Chapter 14: Thud Thud Thud si Heart

6.6K 183 42
                                    

Updated na po!! ahe! maraming salamat sa pagbabasa ng saging ni Janella! 55 Votes and 35 Comments to post the next Chapter po! ahe!

--

 

Chapter 14: Thud Thud Thud si Heart

JANELLA’s POV

Nakatulala lang ako hanggang sa makarating sa bahay, ang ilong ko, hinalikan nya ang ilong ko. Para akong tanga na nakahawak sa ilong ko ngayon. Bakit kaya ginawa yun ni Sehun? May Ice Cream ba ang ilong ko?

THUD

 

 THUD

 

THUD

Ito na naman si Heart ang lakas ng tunog parang sinasabi nya na manghinayang ka kasi di ka sa lips hinalikan. Pero kasi--- Bakit ba ganito ang naiisip ko? Bakit nagbablush dahil sa kiss sa nose?!

“AAAHHH! AYOKO NAAA!” malakas kong sigaw

“HOY JANELLA! TUMAHIMIK KA DYAN!” nadinig kong sigaw ni Mama mula sa baba. Agad akong bumaba ‘Mama, parang aatekehin ako heart, touch my dibdib o” sabi ko kay Mama.

“anak, wala akong makakapa dyan kundi paminta” sabi naman ni Mama sa akin. Alam ko na talaga kung saan nagmana ang Ate ko. Buti pa ako kind girl.

“Hindi! Mama, Overacting ang heart ko. Di naman sya ganito ka Overacting pag kaharap ko si Kuya Luhan, tapos ito ngayon kiniss lang ako ni Sehun sa nose. Ganito na sya” sabi ko sa kanya tumingin sa akin si Mama “baka inlove ka” sabi nya sa akin.

“Inlove kaagad? Nahalikan lang sa nose?” tanong ko sa kanya.

“Malay mo lang naman, aba eh ang gwapo ni Sehun, Dream boy ang dating, macho pa kahit medyo payatot” sabi naman nya sa akin “YAK MAMA!” sabi ko sa kanya.

“Defensive, aminin kinikilig” sabi ni Mama sa akin

 Nagkunot naman ang noo ko dahil doon at saka ako nagsalita“Hindi! Naloka lang talaga ako sa kiss nya sa nose. Di ako in lab!” sabi ko kay Mama at muli akong umakyat sa taas. Nahiga na lang ako sa malaking kama ni Ate at pumikit.

Pero bawat pagpikit ko naalala ko ang kissing nose scene namin ni Sehun “Janella, ano bang nangyayari sayo? Di ka na nagiging loyal sa banana ni Kuya Luhan” bulong ko sa sarili ko agad kong kinuha ang bag ko at saka muling bumaba “Mama, doon ako kayla Ate matutulog” sabi ko sa kanya.

“Anong doon ka sa ate mo matutulog? Gabi na kaya gumagawa na sila ng bata tapos maiistorbo mo pa!” sabi nya sa akin “bumalik ka na lang sa kwarto mo at matulog ka na total sabado na bukas” sabi nya sa akin nakasimangot na lang ako na bumalik sa itaas. At saka muling nahiga, pero mulat lang ang mga mata ko.

Operation: Seduce My Milky BananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon