Chapter 1

61 5 0
                                    

*stephanie

Nakatingin lang ako sa kanya, nasa malayo. Parang ang hirap niyang abutin. Hindi na niya ata ako kilala. Ang laki na ng pinagbago niya simula nung huli naming pagkikita. Hindi pa siya sumisikat noon ng kami'y magkakilala.

Ako ang nag iisang taga hanga niya ng hindi pa siya pumapasok sa industriya ng musika. Tuwing may gig siya ay laging nandoon ako, pinapanood siya. Punong puno ng saya ang kanyang mga mata.

Natatandaan niya pa ba ako? Kilala niya pa ba ako? Simula nung umalis siya dalawang taon na ang nakakalipas, wala na akong koneksyon tungkol sa kanya. Nabalitaan ko nalang na kinuha ang banda nila ng isang sikat na recording company. Tuwang tuwa ako noon para sa kanya. Tumawag siya sa akin noong natanggap sila bilang recording artists, na saktong petsa na aking kaarawan. Niyaya niya ako na lumabas para narin ipagdiwang ang aking kaarawan at ang kaniyang unang hakbang sa kanyang tagumpay.

Ako ang nag decide kung saan ang lugar ng pagkikita namin. Nauna akong dumating. Hinintay ko siya, ng lumipas na ang halos kalahating  oras ngunit di parin siya dumadating. Naghintay parin ako hanggang mag sarado ang restaurant at umuwi na ako, pakiramdam ko nong mga panahon na yon nawala na siya sa akin, unti unti nang nawawala ang pinagsamahan namin.

Kinabukasan ng araw na yon nalaman ko nalang na nakipag celebrate sya sa kaniyang kabanda at manager nung araw na pinag usapan namin yon. Nakaramdam ako ng sakit, pero inintindi ko siya. Dahil alam ko ang sitwasyon niya, naggiging busy na siya. Pero pagkatapos non hindi man lang siya nag tetxt o tumatawag man lang sa akin para mangamusta. Pero ako kahit isang araw hindi ko nakalimutan na kamustahin siya, kahit hindi man lang siya nagrereply sa mga text ko. Nakita ko ang pag-angat niya, sumikat ang banda nila. Sila ang namamayagpag taon taon. Ilang kanta narin ang nagawa nila.

Hanggang ngayon hindi ko parin nakakaligtaan ang mangamusta sa kanya. Hindi ko alam kung yun parin ba ang numero niya.

Ngayon nandito ako, nanonood ng isa sa mga concert niya. Nasa malayo. Hindi na makita. Para siyang bituin na mahirap abutin.

Halos lahat ng album niya nabili ko na. Halos lahat ng concert niya napuntahan ko na. Lagi akong nasa malayo. Pinipilit kong bumili ng mga ticket kahit minsan nauubusan na ako ng pera. Masaya na akong nakikita siyang masaya.

Siya si Steve Romero

———————

Hello, nag update na ako. Sorry kahit medyo lame ang unang chapter. Pero gagawin ko ang best ko *fight*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Invisible Girl (Barader's series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon