Haunt
Hinatid nila ako pauwi kase nagabihan kami sa pagagala kung saan saan. Well, worth it din naman para makilala ko sila lalo.
Pagkadating ko sa bahay, agad akong humilata sa sofa, tutal wala naman masyadong tao dito kasi puro sila trabaho, except kay papa at Jassy. Naisip ko munang mag half bath para naman maramdaman ko ulit yung freshness na di ko lang man naramdaman sa buong araw. Napaka init na napaka sakit ng buo kong katawan! Grabe ha.
"Oh dumating ka na pala." si papa.
"Magandang gabi pa, oho kakarating ko lang." sabi ko sabay mano.
"Kumain ka na at pinagluto ka ni Jassy bago siya umalis."
Umalis?
"San po siya pumunta pa? Wala namang trabaho iyon." takte nag-aalala na ako.
"Sa labas lang daw may bibilhin, kanina pa iyon di pa nakakabalik."
Gaga talaga tong babaeng to. Kala mo naman matanda na at pwede nang gumala mag isa. Ang feeling eh.
Nagpaalam ako kay papa na susunduin ko si Jassy pero ang tanga lang, hindi ko alam kung nasaan siya. Tatawagan ko sana siya nang bigla nagtext ang TNT na expire na ko. Edi shet lang, baka ako pa maligaw ngayon.
Nagtambay muna ako sa may Piso-Wifi sa may kanto ng subdivision namin saka nag Facebook. Bago ko paman mapindot ang messenger, lumantad sa akin ang post ni Jassy.
Hang out with dabarkads, just for this night. HAHAHAHA
Talagang nanggigil na ako! Kailan pa siya natutong uminom? Sana kainin niya pati bote! Talagang nabibwiset ako. Tinutukan ko pa yung ilang mga pics saka napagtanto kung nasaan siya.
Nagpara agad ako ng tricycle. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.
"Dito lang ho, eto po bayad." sabi ko kay manong at bumaba na agad.
Nasa gate palang ako ng bahay ng kabit-bahay namin dati ay amoy na amoy ko talaga ang mga usok ng sigarilyo. Shit, this can't be happening.
Wala naman susi yung gate or lock kaya pumasok ako agad. Pagsilip ko sa pintuan ay may katabi si Jassy na lalake na di masyadong familiar. Naka sexy shorts pa ang bruha. Talagang pepektusan ko to pag-uwi.
Nagulat silang lahat ng nakita nila akong nagpakita sa may pintuan. Hininto nila ang music. Matalim kong tiningnan si Jassy kaya umiwas siya ng tingin. Hawak niya pa ang paubos na sigarilyo. She can't be like this. She can't be like her sister.
Pumasok ako at hinila ko siya pero nagpaawat siya.
"Zaya, ayoko ng gulo kaya umalis ka na dito." mahinahon niyang sabi.
"Di ako nanggugulo. I just want you to come with me---"
"I'M NOT GOING HOME! YOU UNDERSTAND!"
OH, EASY.
"Sabi mo ayaw mo nang gulo bakit nagsisigaw ka? Tama na yan----"
YOU ARE READING
Moment Of Truth: Book 1 Of Moment Trilogy
Teen FictionTruth hurts. But when it comes to love, it's suicidal.