A/N: Sorry for the late update. Nagiging busy rin po kasi ako. We're selling milky cheesy donut here in our compound po kasi, so bili na, charr! Ayun nga, may mga ginagawa rin kasi ko bukod dito kaya sana po, maintindihan niyo. Thank you sa mga nagbabasa, love, love.
:>
Tanghaling tapat na ng makarating sila sa Palawan. Pagkababa nila ng helicopter ay agad na sumalubong sa kanila ang sariwang hangin. Smells peace unlike in the city. Napapikit si Gáta saka saglit na ninamnam ang sarap ng sariwang hangin. Finally, I'm here in Palawan now.
Nang tuluyang makababa ay sumalubong rin sa kanila ang isang lalaki.
"Sir Rafael!" Masayang bati ng tauhan ni Rafael.
Sa itsura nito ay nasa singkwenta na ang edad nito. Medyo matanda ng tignan ngunit kung titignan ay napakalakas pa nito. Moreno ang kutis. He's wearing a white long sleeve shirt, a maong pants and a beach slipper.
"Manong Rey!" Masayang bati rin ni Rafael
Agad naman silang nilapitan ni Manong Rey at isa-isang kinuha ang mga dala nilang gamit. Nang makuha nito ang mga gamit nila ay agad siya nitong tinapunan ng tingin.
"Napakaganda pala ng asawa mo, Sir Rafael." He said with amusement.
Bigla na naman tuloy nag-init ang mga pisngi ni Gáta. Kaya bahagya na lamang siyang yumuko upang hindi mapansin ang pamumula ng pisngi niya.
Nang tignan niya ang binata ay nakangiti lang ito at hindi na sinagot pa ang sinabi ni Manong Rey. Hindi tuloy niya malaman kung ayos lang ba o hindi sa binata ang sinabi ni Manong Rey.
He bowed a little. "Ako nga pala si Manong Rey, Ma'am." He smiled.
She smiled too. "I'm Gáta. It's nice to meet you po, Manong Rey."
"Kamusta ho, Manong?" Pagsingit ni Rafael. Parang wala lang sa kaniya 'yong sinabi ni Manong, kainis.
"Okay naman, Sir."
"Si Manang ho?"
Tila natahimik si Manong Rey saka ngumiti ng bahagya. "Ganoon pa rin." Bumawi ito at ngumiti ng may galak. "Oh, siya. Tara na ho. Nang makapananghalian kayo, maraming niluto ang asawa ko." Masayang sabi nito.
Sinundan lang nila si Manong Rey. Hindi binitawan ni Rafael ang kamay niya at hinayaan niya lang ang binata. Ilang hakbang lang ay dinala sila ni Manong Rey sa isang nakaparkeng tinted na black limousine.
Inilagay ni Manong Rey ang mga gamit nila sa likod saka sila tinignan.
"Sakay na ho." Pagkasabi nito ay saka ito sumakay sa driver seats.
She glanced at him. "Is this yours?" She asked.
He nodded. "Yeah."
Pinagbuksan siya ng pinto ni Rafael saka siya sumakay. Pagkatapos ay ito naman ang sumunod na sumakay.
Sa loob ay may pagitan na para sa pasahero at sa nagmamaneho. Kung kaya't hindi makikita ng pasahero at nagmamaneho ang ginagawa ng isa't-isa. May telepono roon upang kung may kailangan ang pasahero ay doon na lamang makikipag-usap sa nagmamaneho. It has a thirty two inches flat screen tv, and mini refrigerator.
Nang makasakay si Rafael ay biglang tumunog ang telepono. Agad naman itong sinagot ng binata.
"Yes, Manong. Let's go." He said with no emotion then he hanged up the call.
Ilang saglit pa ay naramdaman niya ng umaandar na ang sasakyan. Hinawakan siyang muli ni Rafael sa kamay. Paminsan-minsan ay pinipisil ng binata ang kamay niya at kapag tinitignan niya ang binata ay nakatingin lang ito sa dinaraanan.
BINABASA MO ANG
Meow, My Sexy Cat (on going)
RandomWARNING: MATURE CONTENT •SPG •R-18 DISCLAIMER: This story is work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author's imagination. Any resem...