WARNING: Expect wrong typo and grammatical error ahead.
************NASA Batanggas sila at doon napagpasyahan ni Dylan na magbakasyon dahil naka on leave na ito sa trabaho. May private vaccation house ito doon na pag-aari na nakatirik malapit sa dagat. Imbitado din ito sa kasal ng bunsong anak ni Nay Flor at Tay Ric sa isang linggo kaya napagpasyahan nito na dito na nila gugulin ang paghihintay sa kasal at para na rin daw na makapag relax sila pareho.
Maaga siyang nagising ng umagang iyon kahit pa sabihin na halos madaling araw na siya pinatulog nito. Ilang beses silang nag-talik na talaga naman wala itong kapaguran sa pag-papaligaya sa kanya, at sa bawat pag-tatalik na nila ay talaga naman nakakarating siya sa ika-pitong langit na tinatawag.
Napagpasyahan niya na maglakad-lakad sa dalampasigan habang hinihintay ang pag-gising ni Dylan. Bitbit ang cellpone na lumabas muna siya, tulad ng nakasanayan ay nakinig siya nang music habang naglalakad hindi kalayuan sa bahay na kanilang tinutuluyan.
Maya-maya ay napalitan ang tugtog na kasalukuyan niyang pina pakinggan ng calling ringtone niya at ng kanyang sipatin kung sino ang tumatawag si Sansky iyon.
"Hi bestie how are you?"
"Best napatawag ka may problema ba?"
"Walang problema. Gusto ko lang ipaalam sa'yo na ngayon ang meeting ko sa client na na-deal mo sa qatar. Ngayon pag-uusapan ang pag-hire sa mga applicants na ipapadala natin sa kanila para sa hotell nilang kasalukuyan ng itinatayo doon."
"Well, that's a great news. I'm sure masasala mo mabuti ang mga iyan. We need a one thousand applicants para sa kanila. Are you sure you can handle this?"
"Ofcourse naman, ikaw lang naman ang nawala sa team dahil naka bakasyon ka at isa pa may mga staff naman tayo na naka assign para sa deal natin na ito, so no need to worry."
"Kung sa bagay tama ka naman diyan."
"At tsaka isa papala sa itinawag ko sa iyo ay ang papalit sa iyo diyan. May na hire na ako and you only have one week na lang then after that you're two month vaccation left is all yours."
"Ganoon ba, " sa malunkot na boses.
"Oh bakit parang hindi ka masaya? Don't tell me na gusto mo diyan na tapusin ang buong bakasyon mo?"
"Ano hindi noh, bruha ka. Hindi ko lang namalayan na patapos na pala ang isang buwan ko dito masyado kasi ko nag-enjoy sa pagiging Nanny."
"Hmm talaga ba?, O meron ka lang ayaw sabihin sa akin."
"Wala noh."
"Hay naku, kung ano man iyan nililihim mo sa akin ngayon hindi kita pipilitin mag salita, kasi sigurado naman ako na sasabihinmo din yan sa akin. Dahil sabi mo nga wala, oh eh di sige iisipin ko nalang na wala kang secret ngayon." Natatawa pa nitong turan.
"Baliw ka talaga, wala ka na bang sasabihin pa baka hinahanap na ako ng alaga ko eh."
"Wala na."
Matapos silang mag-usap ay ngayon lang niya na realize na oo nga pala malapit ngmatapos ang isang buwan at hangang ngayon hindi niya pa nasasabi kay Dylan ang dahilan ng pag-iwan niya dito noon. Maraming beses niyang sinubukan na sabihin dito, pero tila ayaw na ni Dylan na malaman pa dahil ang mahalaga daw ngayon ay ang kasalukuyan at hindi na ang nakaraan.
Pero paano siya magsasabi dito na ang pagiging Nanny niya ay pansamantala lang. Hindi kaya ito magalit sa kanya kapag nagsabi na siya. Pero buo na ang pasya niya at sasabihin niya dito ang totoo sa pagiging Nanny niya. Nakatitiyak naman siya na mauunawaan siya nito.
