0003

0 0 0
                                    

"See you tommorow class" sabi ko habang nagliligpit na ng gamit ko.

"Goodbye, Ms. Albera thank you for teaching us today. " sabay sabay nilang sabi.

Kani-kaniya silang ayos ng gamit nila habang palabas ako ng pintuan nila nang biglang may sumigaw.

"Ma'am si Lea po!" Nagmadali akong pumasok muli sa classroom nila. Naabutan ko siyang nakahilata sa upuan niya. Namamaga ang mata at namumutla ang mga labi. Hinawakan ko ang palad niyang nanghihina kaya naramdaman 'kong napakalamig niya. Ginapangan ako bigla ng kaba 'tas kinapa ko ang pulso niya.

Nakahinga ako ng maluwag ng naramdamang normal pa rin naman ang pintig ng pulso.

"Robin, tawag kayo ng Youth Aid or dumiretso na sa Adviser niyo, pakibilisan lang please" Hingal kong sabi habang pinapaypayan si Lea.

Kapag ganito talaga ang sitwasyon, hindi ko alam kung paano ako kakalma, kaya nga 'di ako pwedeng magvolunteer kasi parang ako pa'yong mauunang mahimatay kapag nakakakita ako ng dugo.

First period sa hapon ang klase ko dito sa last section ng Grade 9 kaya walang masyadong dumadaang teacher sa corridor ng floor na ito.

Hindi naman ako makakalabas kasi hindi ko naman pwedeng pabayaan si Lea dito gayong nagkakagulo na rin 'yong classroom nila.

"Umiyak kasi 'yan ma'am dahil hindi sila nag-uusap nung bestfriend niya" tiningnan ko 'yung nagsasalitang kaklase niya.

Ito 'yong katabi niya sa upuan kaya mukhang legit naman ang mga sinasabi nito. Speaking of bestfriend, pinikit ko muna ang mga mata ko para mawala ang iniisip ko. Focus Pheobe, may nahimatay sa klase mo.

"Saan ba 'yong bestfriend niya?" tanong ko bago pinagpapatuloy ang pagpapaypay, pinupunasan ko rin ang pawis niya. Hindi pa siya nakasagot ay may dumating nang first aider.

"Grade 9, excuse me kailangan nating bigyan ng space please. Lumayo muna kayo para mabigyan natin ng hangin. Nasaan ang first aid kit niyo?" sabi ng Grade 12 yata na member ng medic team. Hindi niya pa siguro ako nakita dahil medyo galit siya sa pagpapaalis niya sa mga estudyante.

Ang hirap naman kasing pasunurin, nagkukumpulan sila sa harapan pero wala naman ginagawa.  May nagbigay sa kaniya ng first aid kit kaya may dala na siyang relaxing ointment habang lumuhod sa harapan ni Lea at kinapa ang pulso nito.

Tinutukan niya si Lea ng electric fan, pinapasinghot na rin siya ng relaxing ointment na nakita ni Kuyang first aider sa kit.

Putlang-putla siya ng tingnan ko kaya tinanong ko na ang nagfi-first aid, medyo nagulat pa siya nang nakita ako. Mukhang estudyante lang ba ako dito?

"Masyado na siyang maputla, dalhin nalang natin siguro sa school clinic to?" kinuha ko nalang ang oinment dahil hindi na niya nailagay ng maayos.

Gulat na gulat talaga siya eh. Kinamot niya pa ang kilay at kinagat ang bibig niya na parang nag-iisip.

"Grade 9, wala bang tumawag sa adviser niyo?" Sigaw ko na naman, kinakabahan na ako. May sumagot namang meron na pero mukhang hindi nila nakita ang adviser nila kaya natagalan.

"Pwede naman dito, bi--bigyan lang po natin ng space para makakuha siya ng oxygen. Malayo pa kasi ang clinic at mainit ang daanan baka madagdagan pa"

Sa wakas ay nagsalita rin ang first aider. Tumango nalang ako at pinahid ko na sa ilong ni Lea ang ointment. Pinigilan naman ako nitong si Kuya kasi daw masyadong maanghang 'tong nilalagay ko at baka mapano. Nagsi-serve lang daw itong inhaler kaya pinahiran ko nalang.

"Umalis nga muna kayo dito" iritado na ako sa mga nagchichismis na mga babaeng kaklase ni Lea sa harapan namin. 'Yong mga mata nila nakatutok sa kay Kuyang first aider kaya sinulyapan ko rin siya. Well, no comment. Masyado na akong matanda para diyan.

DREAM CATCHERSWhere stories live. Discover now