*Chapter 2*

56 2 0
                                    

IT GIRL~ CHAPTER 2

________________________________________________

"Bakit butas yang medyas mo?"

Parang ewan lang ako na nakatitig niya. Ghad.. bakit ba kasi ang gwapo gwapo niya. >//<

"Ah teka.. parang may sugat ka ata.."

May sinabi siya ulit. Pero wapakels na naman ako sa kung anu man ang sinabi. Basta ang alam ko lang, andito siya ngayon sa harapan ko.

"Oh my ghad Natalie, may sugat ka nga. Gosh! Come on, let's go to the locker room. Excuse lang sandali Ethan huh.."

"Uh.. sure"

Tsaka na lang ako natauhan ng bigla akong hatakin ni ate palayo sa armchair na kinauupuan ko.

Aangal pa sana ako coz seriously, panira siya ng moment. Minsan na nga lang yung mga ganitong pagkakataon eh. Kurutin ko anez nito eh >.<

Pero siyempre, ayoko namang makahalata siya so ano pa nga bang magagawa ko? Edi ayun nagpahila nalang ako sa kanya.

But before that lumingon muna ako sandali sa likod ko.

Kahit isang glance lang naman eh. One last glance to the guy of my dreams.

O//___//O

I was expecting na nasa iba na ang attention niya ngayon. Kaya nga naglakas akong tignan ulit siya eh.

Pero hindi ko talaga ine-expect na nung tumingin ako sa kanya ay... nakatingin rin siya sa'kin.

My heart skipped a beat when our eyes met...

Hindi ko alam kung sadyang ilusyonada at assuming lang ako or sadyang nakatitig talaga siya sa'kin. >//<

Ay basta! All I know for sure is.... Buo na ang araw ko <3

Lutang at wala ako sa sarili nang makarating kami ni ate sa locker room. Eh kasi naman, paano ba naman akong hindi mawawala sa sarili kung everytime na magkikita kami ay tinatangay niya ang buong pagkatao ko?

"Natalie! Umupo ka rito. Hubarin mo na yang medyas mo nang ma-disinfect na na'tin yang sugat mo. Ghad.. kung saan-saan ka na naman nagsusuot noh. Mukha kasing nakawit yan kung saan eh."

"h-huh?"-Ako yan. Sorry naman. Lutang eh

"Haay.. sabi ko hubarin mo na yang medyas mo nang madisinfect na natin yang sugat mo. Wait nga lang. Parang kanina ka pang umaga ganyan ah. Is there any problem?"-Ask ni ate. Si ate talaga. Umaatake na naman ang pagiging ultra mega concern sister.

"Ah-anu ka ba ate wala noh. Iniisip ko lang kung saan kaya ako nasugat. Hindi ko kasi talaga napansin na may sugat na pala ako eh. Siguro nakawit lang ako kung saan."  Pagdadahilan ko. Pero totoo rin naman eh. Nagwo-wonder rin naman ako kung saan ako nasugat.

"Hmm.. siguro nga. Ikaw kasing bubwit ka eh. Ang likot-likot mo"

"Hay nako ate, mana lang ako sa'yo"

"Haha.. tara na nga rito nang magamot na yan"

Umupo na ako dun sa bench at tinulungan na niya akong gamutin yung sugat ko. Buti naman at hindi na niya ko kinulit at hindi rin siya nakahalata.

Actually, ayoko talagang ipaalam kay ate na crush ko si Ethan. Hindi naman sa wala akong trust na kanya huh.

Basta ewan ko. Hindi ko lang siguro feel na i-open up sa kanya yung feeling ko fo Ethan sa ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon