Chapter 1

11 0 0
                                        

"LL nandito na si Gwen"pag tawag sa akin ni aliya

Kumaway ito sakin ng makita ako. Naglakad ako palapit sa kanya para papasukin sa loob

"Agad niyo ah, wala ka bang gagawin?"tanong ko dito at pinasok sila sa loob ni Elaine

"Ah wala naman akong gagawin. Nag text sakin si tita na nandito kana daw kasama sina Levi kaya pumunta na din ako dahil gusto din kitang makamusta dahil tagal nating di nakapagusap eh"ngiti nito sakin

Kailangan ko bang tanungin kung meron na siyang boyfriend pero sabi naman ni Levi ay wala pa baka pag tinanong ko ay maging awkward kami kaya wag na nga lang kakamustahin ko nalang

"Kaya nga eh antagal nating di nakapagusap, Kamusta ka nga pala mukhang nag pa ayos ka ng buhok ah ang ganda ng kulay ah"kulay grey ang buhok nito at bumagay naman sa kanya dahil mahaba din ang buhok niya

"Ah nagpaayos ako last month medyo magfade na yung totoong color niya pero di naman ganoon nag fade, Naalala ko nga pala yung sinabi ni Levi diba may binanggit siyang babae? Punta din ba siya di-"naputol ang sinabi nito dahil tinawag ako ng papa

"Teka lang ha"saad ko dito at tumayo nako

"LL anak halika dito may ipapakilala ako sayo"lumapit ako dito at may mga bisitang bumababa sa sasakyan. "Kumpare ko ito may anak na dalaga eh ipakilala daw kita eh"saad ni papa habang nakahawak ang kamay sa aking balikat

"Pa! Kala ko naman kung ano, may sinasabi kasi si Gwen eh"sabi ko kay papa ngunit di niya ako pinansin

"Paree! Kamusta tagal na din di nakakapag kwentuhan ah"pakikipag kamay ni papa sa lalaki na baka kumpare niya pag kababa nito

"Si Elena ba yon?"pabulong kong sambit sa aking sarili

May isang babaeng naka dress na haggang tuhod at nakadenim itong jacket may nakaclip ang gilid ng kanyang buhok at may suot na sling back sa kanyang balikat simple lang ang mukha nito wala masyadong makeup kundi sa labi lamang at naka contact lens kasama niya ngayon ang kanya atang nanay papalapit sa amin.Medyo naka fierce ito at nung nagtama ang tingin namin ay ngumiti siya sa akin at kay papa. Ang ganda niya.

"Si elena nga!! Anak ng kumpare ni papa"pabulong ko ito sa aking sarili

Baka siya yung sinasabi ni papang ipapakilala sakin.

"Pare ang aking anak na dala-"

"Diba ikaw si Louis?"pag turo sakin ni Elena "Ikaw yung sa Vigan street diba?"dagdag nito

"A-ah Ako yun yung sa may dirty ice cream haha"tawa kong pilit dahil nahihiya ako nakatingin na samin ngayon si papa at mga magulang niya

"Nag-kita na kayo?"tanong ng mama niya

"Opo ma, siya po yung nakwento ko sa inyong nakausap ko sa Vigan"pagtingin niya sa mama niya

"Oh sya magkakilala na pala eh, pasok na kayo doon at kumain na kayo"pag aaya ni papa sa loob

Pumasok na sina elena at mga magulang niya sa loob at naiwan kami rito ni papa

"Nak, yayain mona maganda yun hahaha"pag tawa ni papa

"Papa sobrang ganda niya nga eh"sinabi ko nakatitig lang ako sa kanya sa loob parang wala ako sa sarili ko

Siniko ako ng tatay ko "Huy!"

"Ayy sabi ko nga hahaha"sabay kaming tumawa ni papa

"Bagay naman kayo at ayos dahil anak ng kumpare ko"sambit ni papa

"Wag ka mag alala Pa, hintayin moo mapapakilala ko din yan sa inyo"tinapik ko ang tatay ko at pumasok sa loob

"Magpa alam ka na agad sa magulang"sigaw ni papa at lumingon ako dito para mag good sign

The place where we metWhere stories live. Discover now