Habang nagmamasid-masid sa karagatan at nasisiyahan sa panonood ng bawat pag-hampas ng alon.Kahit hindi siya marunong lumangoy ay gustong-gusto niya ang dagat, kuntento na siya kahit sa pampang lang siya. Ewan ba kung bakit sobrang hina ng kanyang loob pagdating sa paglangoy kaya di siya matuto-tuto.
Walang pagsidlan ang ligayang nararamdaman niya ngayon, sa wakas muli silang pinag-tagpo ni Dylan, nakatanim na nga sa isip at puso niya na hindi na siya mag- aasawa dahil alam niya sa puso't isip niya na ito lang ang lalaking mamahalin niya habang buhay. Kung ano man ang relasyon nila ngayon masaya siya.
"Mukhang ang lalim ng iniisip ng my Vien ko."
Si Dylan iyon na hindi man lang niya namalayan ang paglapit sa kanya na agad tumabi sa pagkaka upo sa kanya sa buhanginan.
"Anong iniisip mo? Bukod sa alam kong sobrang mahal na mahal mo ako."
Natawa siya sa sinabi nito at hinampas sa braso si Dylan pero maya-maya ay sumiryoso din siya at humilig sa mga balikat nito.
"Masaya lang ako, sobrang saya, kasi dininig ni Lord ang mga panalangin ko, na sana dumating ang panahon na muli tayo mag-kita. Tumingin siya dito at hinuli ng mga mata niya ang paningin nito, sobrang mahal na mahal kita Dylan. Sa totoo lang hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ulit kung muli lang mawawala sa akin.
" It will never happen again, kasi hindi ko na dhahayaan pang muling mangyari. Ni minsan hindi ka naman nawala sa isip at puso ko eh. Nang una tayo mag-kita sa unang araw mo sa bahay bilang Nanny nagulat talaga ako pero masaya din naman. Oo sa una ayoko tanggapin na masaya ako sa pagkikita natin ulit kaya pinilit ko iyon itago sa pamamagitan ng pag-uutos sa iyo ng kung ano-anu, pero hindi ko pala kayang panindigan na patuloy ka pahirapan mahal kasi kita."
"M-mahal mo ako?, Tama ba ang narinig ko na sinabi mo mahal mo ako?"
"Oo sinabi ko nga na mahal kita kasi mahal naman talaga kita mula noon hanggang ngayon."
Sa narinig ay hindi niya napigilan maluha dahil ngayon lang niya narinig sa binata ang mga salitang namutawi sa bibig nito.
Kinuha ni Dylan ang cellphone nito at hinanap ang kanta ni Michael Bolton na SAID I LOVE YOU BUT I LIED.
"Pakinggan mo ang kantang ito my Vien. Sa pamamagitan ng kantang iyan, sana maramdaman mo kung gaano kita ka mahal.
YOU ARE THE CANDLE, LOVES THE FLAME.
A FIRE THAT BURNS TROUGH WIND AND RAIN.
SHINE YOUR LIGHT ON THIS HEART OF MINE.
TILL THE END OF TIME.
YOU CAME TO ME LIKE THE DAWN TROUGH THE NIGHT.
JUST SHINING LIKE THE SUN OUT OF MY DREAMS AND INTO MY LIFE YOU ARE THE ONE, YOU ARE THE ONE...
Sa bawat lyrics ng kanta na iyon ay ramdam niya ang tagos sa pusong mensahe na nais ipabatid ni Dylan sa kanya.
SAID I LOVE YOU BUT I LIED CAUSE THIS IS MORE THAN LOVE I FEEL INSIDE.
SAID I LOVE YOU BUT I WAS WRONG, CAUSE LOVE COULD NEVER EVER FEEL SO STRONG
SAID I LOVE YOU BUT I LIED
Ngayon niya napagtanto kung bakit hindi siya sinasabihan ni Dylan ng I love you, sapagkat kung sabihin man pala nito ang mga katagang iyon para sa kanya ay higit papala doon ang nararamdaman nito dahil iyon ang gustong ipabatid ng chorus ng kantang iyon para sa kanya.
WITH ALL MY SOUL, I'VE TRIED IN VAIN HOW CAN MERE WORDS MY HEART EXPLAIN
THIS TASTE OF HEAVEN SO DEEP SO TRUE I'VE FOUND IN YOU
SO MANY REASONS IN SO MANY WAY'S MY LIFE HAS JUST BEGUN
NEED YOU FOREVER AND I NEED YOU TO STAY
YOU ARE THE ONE,YOU ARE THE ONE.
