11

171 12 4
                                        

LIA

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

"For room 1234"

Sabi ko sa receptionist at binigay ang dala kong pagkain at isang bouquet na daisies.

Ilang buwan ko na 'to ginagawa simulang nalaman ko kung saan siya naka-confine. Hindi ko pa rin kasi kayang harapin siya at humingi ng tawad. Siguradong magagalit 'yon sa akin pag nakita ako, malaki ba naman ang kasalanan ko sa kaniya kaya sino ang hindi magagalit.

Ang bobo ko kasi. Napakasama kong tao para magawa 'yon sa kaniya. Pinagsisisihan ko 'yon, kahit nga ako galit sa sarili ko. Ilang beses na ako humingi ng tawad pero hindi ko magawa sa personal kaya hindi ako kayang patawarin.

Nag lalagay pa ako ng letter sa mail box nila dati pero wala naman ako natatanggap pabalik pero may isang beses na nakatanggap ako ng sulat galing sa kaniya, ang sabi ay wag na daw ako mag paramdam.

Masakit, oo, pero mas masakit ang ginawa ko sa kaniya.

I should've not done that, pero ano na ang magagawa ko ngayon? Nangyari na eh. I only need is forgiveness at doon lang ako tatahimik at hindi na mag paparamdam pa.

But thankfully, ang mga pinapadala ko sa room niya ay tinatanggap niya, baka akala niya ay galing kay Soobin kaya siguro tinanggap.

Speaking of Soobin, nagiwan ako sa locker niya ng almond milk at cinnamon bread. Nahirapan pa nga ako mag lagay sa locker niya kasi hindi ako taga school niya pero buti na lang mabait yung guard at pinapasok ako, may spare keys kasi yung guard sa mga lockers incase na mawala ng students yung locker key nila kaya sa kaniya ko pinabukas.

This is the only time that I have the courage to this stuff.

Sa totoo lang, takot na takot ako kay Soobin. Nakita ko na siyang magalit at hindi ko na kayanan. I'm a bit sensitive sa mga ganong bagay, kahit isang sigaw lang sa'kin mapapaiyak na lang ako agad.

Habang nag lalakad ako palabas ay may nakabangga akong lalaki.

"Shit. Sorry.."

Hinawakan niya pa ang balikat ko bago nag madaling tumakbo papasok, boses pa lang kilala ko na.

Ito ang ayaw ko, sa pag punta-punta ko dito sa hospital ay baka may makasalubong ako na kilala. Katulad ngayon, nagkabangga pa kami nung kuya niya.

Isa pa 'yon, takot na takot din ako do'n. Napahamak ko ang kapatid niya sa katarantaduhan ko kaya sure akong galit din 'yon sa akin.

Kuya Niel is very overprotective when it comes to his sister. Sobrang bait niya rin, kahit nga ako ay tinuring niya rin na kapatid. Pag nasa bahay nila ako ay lagi niya kaming pinagluluto ng mga specialties niya at paminsan ay tinuturuan kami sumayaw.

Sy is just like her brother, she's very kind and jolly, kaya siguro maraming nag kakagusto sa kaniya. Naging kaibigan ko siya dahil lagi ko siyang nakakalaban sa mga competitions sa dati kong school. We became very close that we share our every secrets and things to each other. Gusto niya pa nga ako isali sa circle niya pero hindi ako pumayag kasi hindi ko rin naman kayang ipagpalit sila Ryujin. Tsaka, I won't fit in their circle.

If only I didn't do that, she won't be in this situation. We won't be in this situation.

"Napakatagal mo beh. Saan ka ba galing?"

Tanong sa'kin ni Yeji nang makarating ako sa meeting place namin.

"May dinaan lang.."wala kong ganang sinabi.

Actually, nilakad ko ang hospital papunta dito sa cafe na meeting place namin. Wala kasi akong ganang mag commute at gusto ko rin makapagisip-isip.

Umorder na kami ng drinks at pagkain namin. It's already past 10, hindi pa kami nakapag breakfast.

I ordered a cucumber shake and blueberry muffins and Yeji ordered ice americano, banana chocolate waffles, and macaroons.

"Wow. Nag babagong buhay ka na ba? Parang dati muntik ka ng magsuka nung nalasahan mo yung cucumber."hindi makapaniwalang sabi niya at nakakunot pa habang ngumunguya.

Totoong muntik na ako magsuka nung natikman ko yung cucumber, gumawa kasi ng sandwich si Ryujin, eh hindi ko alam na may cucumber sa loob. Ang panget talaga nung lasa kaya simula no'n ay hindi ko na gustuhan yung cucumber pero guess what? Nagkagusto ako sa isang cucumber.

"Gusto ko lang naman itry 'no. Tsaka malay mo ganito pala yung lasa ng isang cucumber."I giggled.

Nasamid siya sa kinakain niya at inubo. Inabot ko sa kaniya agad yung ice americano niya at tinapik-tapik yung likod niya habang tumatawa.

"Tangina mo. Wag ka na masyadong sumasama sa'kin. Kaya pala sinasabi nila na nahawa ka sa'kin kasi nahawa ka nga talaga sa'kin. Depungal ka."inis na sabi niya at tinawanan ko na lang siya.

𝐂𝐔𝐂𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑 ▶ c.sb + c.jsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon