Zenny's POV
At sa wakas, napilit niya akong lumabas ng aking lungga at magpakasaya. Grabe lang, di talaga ako makapaniwala sa babaeng to.
Hays, talagang dito niya pa ako dinala. Sa laugar kung saan natapos ang lahat-lahat. Naiiyak na naman ako.
"Hoy babae, andito tayo para makalimot hindi para umiyak at magdramahan" sabi ko nga -_-
"Eh bat kasi dito mo ko dinala eh alam mo namang nasasaktan lang ulit ako pag nakikita ko tong lugar na to" Halatang nagulat siya sa sinabi ko.
"WHAT??Dito kayo nag-break? Talaga naman yang lalaki na yan susugurin ko na tal--" warfreak.
"Kumalma ka nga, kung maka-react ka naman parang sa iyo siya nakipaghiwalay eh" tapos nag-peace sign siya. Hay.
Sinabi ko sa kanya na okay lang na andito kami at least para marealize ko kahit konti na hindi na pwedeng mabalik pero ang siraulo kong puso ay nagwawala na naman at sinasabing may chance pa.
Bwisit. Bwisit talaga.
Kumain nalang kami at naglibot libot. I tried to fake a smile pero dahil sa sobrang kilala ako ng bestfriend ko nahalata niya yun :3
Umupo kami sa bench pero tumayo siya bigla.
"Stay foot ka lang dyan ah? Pag umalis ka sapak ka sa akin" Hay saan naman to pupunta? Di ko nalang siya pinansin at yumuko nalang.
Hay. Sana maibalik namin yung dati. Yung dating masaya, sweet na halos sundan na kami ng langgam saan man kami magpunta. Hay, Rob, Bakit ba nasayang ang lahat? Gusto ko tuloy magwala dahil sa mga naiisip ko.
"Di man kita napasaya ng buong araw, sana dahil dito mapasaya na kita" Inangat ko ang ulo ko.
Si Lindsey na may hawak na dalawang cotton candy. Hays, natuwa naman ako. Kilalang-kilala niya talaga ako.
"Ikaw talaga, alam na alam mo na talaga ang makakapagpasaya sa akin" sabay kuha ng inaabot niya.
"Syempre naman, ako pa" sabay upo at subo ng hawak niyang cotton candy. Ang cute cute niyaaaa *_*
At dahil gabi na, napagdesisyunan namin na umuwi na. Patayo na sana kami nang...
"Bessy, okay ka lang ba? Hayaan mo na yan wag mo nalang pansinin" tumulo na naman yung mga lintik na luha ko.
N-Nakita ko siya. He's with someone. Now I know, pinagpalit na nga niya talaga lahat. Ang sakit.
Napaupo nalang ako dahil sa paninikip ng dib-dib ko.
"L-Linds t-tawagan m-mo si m-mommy" And then, all went black.
****
Lindsey's POV
Hi. hello. Ang ganda ko. Charaught! HAHAHAHA maniwala kayo please? HAHAHAHAH
Andito kami ngayon ni Zenny the ugly sa Park para magpakasaya at syempre para makalimot na rin siya sa masalimuot niyang pag-ibig. BWAHAHAHAHAHA ang lalim hinukay ko pa sa kailalim-laliman ng baul. HAHAHAHA
Lindsey Jones is the name. Nevermind the age. Maganda, next top model oh bakit may kokontra? Joke lang hehe.
Basta yun na yun ayoko ng mag-introduction.
Napatingin ako dito sa katabi ko, aba'y nakasimangot at parang naiiyak pa yata.
"Hoy babae, andito tayo para makalimot hindi para umiyak at magdramahan" sabi ko.
BINABASA MO ANG
I'm his Sweetest Downfall
RomanceI gave everything. I did my best just to prove that I deserve him pero...nabalewala ang lahat nang bumitaw siya. Since that day, I decided to fight for what we have. I'll never give up on him pero...parang ayaw na yata ng tadhana. I was about to fa...