Chapter 1

25 0 10
                                        

1

"Where the fuck are you?" Inis 'kong tanong kay Cal. Ang sabi niya kanina, nandito na siya sa pagkikitaan namin, pero 30 minutes na ang nakalipas at wala pa rin siya. Naiinip na ako dito at konting-konti na lang, iiwan 'ko na talaga siya at magpapasundo na lang ako kay Andrei.

"Chill! I'm on my way," He said. Bumuntong hininga ako. "You said that 25 minutes ago!" Napipikon 'kong usal. Malakas talaga ang pakiramdam 'ko na pinagt'tripan ako ni Cal, eh. I mean, ang lapit lang ng bahay nila dito sa coffee shop, kanina pa siya on the way, hanggang ngayon wala parin?

Hindi 'ko na talaga alam kung ano ang magagawa 'ko sakaniya kapag napatunayan 'kong niloloko niya ako. Baka masapak 'ko na lang siya bigla sa inis. Ayaw 'kong pinaghihintay ako, 'no!

"Tss, malap—" Bago pa matapos ni Cal ang kaniyang sasabihin ay binabaan 'ko na ito ng telepono sa inis. Ang kapal ng mukha niya! Lumabas ako ng coffee shop at akmang tatawagin na sina Andrei para magpasundo nang biglang may tumigil na sasakyan sa harapan 'ko.

si Cal. Ngayon pa lang siya dumating. Ang usapan namin ay 8AM. 8:40 AM na! Kainis talaga 'to!

"Ang busangot naman ng mukha mo! Smile! Papangit ka niyan, eh!" He said foolishly. Tinignan 'ko siya nang masama. He laughed bago siya lumabas.

Papunta siya sa direksyon 'ko ngunit tumigil biglaan. Kumunot ang noo 'ko, anong problema nito?

"What the fuck? Ano 'yang suot mo?" He hissed. Bigla akong napatingin sa suot 'ko. What's wrong? Ayos naman, ah? I am wearing a Black sleeveless v-neck waist drawstring short playsuit romper, black madden girl beella ankle strap heels, and a black bag.

"Why? Okay naman, ah?" I said. Sabi ni Kuya mukha akong makikipaglibing kasi naka-all black ako, pero, duh? Napakaganda kaya!

"Yung likod mo! Legs! I mean, wala namang problema sa suot mo, you can wear whatever you want but come on! Maraming gago sa paligid. I just don't want you to b—" Tumigil siya sa sasabihin niya kaya't tinignan 'ko siya.

"Whatever, Let's go," Aniya at pinagbuksan ako ng pinto. Tumango ako at pumasok sa loob. Sa biyahe, I don't know why but he looks so pissed. Is it because of me? Hindi naman masyadong maikli ang suot 'ko, Though, backless and sleeveless siya.. Hay, I get his point din naman, Maraming gago sa paligid. Pagiisipan ng marumi ang mga babae, worst, may gawin pang masama sa mga babae, pagkatapos, kami ang sisisihin dahil sa mga suot namin.

Bakit 'di sila magaral rumespeto at manahimik? Hindi puro kalaswaan 'yung nasa utak. Dude, they sucks.

Kasakuluyan akong kumakain ng burger na bigay ni Cal ng mapansin 'kong nag-iba kami ng daan na pinupuntahan. Hindi naman 'to papunta sa tagaytay, ah? I looked at him with confused eyes and said,

"Where are we going? D'un 'yung daan papuntang tagaytay, oh!"

Hindi siya tumingin sa'kin at nagpatuloy parin sa pagd'drive. What the? Naliligaw ba kami? No! Si Cal pa ba?

"We're going to the mall," He said. Ah, baka may pinapabili sila Jamiel. Akala 'ko naman kung ano.

"We'll buy you clothes. You'll change," He seriously said. I looked at him. "Huh? Ayos naman nga suot 'ko!" Pagrereklamo 'ko.

Tinignan niya ako, mas seryoso. Kaya hindi na ako umimik at sinunod na lamang siya. Kapag ganitong seryoso siya, medyo natatakot ako. He may be maloko but when he's this serious, Aw, mapapatahimik ka na lang talaga.

"This," aniya. Black pants at white off-shoulder na crop-top. He picked this, Okay na 'to. Mukha pa rin akong sexy, hehehe.

Nang lumabas ako, hinila niya ako sa counter at binayaran ang mga damit 'ko. Pinagtitinginan nga kami ng ibang tao, eh. Papaano ba naman kasi! He looks so mad!

Bukang Liwayway Where stories live. Discover now