Chapter 5 ; The Confrontation

5 0 0
                                    


Ilang araw na kong di nagpapakita kay Jacob. Ewan ko ba. Gusto ko nang makalimutan yung feelings ko sa kanya na wala namang patutunguhan.

Nasa bahay ako ngayon. Ako lang mag-isa. Umalis si Tita at Kuya. Maya maya may kumatok. Nakapantulog lang ako na bumaba. Pagbukas ko ng pinto . Si Jacob.

"At last. Nakita rin kita.Bat ba dika nagpapakita saken ?" sabe niya at humakbang papasok ng bahay. Okay lang naman na pumasok siya dahil kababata ko naman siya.

"Busy lang ako." sagot ko. Habang nakahawak paren sa doorknob. Nakatalikod akong sumagot sa kanya.

"Busy? Saan?"

"Sa THESIS. San paba? Ikaw nga tong busy sa ibang bagay e." matabang kong sagot. Pumunta ko ng kusina para kumuha ng tubig.

"Did you mean Mariz?" sabe niya habang nakaupo sa sofa at nakapatong ang dalawang braso sq batok.

"Ewan." tas lumagok ng tubig.

"Nagseselos kaba? Siya ba dahilan kung bakit di kana nagpapakita saken? Wag kana magkaila Gabrielle . Kilala kita." Tinamaan ng kidlat naman oh. Juskoooo. Paano na ?

"H-hindi ah ! Bat naman ako magseselos?" tas tumayo siya at lumapet saken.

"Ano nga? Yel naman e. Bespren mo ko diba?? Sabihin mo saken." pagmamakaawa neto. Tumikhim ako at lumunok ng ilang beses bago magsimula magsimula. Kelangan ko na sabihin to sa kanya.

"Jacob. Oo. Gusto kita. Ever since :'( pero alam ko naman na hanggang bestfriend lang ako. Nagseselos ako. Gusto kong matunaw kada makikita kayo Mariz. Masakit para saken pero ayaw kong maging madamot na kaibigan. Wag ka magalala , hanggang dito nalang naman tayo e. Tanggap ko na." nakayuko kong sabe. Hinawakan niya yung kamay ko.

"Bes. Di mo man lang yan sinabe saken noon pa. Gusto rin naman kita, tulad ng iniisip mo ganun din ako. Kaya pinili kong isantabi yung feelings ko sayo." napangiti naman ako sa sinabe niya. Nagpatuloy ulet siya. Gusto paren naman kita. Pero mahal ko na si Mariz at diko na kaya mawala pa siya.," sa sinabe niya nato , nadurog ako. Para kong sinampal ng ilang libong tao. Napaiyak ako. Masaket.

"Naiintindihan ko." Yun nalang yung nasabe ko at tumulo na naman yung luha ko. Niyakap niya ko ng mahigpit.

"Ikaw paren ang bestfriend ko ah ?" tas hinalikan niya ko sa noo. Tumango nalang ako. Bumalik kame sa dati nameng gawi ng araw na yun , na kameng dalawa lang.

10pm na siya umalis ng bahay. Ang saya ng araw na yun . Pagkatapos nun , naging okay na ulet kame. Pero lahat talaga ng bagay may hangganan. Isang problema na naman ang magpapabago ng lahat.

Make You Feel My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon