: pag-ibig sa bawas na bahagi
i.
ang hindi pagsunod sa sining ng matematika ay pagbalewala sa resulta. walang mabubuo kung walang bahagian ngunit may magkukulang kung hindi pareho ang timbang.
ii.
ikaw ang sirang timbangan sa palengke at ako ang kalahating kilo ng abo. kapuwa tayo nalinlang ng isandaang porsyento.iii.
itong aking mga labi'y upos na sa pagsisiga— sa pagkumpara ng hindi buo sa duyog ng araw, buwan at tala. paano nga ba limiin ang paraan ng pag-iisa ng dalawang malaya at sirang makabuntala?iv.
mapapako na lamang ba sa nobelang punit ang huling pahina o itutuloy ang pagbabasa hangga't umabot sa wakas ng dagling dinaya?—
'☾
YOU ARE READING
Limang Kabanata
Şiirang limang kabanata ng pag-ibig. - ang pakikihati. ang magmahal. ang paglayo. ang pagsuko. ang huling tula.