Chapter 1

12 8 0
                                    

Yana's POV

Doc !

Dooooc!
Doc!
Doc!
Sa may ward 4 po pakicheck naman yung vital signs ng mother ko umiiyak kong hangos sa may nurse station.
It was 5am in the morning at wala pa akong tulog simula kagabi pero hindi ko alintana ang pagod at antok mabantayan lamang ang aking ina.

"Ma'am, on the way na po si doc susunod po kami doon" ang kalmadong sabi sa akin ng isa sa mga nurse ngunit paano akong kakalma ang nanay ko kailangan niya ng atensyon ng doctor. Galit man ako sa naging tugon sa akin ng nurse ay kinailangan kong bumalik sa ward kung saan naroon ang aking ina upang mabantayan.

Ako nga pala si Eliana Coile ang tawag sa akin ng aking mga kaibigan ay Yana. Magbabagong taon na pero nandito parin kami sa hospital dahil kasalukuyang naka-admit ang aking ina rito.

Habang naglalakad pabalik sa ward ay diko maiwasang igala ang aking paningin sa bawat madaanan ko.

Masikip sa pasilyong daraanan, mainit, sari-sari ang amoy sapagkat marami ang pasyente ngayon ngunit hindi iyon hadlang para makita ko ang isa sa mga doctor na kakapasok lang sa ward kung saan naroon ang aking ina hindi man ito ang doctor ng aking ina ay wala na akong pakialam.
Lakad-takbo ang ginawa ko maabutan ko lamang ang naturang doctor.
Pagkapasok sa may pintuan agad ko siyang hinila sa kung saan naroroon ang aking ina.

"Doc please si mama, pakicheck naman po ang vital signs niya kanina pinapakiramdaman ko naman ang heartbeat niya malakas pa pero ngayon lang ay hindi ko na makapa ang heartbeat niya. Malamig na rin ang kalahating katawan niya. Doc please parang awa mo na paki check ang nanay ko", paiyak na pakiusap ko sa doctor.

"Okay ma'am, kumalma ka at pumunta ka sa nurse Station at sabihin mo ipinapatawag ko si nurse Ramirez ngayon na" hindi ko maintindihan ang nangyayari may sariling isip ang aking katawan at namalayan ko nalang na nasa nurse station na ako at sinunod ang sinabi ng doctor. Makaraan ang ilang sandali pabalik na kami sa ward at hindi ko alam bakit tinanggal na nila ang mga tubong nakasaksak sa aking ina.

Umiiyak, naguguluhan hindi ko alam ang aking gagawin. Bakit may tatlong doctor na nandito ngunit sa tatlong doctor na aking nakikita ni isa wala sakanila ang doctor ng aking ina.
Lumapit ang babaeng doctor na sa puna ko ay Heart Surgeon, kinapa niya ang palapulsuhan ni mama, ginamit na rin niya ang stethoscope upang marinig ang heartbeat ni mama.
"Ma'am! Ma'am! Ma'am! Naririnig niyo po ako ma'am?, Ang wika nito habang kinakapa parin ang pala pulsuhan at pinapakinggan ang heartbeat ni mama. Ngunit sadyang sinusubok ng pagkakataon na ito ang aking katatagan. Sa bawat segundo na lumilipas at wala kaming natatanggap na senyales kay mama kung kami ba ay naririnig niya sa di malamang kadahilanan ay nag uunahang bumabagsak ang luha ko.

Wala akong nagawa kundi ang tumabi sa kanya habang ang mga doctor ay abala sa pag manual resuscitation sakanya. Wala akong paki-alam sa paligid.
Nakita ko ang rosary na pinapasuot ko sakanya iniligay ko ito sa kanyang mga kamay at paulit ulit na bumubulong ng
"ma, kaya mo yan lumaban!". "Ma, wag mo kami iiwan labanan mo yan kayang kaya mo yan". Ma, andito lang ako sa tabi mo di kita iiwan please ma, makinig ka sakin hindi kapa pwedeng mawala ngayon". Lumaban ka ha hmmm?
Habang abala ako sa pakiki-usap sa aking ina napansin kong may ini-inject ang isang nurse sa kanyang swero na kung tawagin ay epinephrine para pantulong sa paghinga, stimulate the heart, raise a dropping blood pressure, reverse hives and reduce swelling of the face, lips, and throat.
Ayon sa nurse na nag iinject nito "Ma'am 6 times lang po namin siya pwedeng lagyan nito" hindi ko man maintindihan ang sinasabi niya tumango nalang ako. Habang ginagawa nila ang manual resuscitation ay sinasabayn ko sila sa pagbilang.
Isa hanggang sampu, matapos ang sampung bilang ay iinject na naman nila yung epinephrine.
Pang-apat na inject na nila subalit wala parin akong natatanggap na senyales mula sa aking ina unti-unti na akong kinakabahan at natatakot para sa posibleng mangyari.
"Mama, lumaban ka please! Kakasimula ko.palang sa kolehiyo. Hindi mo pa kami pwedeng iwan ma! Napakabata mo pa para mawala ma. Ma lumaban ka naman o para  samin" umiiyak na bulong ko sakanya umaasa na maririnig niya ako at sa sandaling panahon ay magigising na siya.
Ngunit bigla akong inutusan ng nurse na umalis muna sa tabi ni mama at wag ipasusuot ang rosary at kung mayroon ba siyang ibang suot na metal sa katawan ay kasama rin sa pinatanggal. Naguguluhan man ay ginawa ko ang kanilang nais. Huli na ng makita kong binabasa na nila ang kanyang hearbeat, unti-unti akong nagkaroon ng pag-asa na sa wakas ay babalik na sa amin ang aking ina. Ngunit hindi pa man nagtatagal ang aking kasiyahan ay bigla na lamang akong nagulantang ng makita kong flat line na ang mayroon sa machine.
Hinde! Hinde! Maaa, sigaw ko niyuyugyog na siya. Maaaaa! Gumising ka jan! Huwag mong gawin sa amin to ma! Parang awa mo na ma! Maa gumising ka ma! Umiiyak na ako, hindi parin makapaniwala sa nangyayari.
Napaluhod nalang ako sa mga doctor nagmamaka- awa na gawin ang lahat maibalik lang ang aking ina.
Ngunit ng hindi sila gumalaw, ako na mismo ang nag-manual resuscitation sa aking ina umaasa na magising siya.
Nagulantang ako ng ianunsyo ng isang doctor na " time of death, 8:14 am. December 30,2019 cause of death Subarachnoid Hemorrhage secondary to ruptured anterior cerebral artery aneurysm"
hindi! Hindii ito maari.
Bumalik ako sa pagyugyog sa aking ina umaasa parin na magigising siya ngunit nabigo ako. Tuluyan na kaming iniwan ng aking ina sa edad na ika-42.

------------*
Enjoy reading guys don't forget to vote and share!
So pasensya na ha ? Matagal -tagal ang UD busy e hehe.
Anyways sino may gusto ng dedication sa next chapter? Comment lang mga sis❤️.
Again ENJOY☺️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Yesterday's Shattered MemoriesWhere stories live. Discover now