Desperada?

176 3 1
                                    

Ako si Milita Quizon. Labing-limang taong gulang. Para sakin swerte ako. Kasi nalagpasan ko na ang katorse pero di parin ako dyontis! Ibig sabihin isa akong mabait na bata. Haha Maganda na nga, mabait pa. >____<

Utak muna kasi ang paganahin bago kumerengkeng para hindi maging maagang nanay.

Single ako and patiently waiting HAHA

Masaya naman ang maging single. Unang-una at huli, kasi wala kang iintindihin. Mapagtutuunan mo pa ang sarili mo.

Pero dati na yan. Kasi ngayon medyo gusto ko na ng makakaharutan.

Gusto ko ng may madadatnan na rosas sa mesa ko tuwing umaga! o di kaya'y love letter :'(

Pero pang patay lang daw ang bulaklak. Hindi naman ako mukhang bangkay eh. Kaya wag nalang. Ayos na yung love letter lang :">

Gusto ko ng may ka-tawagan tuwing gabi! Shet talaga! Gustong-gusto ko yun! Gusto ko rin ng may mag-a- I love you sakin minu-minuto.

Gusto kong mamatay sa kilig! Kelan ko kaya mararanasan lahat niyan?

Ayos lang naman maging single. Kasi mapagtutuunan mo ng pansin yung pag-aaral mo, saka yung mga kaibigan mo.

Minsan kasi, may boypren nga. Eh yung grades kamusta?

Meron din yung mga kaibigan mo na nakaklimot na. Nag karoon lang ng boyfriend, hindi na nakaka-alala. Pag nag-away sila ng syota niya, babalik siya para mag-drama. Para magsumbong ng kung ano ano. Tapos pag bati na ulit sila, mang-iiwan na ulit.

Paulit-ulit lang

Kaya minsan naiisip ko nalang.. Pano kaya kung magka-boyfriend na ako. Magagawa ko kaya yun? Makakalimot din kaya ako? Dahil sa sobrang busy ko sa lovelife ko?

Kaya madalas kong sabihin sa sarili ko noon na wag muna. Bata pa naman ako. Darating din siya. Basta maghintay lang ako.

Pero nakakabagot mag-hintaaay!

Minsan, nafi-feel ko rin na parang may kulang. Yung gusto ko ng magka-boyfriend? Yung feeling na gustong-gusto ko na talaga?

Hindi na ako kontento sa mga nababasa kong love story. Gusto ko na in real life! T.T

W H A T  T O  D O? Help me :'(

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon