Chapter 1

13 0 0
                                    

Nakatayo ako ngayon. Sa tabi ng bestfriend kong si Jacob. Kasalukuyan siyang tumutugtog ng gitara. NOW PLAYING ? HALAGA ng Parokya ni Edgar . Paborito niya yun at paborito ko rin , kaso dedicated niya yun kay Mariz , yung crush niya . At ako ? Syempre para sa kanya . Pero wala e . FRIENDZONE ang lola mo </3

"Oy Jacob! Tama na emote. Tara na't umuwi! May thesis pa tayong tatapusin no!" tas hinampas ko sa kanya yung folder niya . Ginulo naman niya yung buhok ko .

"Ikaw talaga Yel. Panira ka ng moment." tumayo ito sa bench na nasa ilalim ng mango tree sa loob ng campus .

"Ang drama mo kase. Bakla ka talaga!" tas naghabulan kame palabas ng school .

Nasa harap na kame ng PhotoShop ng makasalubong namen si Mariz kasama ang boyfriend nito . Mukhang nagaaway na naman sila . Maganda naman si Mariz, baket nagtitiis siya sa syota niyang ewan ko kung saan tinago ang sungay at buntot !! Pa'Chix masyado . Nakoooo . Kung pwede lang talaga . Sinapak ko na yun e. Tumingin naman ako sa bespren ko . Mukhang gusto niyang awatin yung dalawa .

"Pabayaan mo na sila. Tara na. Away magsyota yan." saway ko sa kanya at saka hinila yung braso niya . Habang naglalakad kame napansin kong ang lalim ng iniisip ni Jacob . "Hoy Parekoy ! Ano na naman yang iniisip mo ?" tas tinampal ko yung balikat niya .

"Wala. Kwek kwek gusto mo ?" offer niya . May nakita kase kameng turo turo sa park . Tumakbo agad ako palapet dun sa nagtitinda , sumunod naman si Jacob . "Basta kwekkwek , ambilis mo! sige na libre ko na yan sayo!"

"HAHAHAHAH . SALAMAT Talaga bestfriend XD " sabi ko habang punong.puno ng kwek kwek yung bibig ko . Inabutan naman niya ko ng gulaman ng nakitang mejo nabubulunan ako .

"Takaw takaw kase." sabe neto habang humahalakhak. Umupo kame sa may bench at nagkwentuhan . Out of the blue , nagtanong ako sa kanya . Tanong na minsan ko lang itanong dahil ayoko sanang marinig ang sagot .

"Gusto mo talaga siya no?" tanung ko habang nakatingin sa ulap . Tumingin naman siya saken . Nakita ko sa gilid ng mata ko .

"Oo. Sana ako nalang. Para di ko na siya nakikitang umiiyak." Ouch. Saket talaga . Peste naman kaseng puso to ! bat nainlove pa sa bestfriend ko ?

"Someday.Mapapansin ka rin niya." Yun nalang yung nasabe ko at tumayo na ko para magsimula maglakad .

Make You Feel My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon