: ang paglayo
i.
libo-libong ulit na pagtakbo sa kabilugan ng mundo, katumbas ang mga butil ng pawis na hindi matuyo. nagmistulang asong naghahanap ng buto sa karagatan. nalunod ako dahil sa lakas ng alon na hinampas ang dagap ng aking pagkatao--- nilayo ako nito sa'yo.
ii.
ang mga basahang mas naunang simsimin ng araw; ang punda ng aking unang hindi na muli pang mahihigaan. ang kisame na nagpapaalala ng inanay na libro nating dalawa. ang lubid sa bakuran na nakalas mula sa duyang ating pinaghatian--- minsan nang pinagkasya ang dal'wang tauhan sa nobelang malapit nang mapigtal ang pabalat mula sa kabuoan. tumayo ka at dahang tumungo. hinila mo ako palayo mula sa'yo.
—
'☾
YOU ARE READING
Limang Kabanata
Poesíaang limang kabanata ng pag-ibig. - ang pakikihati. ang magmahal. ang paglayo. ang pagsuko. ang huling tula.