CHAPTER ONE

13 1 0
                                    

Isang normal na araw para sa mag kaibigang Pen-pen at Serafin. Mag kasabay papasok ng eskwelahan at mag kasabay din uuwi halos mula kinder at hanggang ngayong grade six ay mag kaklase pa rin sila madalas silang tuksuhin ng:

“Pen pen de Serafin de kutsilyo de almasen…” Yan din ang tukso ng isang grupo ng batang nadaanan nila habang pauwi na sila sa kanilang bahay.

“Mga walang magawa” sabi ni Serafin kay Pen-pen habang sinusuntok nito ang kanyang sariling palad “Uupakan ko na ang mga to” dugtong pa nito.

“Wag mo ng patulan” piit ni “Pen-pen habang sumisipsip sa gulaman na hawak nito. Lumakad na nga palayo ang dalawa mula sa grupo ng mangaasar na bata hindi na lamang nila ito pinansin.

Halos mag katapat lang ang kanilang bahay, mag kaibigan din ang kanilang mga magulang lumaki sila ng mag kasabay. Isang abogado ang ama ni Serafin habang ang kanya namang ina ay isang public school teacher malapit sa isa’t isa ang dalawang pamilya lalo na ng ipanalo ng ama ni Serafin ang kaso na sinampa ng ina ni Pen-pen sa isang swindler.

Ang ama naman ni Pen-pen ay isang OFW sa Australia habang ang kanyang ina ay namamahala ng kanilang negosyong hardware shop.

Peter Neil De Guzman ang totoong pangalan ni Pen-Pen habang Serafino Gutierrez Jr. naman ang kay Serafin.

Wala yatang araw na hindi sila nag laro wala silang kasawaan sa isa’t isa inuubos nila ang kanilang libreng oras sa pag lalaro at sabay din gumagawa ng araling pang bahay.

Isang hapon sa kanilang pagsusulit.

“Pen pen! Huy! Pen-pen!” pasimple at sobrang hina ang tawag ni Serafin sa kaibigan.

“Ano?” Mahina din ang tugon nito.

“Ano sagot sa number 10?”

“Naku! Di ka nanaman nag aral no?” Sisi nito sa kaibigan habang sinesenyas ang tatlong daliri na ang ibig sabihin ay Letter C.

Madalas na si Pen-pen ang nag tuturo ng tamang sagot kay Serafin sa tuwing kinakailangan nya ng tamang sagot hindi s’ya nabibigo kung si Pen-pen lamang ang kanyang kokunsultahin.

Madalas pag diskitahan ng dalawa ang ulap nalilibang sila sa pag buo ng mga imahe sa kanilang isip. Isang hapon gaya ng nakagawian ay nag abala nanaman sila sa pag buo ng mga bagay bagay sa pamamagitan ng ulap.

“Ayun o parang rabbit!” turo ni Serafin habang nakahiga sila sa kama ni Pen-pen tanaw mula sa kwarto nito ang ulap.

“Ayun naman parang eroplano” Turo muli nito.

“Nasan? Nasan?”

“Ayun o eroplano dumadaan”Tumawa ito ng malakas.

“Ewan ko s’yo” sabay kurot nito sa mag kabilang pingi ng kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pen-pen de Serafin (Inilathala ni Neeko)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon