13

50 2 0
                                    

Natatakot akong lumalabas ng kuwarto.
Iniisip ko kasi na baka makita ko na naman yung lola ni Cedrick. Sobrang takot kasi ako sa multo.

Hindi ako makapaniwala na nakausap ko ang patay na. Seryoso ba talaga yun? O baka naman guni-guni ko lang or imagination.

Pero hindi naman pwede na lagi akong magkukulong sa kuwarto. Kaya minsan lumalabas-labas din ako.

Wala si Cedrick. Wala tuloy ako madyadong makausap dito. Kapag lumalabas ako ng kuwarto, tina-try ko talaga na makasundo yung pamilya ni Cedrick pero naiwas sila sa akin. Ang sasama lagi ng tingin nila sa akin.

Wala naman akong masyadong magawa dito sa bahay. Hindi naman nila ako pinapagawa dito ng gawaing bahay, magagalit daw ang Sir Cedrick nila kapag pinagawa nila ako.

Halos naglalakad-lakad lang ako sa buong bahay. Lagi ko din napapansin yung batang lalaki na laging nakaupo sa tabi ng pool at tila malalim ang iniisip.

Batang-bata pa nito tapos malalim na kung mag-isip. Dapat sa kaniya ini-enjoy ang kabataan. Dapat sa kaniya naglalaro.

Nag-iisa lang naman siya kaya nilapitan ko ito.

"Hi" bati ko dito. Lumingon naman ito sa akin pagkatapos ay tumingin na ulit sa pool.

Nag-indian sit ako sa tabi niya at tumingin din sa pool.

"Are you idiot? I said I want to be alone. Can you please? Leave me alone. Stupid" sabi nito habang nakatingin sa pool.

Walang galang ang batang ito. Kung susuriin ko mukhang nasa sampung taon palang siya.

"May nagturo ba sayo ng good manners and right conduct? Hindi ka dapat ganyan magsalita sa mas nakakatanda sayo. I'm sorry kung naistorbo kita pero paano ka magkakaroon ng kaibigan kung ganyan ang ugali mo?" Pangaral ko dito.

"Today is my mom death anniversary. And no one remember it." Malungkot na sabi nito.

Nabigla ako sa sinabi nito. May pinagdadaanan pala siya.

"Anong nangyari?" nahihiyang tanong. Pagkatapos ko siyang pagsabihan kanina ay nagawa ko pang magtanong.

"She died because she saved my life...I was alone here... I was playing here when someone push me into the water and I'm glad that my mom came back and she saved me. Hi-hindi marunong magl-langoy si mommy, but she choose to save me" nakita ko na lang na umiiyak na siya.

"I'm sorry" nasabi ko na lang.

"I miss her so much" sabi pa nito.

"Close na close siguro kayo ng mommy mo" sabi ko pa.

"Why? Hindi mo ba close yung mommy mo?"

"Hin-hindi ko naman nakasama yung nanay ko. Lumaki ako nang wala siya sa tabi ko"

"Is your mom dead too?" Napatingin naman ako sa bata. Nakatingin na din siya sa akin.

"Hindi nuh. Buhay pa yun"

"So you mean? She abandoned you?"

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Ayaw kong isipin na iniwan nga lang ako ng nanay ko. Lagi sinasabi sa akin ni tatay na huwag daw ako magtatanim ng galit sa nanay ko dahil ito daw ang nagbigay ng buhay sa akin. Hindi lang daw talaga handa yung nanay ko nung mga panahong iyun pero mas pinili niya daw na buhayin ako. Siguro sapat na nga yung dahilan na yun para hindi ako magalit sa nanay ko. Binigyan naman ako ng napaka-mapagmahal at napaka-supportive na tatay.

"Ewan"

"Hmm..you know how to swim?" Napangiti naman ako.

"Hindi din ako marunong lumangoy e"

"By the way. I'm sorry about earlier. I thought you're a bad person" sabi nito at tumingin na ulit sa pool.

"Bad person agad? Yun ba yung iniisip mo sa akin nung una mo akong nakita?"

"Hindi lahat ng tao dito mapagkakatiwalaan. Kaya mag-iingat ka. Don't trust anyone."

"Paano mo naman nasabi? Bakit kailangan ko mag-ingat? May mangyayari bang masama sa akin dito?" Naguguluhang sabi ko dito.

"You're new here kaya wala ka pang nalalaman. Nevermind. My name is Marco" pakilala nito.

"Ah. Ako naman ang tita kathleen mo hehe"

"I know your name already. I heard everyone include the maids, they are talking about you"

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Talaga? Anong naririnig mo tungkol sa akin?" Tanong ko dito. Pero bago pa man siya makapagsalita ay tumunog yung cellphone ko na bigay ni Cedrick.

Kinuha ko ito sa bulsa ng aking shor. Si tatay tumatawag.

"Ah wait lang ha? Tatay ko kasi tumatawag" paalam ko dito.

"Go on. Don't mind me" sabi nito.

Tumayo ako at medyo lumayo sa kaniya para sagutin yung tawag ni tatay.

"Hello tatay? Kamusta po?" Sabi ko agad pagkasagot ko.

"Okay lang naman ako. Ikaw ba? Kamusta? Nakakain ka ba sa tamang oras? Hindi ka ba nagkakasakit jan?"

"Hindi naman po. Kumakain naman po ako sa tamang oras. Maayos naman po ako dito"

"Ah mabuti naman. Teka? Naabala ba kita? May ginagawa ka ba?" Tanong pa ni tatay.

"Wala naman po akong ginagawa." Lumingon naman ako kay marco. "..may ka--MARCO!!" Nabitawan ko na lang ang telepono at dali-dali akong lumapit kay Marco. May nakita ako tumulak sa kaniya pero hindi ko ito nakilala. Mabilis na din itong nakatakbo.

Nahulog sa pool si Marco.

Pilit kong inaabot si Marco. Ayaw ko man siyang saktan pero yung buhok niya ang nahigit ko. Sa abot naman ng aking makakaya ay nagawa ko siyang iahon. Hiningal ako hindi dahil sa bigat niya kundi dahil sa kaba at pag-aalala.

"A-ayos ka lang b-ba?" Pag-aalala ko kay Marco. Pulang-pula siya at walang tigil ang pagpatak niya ng luha. Bumibilis din ang kaniyang paghinga. Sobrang takot ang nakikita ko sa kaniya ngayon.

"What are you doing to my brother?!!" Napalingon naman ako sa biglang sumigaw. Galit na galit siya lumalapit sa akin. Hindi ko naman inaasahan nang bigla niya akong itulak sa pool.

Hindi ko kaya yung lalim ng pool. Piling ko may humihigit sa akin pailalim.

"Tu-tulong!! Hin-d-di ako m-marunong lumangoy!! Tulong!!!" Bumilis yung tibok ng puso ko. May naiinom akong tubig. Pakiramdam ko may humigit ng paa ko.

Ito na ba ang katapusan ko? Hindi pa pwede. Madami pa akong gusto gawin. Hindi pa ako dapat mamatay. Gusto ko pang makita si tatay.

Cedrick?? Kailangan kita. Tulungan mo ako. Sana may tumulong sa akin.

Pakiramdam ko nauubusan na ako ng hininga.

Please???!! Tulungan nyo ko?! Parang awa nyo na? Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makita ang tatay ko.

Unti-unti akong nanghihina. Maipipikit ko na sana ang aking mga mata nang may isang tao ang humila sa akin paahon.

Nang makaahon ako. Wala akong ginawa kundi habulin ang aking paghinga at may tubig akong nailuwa.

..

I'm Married A Stranger Where stories live. Discover now