16

54 4 0
                                    

..

Nagising ako nang mukha agad ni Cedrick ang nakita ko. Nakangiti siya sakin.

"Omg. Ling!" Sabi ko at agad siyang niyakap. At kumalas naman ako agad at tiningnan siya kung talagang si Cedrick yung kasama ko.

"Miss me?" Nakangiting pa nitong sabi.

Hindi ako makaimik. Nakangiti lang akong nakatingin sa kaniya. Tumakbo ako papunta cr at nagsipilyo. Ayaw ko naman magsalita sa harap niya ng hindi muna nagsisipilyo.

Habang nagsisipilyo ako pumasok din ng CR si Cedrick at tinitingnan ako.

Agad akong nagmumog. At pinunasan ang bibig ko.

Nagulat pa ako ng yakapin niya ako.

"I miss you" sabi nito habang nakatingin sa akin sa salamin.

Lumingon naman ako dito kahit sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa. Lumingon din ito sa akin.

"Namiss din kita. Akala ko bukas ka pa dadating." nakangiting sabi ko dito.

"Hindi na ako makapaghintay na makasama ka ulit. Namiss talaga kita. Hindi kita nakausap kagabi. Sabi ni Leo tulog ka na daw"

"Inantok na kasi ako. Hindi ko na nahintay ang tawag mo. Sorry"

"You're always forgiven, my lady" nakangiting sabi nito.

Nakatingin ito sa mga mata ko hanggang sa bumababa ito. Nakita ko pa siyang napalunok. Bumalik sa mga mata ko ang tingin niya pagkatapos ay ngumiti.

Kumalas naman ito sa pagkakayakap sa akin at akmang lalabas ng cr.

"May pasalubong ako sayo. Siguradong magugustuhan mo 'to" sabi nito. Bago pa siyang makalabas ng CR ay hinawakan ko na agad siya sa braso kaya natigilan siya at humarap sa akin.

Niyakap ko siya sa leeg at maraan siyang hinalikan na ikinagulat niya. Pero ilang sandali lang ay tumugon din siya sa mga halik ko. Hindi din nagtagal ay bumitaw na ako.

Feeling ko namumula ako. Matamis pa siyang ngumiti sa akin. Lumapit pa siya sakin at mabilis akong hinalikan. Pagkatapos ay hinawakan niya yung kamay ko at dinala sa couch at pinaupo dun. Nasa harapan ko naman yung maleta niya.

Bubuksan na sana niya ang maleta niya pero tumingin muna siya sa akin.

"Close your eyes first" nakangiting sabi nito.

"Bakit?"

"Just do what I say. Close your eyes" nakangiti pa nitong sabi.

Ngumuso pa ako dito pero ginawa ko din ang sinasabi niya kaya pumikit ako.

Narinig ko ang pagbukas ng maleta.

"Now open your eyes"

Nagmulat naman ako at nakita ko ang mga matatamis na pagkain. Kadalasan makikita mo ito sa tindahan ng mga pasalubong galing probinsya.

Nagustuhan ko ang mga pasalubong niya ngunit nagpanggap akong hindi ko gusto ang mga ito.

"You don't like it, do you?" Nakita ko naman ang mukha ni Cedrick na mukhang nadismaya.

Kaya bigla akong natawa.

"Oy joke lang hahaha..saan mo nabili 'to?" Sabi ko at dimampot ang isang balot ng kulay puting haba-haba tapos pili. Ang ilan ay kilala ko tapos ang iba ay limot ko na ang pangalan. "..naalala ko si tatay sa mga ito. Nabili siya ng ganito tuwing galing siyang kapitolyo hahaha" kwento ko at nagbukas ng isa.

"Nagustuhan mo ba ang mga yan? Sabi kasi nila masarap na pasalubong yan. Bibilhin ko sana lahat yung tinda nila kaso ayaw ko naman na sumakit ang ngipin mo. Gusto mo ba? Kung ayaw mo ipamimigay ko na lang kay Arvin"

I'm Married A Stranger Where stories live. Discover now