Sebastian POV
Andito kami ngayon sa Brent's restaurant kasama ng mga bestfriends ko dito na rin kasi kami laging pumupunta after ng practice para sa school district.
"Seb saan ang punta mo after natin kumain?" biglaang tanong sakin ni Lee.
"Maghahanap lang yan ng chix" biglang singit naman ni Andrey.
"Hoy hindi ah, pupunta lang ako sa mall para bumili ng regalo para kay Andrea". Agad ko namang dipensa sakanila
Si Lee at Andrey ang childhood friends ko, si Lee ang palaging seryoso at si Andrey ang maingay at makulit sa aming tatlo.
"Hindi ba next week na ang birthday ni Andrea?" tanong agad ni Lee.
"Aba buti umabot pa 'yan ng birthday niya" singit ni Andrey na natawa pa.
"Hoy loko, sasama ba kayo para bumili narin?" agad na tanong ko sakanilang dalawa.
"Awit sige sama ako pero umuwi muna tayo para makapag palit"sagot ni Andrey.
"Ako rin uuwi muna magkita nalang tayo sa Sm around 5:00pm" sagot naman ni Lee.
"Sige na aalis na ako, magkita nalang tayo sa harap ng Sm don't be late" agad kong paalam sakanila.
Habang naglalakad ako palabas ng restaurant ay may nabunggo akong isang nerd na babae maganda ngunit hindi gaano katangkaran siguro asa 5'6 ang height niya.
"osheytt, sorry hindi kita napansin" agad na paghingi ko ng pasensya sakaniya.
"Ayos lang, pasensiya " sabay tango sakin ng babae bago pumasok sa loob.
Kasalukuyan akong asa jeep pauwi ng bahay ng makita ko ang isang banggaan ng SUV at isang truck, syempre tumingin din ako sa bintana ng jeep chismoso ako e.
Pagkauwi ko ng bahay agad akong naghanda ng mga susuotin ko, pagpasok ko ng banyo agaran kong binuksan ang gripo na direkta sa timba.
" Ughhh anlamig ng tubig" sabi ko pa habang binubuhusan ko ng tubig ang buong katawan.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na din ako sa pagligo, napansin kong nag ring ang cellphone ko at agaran ko namang itong sinagot.
"Seb papunta na ako sa sm, ikaw asan kana?" dinig ko sa kabilang linya.
"Andito pa ako sa bahay nangbibihis palang" sagot ko naman.
"Ang kupad mo dalian mo malapit na mag 5:00pm di ka parin nakakabihis" sagot naman sakin ni Andrey.
"Ulol anong malapit na, alas kwatro palang excited ka masyado" tatawa tawa kong sagot sakaniya.
"Ulol, pakyu dalian mo diyan malapit na rin yata si Lee" tawang sagot niya.
BINABASA MO ANG
Till the end
Historia Corta[On Going] This is work of fiction, i hope you will enjoy this story.