Napahagulgol na siya ng iyak talaga sa mga balikat nito, at tuluyang yumakap dito. Ito na ata iyong tinatawag na tears of joy ika. Ramdam niya ang higpit ng yakap ni Dylan sa kanya.
"Don't cry my Vien shhhh, Hindi ko naman intensyon paiyakin ka ano ka ba? Hindi mo ba nagustuhan ang kanta?"
"Masaya lang talaga ako. Mahal na mahal kita"
"Mahal din kita, Mahal na mahal."
Naglapat ang mga labi nila at sa pamamagitan ng halik na iyon ay ipinadama nila ang labis na pag- mamahal nila sa isat-isa.
"Tara na sa loob." Sabi ni Dylan, "umiinit na ang sikat ng araw malapit ng maging masakit sa balat."
Inalalayan siya nito sa pagtayo at magkahawak kamay na naglakad pabalik sa bahay. Sa beranda sila tumuloy at inalalayan siya ni Dylan sa pag-upo sa isang malaking duyan na nakasabit. Paharap iyon sa dagat at tsaka pa lamang ito tumabi ng upo sa kanya.
"Rhaime," Tawag pansin ni Dylan dito.
"Hmmm..." Pahuning tugon naman niya.
"Mamayang gabi mag-swimming tayo."
"Nagpapatawa ka ba? Alam mo naman na hindi ako marunong lumangoy."
"I'll teach you."
"Naku huwag mo nang subukan. Alam mo ba na wala akong pag-asa sa ganyan. Pero kahit hindi naman ako marunong lumangoy pwedi naman kita samahan kung gusto mo talaga basta doon lang tayo sa mababaw ha?"
"Talaga, you do that?"
"Oo naman bakit hindi? Isa pa masarap naman mag-swimming kapag gabi diba kaya ayos lang talaga."
"Yes. I'm so excited tonight my Vien." Mababakas talaga ang excitement sa mukha nito na nakapag pataka sa kanya.
"Dylan pwedi bang magtanong?"
"Oo naman sige, ano yun?" Tumingin siya dito.
"Ahmm..., ayos lang ba sa iyo kung pagiging Nanny lang ang narating ko?"
"Ano ba naman tanong iyan Rhaime, syempre ayos lang wala naman problema sa akin kung ano lang ang narating mo, walang masama sa trabahong iyan."
"Salamat." Iyon na lang ang nasabi niya kasi ayaw niyang sirain ang magandang mood nito. Sa ibang araw ko na lang sasabihin sa kanya ang totoo. Nasabi na lang niya sa sarili.KINAGABIHAN ay naghahanda na sila ni Dylan para sa night swimming nilang dalawa. Nagsuot siya ng two piece bikini na kulay red at pinatungan niya muna ito ng roba. Kahit naman hindi siya lalangoy gusto naman niya na na-aayon ang kanyang suot para hindi naman nakakahiya kay Dylan.
"Ready na ko let's go." Naka suot ng boxer shorts si Dylan at nakasandong itim. Binitbit nito ang isang basket na naglalaman ng mga pakain nila na babaunin. At magkahawak kamay nilang binaybay ang isang motor boat na sasakyan nila papunta sa floating cottage na pinasadyang ipalagay ni Dylan doon para sa mga pagkakataon tulad ng ganito.
Napa wow siya sa itsura nang kabuuan ng cottage, may maliit na mesang pabilog sa gitna na hanggang kalahati lang ng hita ang taas kaya kung mauupo sila ay sa lapag. May maliit na bombilya na nagsisilbing liwanag nila.
Inilalabas na ni Dylan ang lahat ng dala nila sa mesa. Napangiti siya nang may wine itong dala.
"Bakit may wine ka pa Dylan?"
"Special ang gabing ito para sa atin alam mo ba?"
Napakunot siya ng noo. "Paanong special eh night swimming lang naman ito."
"Oo nga," nagsalin ito ng wine sa baso at iniabot sa kanya. Nagtataka man sa kinikilos ni Dylan ay pinagsa- walang bahala na lang niya.
