Okay hindi ko na uulitin pa yung napaka habang sinasabi ko , pero kung na coconfuse kayo bakit ganito yung story makkta nya yung mga nauna kong story sa old acc na ''sukiel13'' naka follow po ako dun yung dalawang lalake yung icon ko katulad ng header ko , yun lang salamat
Olivia POV
''Oh eto uminom ka muna ng hot chocolate''
''Salamat''
Hay nako para naman akong nag aalaga ng batang paslit nito
>> Flashback<<
''Ma'am mukhang may natalsikan tayong bata''
''Ah osige bababa ako pakihinto ng sasakyan''
''Olivia...?''
''Winter...?''
>>End Of Flashback<<
At eto nga yung batang tinutukoy ni kuya driver namin.... si Winter. Hay hindi ko naman sya magawang pabayaan kaya pinatuloy ko muna sya sa bahay namin, inis talaga ako sa kanya pero pakiramdam ko hindi ito ang oras para mainis sa kanya mukhang wala sya sa sarili
T________________T Bakit ko kamo nasabi yun?
Hindi sya nag rereklamo na sobrang pait ng hot chocolate at dirediresto nya pa itong ininom na parang tubig lang
''So Winter should i call Summer para sunduin ka na para maka uwi ka na? Delikado kung mag isa kang uuwi sa ganitong oras ng gabi''
Biglang lumuhod sa harap ko si Winter na tila mag mamakaawa saakin
''Pls wag Olivia, dito muna ako''
''HAH?!''
ANO BANG GULO ANG PINASOK KO?!
Dinala ko sya sa kwarto ni Ezzy
''Ito munang kwarto ni Ezzy ang magiging kwarto mo tutal wala naman sya dito nasa tournament ata sya or pag momodela ewan ko ba sa kanya basta may natanggap syang invitation''
''Salamat Olivia at pasensya na din alam kong ayaw mo sa akin pero eto ka ngayon tinutulungan ako''
Nakita ko sa mukha nya ang pagiging malungkot hindi naman ganito yung Winter na kilala ko
''Wala yun tingin ko kasi ako muna ang masasandalan mo, kaya pansamantala magiging nice muna ako sayo.... so ano ang problema?''
>>Time skip<<
''HAH HINDI MO TUNAY NA KAPATID SI SUMMER?!''
WAIT WAIT BAKIT SYA MALUNGKOT DAPAT MASAYA PA SYA KASI MAY PAG ASA NA SYA KAY SUMMER!!!
''Alam ko iniisip mo na dapat matuwa ako kasi may pag asa na ako kay kuya Summer, pero hindi ko din alam kung bakit ako malungkot..... siguro dahil mawawalay na sya saakin''
Well totoo naman nakakalungkot yun
''Sige hahayaan muna kita na dito sa amin manirahan at kapag ayos na ang pakiramdam mo kailangan mo na umuwi .. at..''
''At...?''-Winter
''At hindi na ako makki agaw sayo kay Summer, dahil tadhana na ang nag sasabing sumuko na ako''
''Olivia...''
''Malay mo may dumating na lalake ngayon yung tipong mag eeskandalo sa harap ng bahay namin tapos hahanapin ako , malay mo yun na yung lalake para sa akin''
At isa sa mga body guards ko ang lumapit sa akin
''Ma'am Olivia may isang gwapong lalake po ang nag eeskandalo sa may gate hinahanap po ang may ari ng bahay , pag hindi daw po kayo lumabas mapipilitan daw po sya tumawag ng mga pulis''
''OLIVIA PINAKINGGAN NG LANGIT YUNG SINABI MO!''
''HAH?!''
Kita ko sa mukha ni Winter yung pag ka amaze wait diba malungkot sya..... SAKA BIRO LANG YUNG SINABI KO BAKIT GANITO?!
TBC
Sino kaya yung gwapong lalake na yun abangan
sige next chapter na hahaha
YOU ARE READING
IM INLOVE WITH MY BROTHER (2 contiuation )
No FicciónITO PO YUNG KASUNOD NUNG STORY KO SA OLD ACC KO NA ''Sukiel13'' Anong gagawin mo pag isang araw magising ka nalang sa katotohanan na may crush ka na pala sa kuya mo? Makakaya mo ba itago itong nadarama mo sa kanya ngayong nasa iisang bubong lang kay...