: ang pakikihati
i.
matindi ang paghampas sa sirang batingaw na ako lamang ang nakaririnig. ang banaag ng marilag na kabuuan ng iyong mukha, inaapuhap sa kadiliman ng isang gabing minsang ako ang iyong kasiping--- kapiling.ii.
ikaw ang araw at ako ang buwan na madalang lamang na magkita. dahilan upang mundo'y maging pula, kulay sa isang paleta, nangangahulugan ng hindi nararapat na pagsasama.kahulugan ng digmaan, pighati at pagluha.
iii.
ang buwan na sa gabi lamang nagpapakita. sa karimlan na nakapaligid sa akin na itinuturing kong tahanan at kung saan mo rin ako natagpuan. sa karimlan nagsimula ang ating pagmamahalan.singhap. ako nga lamang pala ang nakaramdam.
iv.
ako ang buwan na kahit sa dami ng mga bantalang nakapalibot ay wala ni-isa sakanila ang kinayang tulungan akong isigaw ang dalawang salita: ako nalang.v.
akong buwan na nag iisip kung ako ba talaga ang 'mas' o isa lamang ako sa anagaw na inuuwian mo tuwing nagpapalitan kayo ng matatalim na mga salita. rason kung bakit napapadalas ang tanong sa sarili kung tama ba ang ilegal na pagsugal ko kahit nakatatak sa tuktok ng aking ulo na hindi patas— madaya ang mundo.ngunit hindi ko kasalanan ito.
—
'☾
YOU ARE READING
Limang Kabanata
Poetryang limang kabanata ng pag-ibig. - ang pakikihati. ang magmahal. ang paglayo. ang pagsuko. ang huling tula.