"Let's go let's swim, " hinawakan siya nito sa braso at sabay silang tumayo.
Hinubad muna niya ang kanyang roba." Tara na doon lang tayo sa Mababaw ha."
"Paano ka matututong lumangoy kung palaging sa mababaw ka lang? and remember walang mababaw dito dahil nasa gitna tayo."
"Oo nga pala noh, sige dito na lang ako ikaw na lang ang mag-swim."
"Nope hindi pwedi dapat mag swim ka rin."
"Dylan anong pinaplano mo ha huwag mong sabihin sa akin na may pinaplano kang hindi maganda."
Ngumiti ito nang kakaiba lang sa kanya at dahan-dahang kinalas ang pagkaka buhol ng tali ng pang itaas niyang panligo hinablot iyon para tuluyan mahubad. Pinaglandas nito ang kanyang palad sa magandang hubog na dibdib nito at tsaka niya marubdob na hinalikan ito sa mga labi.
Agad naman tinugon ni Rhaime ng mapusok na halik. Nang alam niya na dalang-dala na si Rhaime sa bugso ng nararamdaman ay walang pag- aatubili niya itong itinulak sa tubig.
Labis na takot ang nararamdaman niya kapag lumulubog siya. Ang walang hiyang Dylan na iyon plano yata siyang patayin. Pinipilit niyang ikampay ang mga paa up ang mapanatili na hindi siya lumubog. Nakita niya si Dylan na pinapanood lang siya habang heto siya at pinipilit na huwag malunod.
Dylan! Tawag niya dito, t-tulungan mo ako. Sa pagitan ng pag lubog. Dylan! A-ano ba Dylan. Naiiyak na siya talaga at takot na takot.
Bago tuluyan lumubog si Rhaime ay tumalon na si Dylan sa tubig upang saklolohan ito.
Iyak lang ng iyak si Rhaime habang hinahagod ni Dylan ang likod niya Shhh.. "Tahan na gusto lang naman talaga kitang matutong lumangoy eh kaya ginawa ko iyon."
"Bwiset ka!" sigaw niya dito "sinabi ko naman sa iyo na wala akong future doon" sa pagitan ng pag iyak. "Ang sama mo ang sama mo talaga," pinaghahampas niya ito sa kahit saan parte ng katawan tumama.
Salag lang naman ng salag si Dylan habang tumatawa.
"Kita mo, nakukuha mo pa akong pagtawanan bwiset ka talaga. Lagi mo ako pinagtritripan kung nalunod ako ha at mamatay ako?"
"Hindi ko naman hahayaan malunod ka ng tuluyan my Vien,"
"Stop calling me my Vien! Hindi porke naranasan ko na ang sarap sa pakikipag talik pwedi na akong mamatay!" Iyak parin siya ng iyak.
Alam niyang galit ito sa kanya talaga dahil ayaw nito magpatawag ng my Vien. Dahil hindi niya ito mapatahan kaya hinayaan na lang niya muna itong umiyak ng umiyak, pinanood lang niya ito. Oo nga, aminado siyang hindi magandang biro ang ginawa niya dito pero nasa plano niya talaga iyon dahil hindi makukumpleto ang special na gabing ito kung hindi niya gagawin iyon sa dalaga. Gusto niya talagang maging memorable ang gabing ito sa gagawin niya.
*****rhaime22*****Author's note:
Said I love you but I lied by Michael Bolton is one of my favorite song, kaya naman naisip ko na Ipasok ang kantang iyan sa chapter na ito.maganda po kasi talaga meaning niyang para sa mga taong malalim kung mag mahal like yours truely hehehe.Search nyo na lang po sa youtube ulit para sa hindi pamilyar sa kanta na iyan. Enjoy reading as always. Mahal ko kayo and thank you for reading and voting this chapter....
BINABASA MO ANG
Rhaime, Be Mine Again - Old Maid Series 1 (Published under TDP Pub)
RomanceSa paniniwalang mahal siya ng taong mahal niya, sa edad na labing-walo ay naranasan na ni Dylan ang pagkabigo sa pag-ibig dahil kay Rhaime, ang babaeng buong puso nitong minahal. Iniwan siya nito. Winasak ang kaniyang puso nang ganoon lang na hindi...