0004

0 0 0
                                    

I'm still totally shocked because of this man I'm hugging right now. Halos yugyugin ko na siya dahil sa gigil ko sa kaniyang pagbabalik. Tikom parin ang bibig ko though I have too many questions in my mind. Bakit ngayon lang siya? Saan siya galing? Is he staying here for good?

Kumalas na ako sa pagkayakap at lumayo ng kaunti para tingan ang kabuuan niya. Bigla kong sinampal ang pisngi ko para matauhan ako.

"Ara-ay!" iyon ang kumpirmasyon sa katangahan at kahibangan ko at para narin masabing totoo ang nasa harapan ko. He's definitely back!

"A-anong ginawa mo sa sarili mo?" Hinaplos niya ang pisngi ko dahil biglang sinaktan ko ang sarili ko sa harapan niya kaya bigla akong napangiti. "I'm back Pheobe, your chief is back.... for good actually" nameywang siya sa harapan ko.

Namilog na naman ang mga mata ko. Totoo?! Malaki ang pinagbago ng isang to. Ofcourse, it's almost 10 long years when he left me, not knowing where he is going to.

Back then, I was so angry on him. lagi kong sinasabi sa sarili na kakalimutan ko nalang siya at kapag bumalik ay babalewalain ko nalang.

Dala na rin siguro ng inosenteng pag-iisip at dahil hindi ko pa matanggap ang pag-iwan sa akin ng taong tinuri kong proteksyon simula pagkabata.

He's always by my side,despite of being his enemy, sometimes. He's also the reason why when I went to high school, I'm more attached with my boy classmates. Hoping to alter my attention to another. But everytime I laugh with them, he just suddenly crossed my mind preventing me to feel happy.

Yong tipong pinaparamadam at pinapaalala niyang siya lang dapat ang kasama ko sa katuwaan, pero where is he? Abandoning me here longing for him. Expecting him to come back, that he is just having his vacation there. But that single hint of hope was crushed after a year of waiting for him. Sino ba ang magbabakasyon lang ng isang taon?

Nang bago tumungtong ng high school ay umuwi ang kaniyang inang galing abroad. Siguro para umattend ng graduation dahil narin walang mapagsidlan ng kasiyahan niya noon, his eyes glimmered his happiness.

Wide smile was etched on his lips when he first told me that his mother was back.  Kahit napakarami ko ring nakuhang gamit gaya ng sapatos na kulay pink na may check sa gilid, damit na nakapaper bag pang may panagalang Channel dahil parati akong nakukwento ni Timothy tuwing nagvivideo call sila ng Nanay niya at naglalaro ako dun sa kanila. Naging masaya rin ako para sa kaniya kahit na alam kong isasama siya ng Nanay niya pabalik sa lugar na pinanggalingan nito.

"Jacqueline, nasabi na ba ni Timothy kung kailan ang alis nila?" nalilito sa tanong ni Nanay ay nilingon ko siyang nakakunot ang noo.

"H-uh? Aalis? Saan papunta?" itinigil ko na muna ang ginagawang project for the last grading ngayong huling taon ko sa elementary. Nakatuon ang atensyon ko kay Nanay habang naghihiwa siya para makaluto ng hapunan.

"Ang sabi ni Tita Mercy mo ay isasama niya ang anak sa abroad, d'on na daw mag-aaral ng high school, I think hanggang gumraduate narin siguro at makapagtrabaho." Tuloy-tuloy na tugon ng aking Ina sa kuryusidad ng anak na naguguluhan at pinoproseso na baka iwan siya ng taong naging parte na ng buhay.

"Nay, baka...baka bakasyon lang. Alam mo na, gusto 'yon ni Timothy at ilang beses niya ring nakukwento na palaging sinasabi ni Tita Mercy na pu-punta sila doon para makita niya eh."

DREAM CATCHERSWhere stories live. Discover now