Chapter 2

11 0 0
                                    

Lygine's POV

"Ate! Dalian mo na daw! Malapit na lamang mag four, di pa tayo nakakaalis."

"E sino ba kasi nagsabing gusto kong sumama? Kayo lang naman nagpupumilit e."

Buti sana kung kasama ang mga kaibigan ko. Medyo ok pa na sumama ako dyan sa children's party na yan ng kumare ni mama. Si mama kasi e, gusto akong pasamahin. kesa daw maiwan ako dito sa bahay o kaya gumala daw. Hay nako.

Sinuot ko na yung doll shoes ko. Humarap muna ako ng salamin. Inayos ng onti ang basa at magulo kong buhok.

Ok na 'to. Uupo lang naman ako dun eh.

"Tara na!" Sabi ko.

"Hay salamat, natapos din." Reklamo ni lexine.

Bumaba na kami at lumabas na ng bahay. Nakita kong naka tayo na si mama sa tapat ng kotse namin.

"Kahit kailan talaga ang tagal mo lygine." Sermon ni mama.

"E ayoko naman kasi ma sumama e. Wala naman kasi akong gagawin dun. Ang boring non for sure." Reklamo ko.

"Hoy lygine Barcelona! Anong boring? Walang boring!" Sigaw ni kyla mula sa loob ng sasakyan namin.

"Ang tagal niyo naman! Magsisimula na ang party! Malelate tayo!" Reklamo ni kyra.

"Waaaaah! Kasama kayo?" Tuwang tuwa kong tanong sa kanila habang nakikipagsilipan sa may bintana ng sasakyan.

"Obviously?" sarcastic na sabi ni Regine.

" Tita, tara na po. Alis na po tayo. Ang pabebe ni Lygine" Atat na atat na sabi ni Kyra.

"Ako pa talaga ang iiwan?"

"Oh, dali. Pasok na. Lexine, dito ka na sa harap sumakay. Lygine, pumasok ka na sa loob." Sabi ni mama.

Pumasok na ako sa loob. Katabi ko si Jaira.

"Bat kayo kasama?" Tanong ko.

"Bat, ayaw mo?" Mataray na tanong ni Kyla.

"Ehhh! Nakakatuwa! Kasama ko nanaman kayo!" Tuwang tuwa kong sabi.

Di nila ako pinansin. -_- Ganyan yang mga yan. Mga walang pakialam sa pakiramdan at sinasabi ko. Masasama silang tao!

"Ma, buti po pinasama mo sila! " sabi ko kay mama. Siya ang nagdadrive.

"Kawawa ka naman kasi, baka umiyak ka." Asar ni mama.

"Yiii. Si mama talaga, concern sa akin. Ayaw akong makitang umiiyak. " Asar ko din kay mama.

"Concern? Ayoko lang talagang makita kang umiiyak. Lalo na't pupunta tayo sa ibang lugar. Tama nang kami kami nalang ang makikita ng kapangetan mo." Asar ni mama. 

Nagtawanan naman ang mga MABUBUTI kong kaibigan. 

"Nako ma. Mana manahan lang yan. Tsaka diba, sabi mo dati, pinaglihi mo ako sa artista?"

"Oo nga. Kay tsokoleyt." -mama

Nagtawanan lalo sila. 

"Ang saya niyo talaga pag ako ang nasasaktan noh?" Sarcastic na tanong ko sa mga butihin kong kaibigan.

Sabay sabay silang lumingon sa akin at,

"Oo! " yan ang sabi nila.

Inirapan ko nalang sila.

"Inaaway niyo nanaman si Ate!" Saway ni lexine.

Napahawak ako sa likod ng inuupuan ni lexine. Yes! May kakampi ako! 

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jul 07, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

SiguroDonde viven las historias. Descúbrelo ahora