One | Ang Diary ng WattpaderDear Diary,
Bigyan mo naman ako ng lovelife.Sawa na ako sa buhay kong ganito.Single!
Okay lang sa'kin kahit si Jeydon Lopez na palaging masungit kay Candice.
O kaya...
Si Deib,na pumapatid kahit sa taong hindi nya kilala kaya sa bandang huli siya ang napapahiya sa madla.
Ayaw ko ng mabait sa una.Gusto kong character katulad sa mga wattpad na nababasa ko.
Yong tipong sa una naming pagkikita papatayin nya ako sa takot.Hindi yong hihingi ng tawad at maglupasay sa kakahingi ng sorry.Hindi ito ang pinapangarap ko...
"Nasaan na ba ang lukaret na yon?"
Kanina pa ako napapagod sa kakahanap kay Mira.Saglit lang akong napalinga hindi ko na naman siya nakita.Huwag ko lang talagang malalaman na may sinundan na naman siyang lalaki kundi madadali ko sya.Yano ba namang ipagpalit ako sa taong natitipuan nya sa unang tingin lang nya.
"Hmmmmmm!"Mahabang buntong hininga ko ng makababa ako sa escolator.
Pang ilang akyat baba ko na nga ba ito?
Five?
Six?
Seven?
No.Its more than ten.
Siguro kung mataba ako baka pumayat ako ng walang kahirap-hirap.Dapat pati siya ang gumagawa nito ng mabawasan naman ang tabang meron sya.
Dahil hindi ko na kayang umakyat pa ulit sa second floor nagpasya akong uminom muna ng buko juice.
Bumili agad ako ng 20 pesos dahil nakakauhaw talaga ang paghahanap sa lukaret na 'yon.
Pero bakit ganon diary?Malas na nga ako sa lovelife,malas pa rin sa araw na ito.
"SHIT!"Bulalas ko.
Kahit sumigaw ako ng ganong kalakas wala pa ring magagawa yon para pigilan ang paghalo ng iniinom ko sa sahig na inaapakan ko.
Imbis na magalit,no.Baka swerte ako sa araw na ito.
"Ouch!"
Yan ang normal na nagiging reaksyon ng babae sa wattpad books na nababasa ko.
Then sasagot yong lalaking.
"Wag ka ngang humarang sa daraanan ko.Your blocking my way."
But im disappointed to him...
"Pasensya na miss.Hindi ko sinasadya.Sorry.Sorry talaga."
Agad kong binago yong itsura ko at tiningnan siya ng masama.
"Wag ka kasing tatanga-tanga."Inis kong sambit at iniwan na siya don kasama ang juice kong natapon dahil sa kanya.
I'm wonder kung anong klaseng paglalakad ang ginawa nya at nagawa pa akong sagiin kahit nasa isang tabi na.Ni hindi ko nga nakilatis kahit ang mata man lang niya dahil hindi naman ako interesado sa mga taong ganon.
Pagbukas na pagbukas ng pintuan namin agad kong binato ang babaeng pumasok dito.
"AYETH!"
"Yaks!My pretty face!"
Angal ni Mira ng matamaan siya ng dressing na kanina lang ay sinasawsawan ko ng fries.
"Its look a like a blood when you have a red days."Giit pa nito pero tiningnan ko lang siya ng masama.
BINABASA MO ANG
Ang Diary Ng Wattpader
Teen FictionAko siguro yong babaeng hindi pinalad magkaroon ng magandang lovelife. May dumarating naman pero agad din akong iiwan ng walang dahilan,kasi nga hindi sila ang tamang tao para sa'kin.Hindi rin ako nakakasiguro kung may tamang tao pang nakalaan sa ak...