Chapter 1
“Ang weird talaga niya, kaya wala siyang kaibigan eh.”
“Oo nga girl. Tsaka ayoko siyang maging kaibigan. Like, never! Ayokong magkaroon ng kaibigan na loser. PLUS! Nerd. Ewwww. Mega turn off sakin!”
“Mas naman ako noh? Nakakahiya siya...Mukha siyang, ugh, I can't explain!”
Sanay na akong nakakarinig ng mga masasakit na salitang iyan. Pagpasok ko palang sa gate ng school, makakarinig na ako ng mga nagbubulong-bulungan. Di ko na lang sila pinapansin. Ito ang buhay ko. Ito na ang buhay ko ngayon.
Naglalakad ako sa hallway at nagtataka ako kung bakit lahat ng mata ay nakatutok sa akin. Yung mga mukha ng estudyante ay parang natatawa. Lahat ay nasa gilid ng hallway at walang dumadaan sa gitna.
Nang biglang...
BRAAAAAAAAAAAAAG!
“Ugh!”
May pumatid sa akin at ang sakit ng mga tuhod ko. Buti na lang at hindi tinamaan ang ulo ko. Natanggal at nahulog ang salamin ko kaya hindi ko makita kung sino yung pumatid sa akin. Naiiyak na ako sa sakit at halos mabingi ako sa lakas ng tawa ng mga estudyante.
"HAHAHAAHAHAHHAHAAHHAH! PUTA ANG LAMPA! HAHAHAHAH"
Hindi ko alam kung sino yung pumatid sa akin. Ang alam ko lang, umiiyak na ako.
“Hahahahha! Ang lampa mo! Shushunga-shunga kasi eh. Kaya walang kaibigan. Hahahahha!”
Kilala ko kung kaninong boses yun. Boses yun ni Louie. Classmate ko siya. Siya palagi ang umaapi sa akin. Malaki ang katawan niya, siga siya dito sa school kaya lahat ay takot sa kanya. Mababait naman ang mga magulang niya. Sa kanila yung Ignatius Hospital sa harap ng school namin. Pero kahit kailan, walang naglakas-loob na magsumbong sa mga magulang niya.
“Hoy ano na? Di ka pa ba tatayo jan? Next time kasi wag ka nang shunga. Tingnan mo nga naman, napatid lang umiiyak na?! Masakit ba?! Tama lang yan sa isang tulad mong tanga! Halika na Ludwig!”
‘Ikaw ata ang shunga eh. Pinatid mo ko syempre masakit! Ughhh!’
Nandoon pala si Ludwig. Isa pa yun! Sunod-sunuran kay Louie. Pag sinabing sapakin ako, sasapakin talaga ako. Kahit na pinilit lang siya ni Louie. Dahil kapag hindi yun sumunod sa boss niya, siya ang malilintikan.
Agad kong kinuha yung salamin ako at binalik sa mga mata ko. Tumayo ako at iika ikang naglakad papunta sa classroom. Ang sakit kasi talaga eh, lalo na tong mga tuhod ko.. Habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong grupo ng mga babae. Ang tingin nila sa akin ay parang natatawa. Maliban sa isa. Ang mukha niya ay parang naaawa. Di ko alam kung tama ba yung pagkabasa ko sa expression ng mukha niya pero titig na titig siya akin.
'Mukha siyang mabait. At ang ganda niya'
Nang nalagpasan ko sila ay nakarating na ako sa classroom namin. Wala pa kaming teacher dahil ang ingay-ingay ng mga classmates ko.
Pagpasok ko sa classroom....
Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Sana di na lang ako pumasok!
BINABASA MO ANG
One Wish (SHORT STORY)
Historia CortaOne PERSON and one WISH changed my life, FOREVER ~