"Ayos ka lang Colt?" tanong ng coach nila.
Anong nangyari sa kanya? ba't parang nahihirapan sitang tumayo? tiningnan ko ang nakangising lalake na papansin.
"Anong ginawa mo sa kanya?!" galit na tanong ko.
"Wala. Hindi kasi siya nakafocus sa laro eh, yan tuloy"
"Gago ka ba?"
"Kalma. Wala akong ginawa. Laro lang to. Sinabi ko lang naman na mapapasakin ka, nagalit na"
Napalingon ako kay Colt. Halatang may galit pa din yung mata niya.
"Bal. Ayos ka lang?" nakatingin lang siya sakin.
Pawis na pawis siya kaya kumuha ako ng towel at mineral water. He's so tired.
"Kaya mo pa ba Colt? 3 points nalang, panalo na tayo"
Siya yung laging inaasahan ng team. Kaya madalas, walang nagsu-sub sa kaniya. Tiningnan ko yung score nila. Lamang yung kabila, pero free throw ng team nila. Last quarter na pala to.
Tumingin siya sakin ng nakangiti at inalalayan ko siyang tumayo.
"I know you can do it"
"Oo, nandito ka eh" he gave me a wide smile.
"Wag mong pansinin yan, okay? magfocus ka sa laro"
"Magfocus ka din sakin. Wag sa iba" dugtong niya.
Sayo naman talaga ako nakafocus eh. Kakafocus ko sayo, hindi ko na namalayan na hindi ko na pala nababantayan ang sarili ko.
"Balik kana dun. Sa akin ang tingin ah. Kabadtrip ang banner mo, tsk"
"HAHAHA. Galingan mo"
"Alright, tuloy" sigaw ng coach nila.
Siya na yung magfre'free throw.
"Ipasok mo Colt, ipasok mo!" ulo mo, pasok. Ingay nila.
Kinakabahan ako. Pero lumingon siya sakin. At parang may sinasabi ang mga mata niya.
Ano ba yung sinasabi niya? bakit kinakabahan ako. Nginitian ko lang siya.
"You can do it!" sigaw ko bigla.
Nakafocus siya ulit sa ring at sakto...
"Pasooook!" naghiyawan ang lahat.
Napatalon din ako.
"Best friend ko yan mga gago!' sigaw ko habang tumatalon. Inirapan nila ako pero wala akong pakialam.
"Isa nalang!"
Pag na-shoot niya to ulit, isang point nalang mananalo na sila.
Parang may sinasabi sa kanya yung lalakeng papansin at inis na inis siya.
"Bal! kaya mo yan gago!"
Ayaw ko siyang madistract dun, baka hindi pa mashoot.
Buti nalang nashoot niya at agad namang nag-agawan ng bola ang dalawa, sabay pinasa sa kasama niya, at sakto, nashoot ito.
"Woooooooh!!!!! ang galing!!!!" sigawan nila.
Para akong tanga dito na talon ng talon at agad na tumakbo palapit sa kanya. Sinalubong niya ako ng yakap. Sobrang higpit ng yakap niya.
BINABASA MO ANG
"My Best friend Is My Answered Prayer"
PovídkyShikanah Lixon, a girl who's always there for her best friend Colt El Niego. Palagi silang nagkakasundo sa lahat ng bagay, saksi siya sa lahat ng nangyare sa buhay ni Colt to the point na kabisadong-kabisado na niya ito. What if she fall in love wit...