sorry"
"I'm sorry"
"I'm really sorry."

Lumakas na ang ulan na may kasama pang malakas na hangin, kulog at kidlat. Tila may bagyong paparating. Lalapitan kona sana ito ng biglang may tumawag sa kanyang pangalan at sabay na silang umalis.
Wala akong nagawa kundi ang umalis na rin at umuwi sa bahay.

Yesterday's Shattered MemoriesWhere stories live. Discover now