A/N: Sa pagpapatuloy ng aking istorya...
--*--*--*--
Ate Nika:"Totoo Karylle! Kailangan mong paniwalaan ang kuwento dahil sa iyo nakatuon ngayon ang kaganapan ng sumpa."
Napanganga si Karylle sa implikasyon ng sinabi ng ate niya. At napatulala na lamang siya sa mga kapatid niya nang maalalang twenty-fifth birthday na niya sa susunod na linggo.
Ate Timmy:"Iyon ang dahilan kaya ka namin pinagbakasyon dito sa Singapore. Ang nais sana namin ay ikulong ka rito nang isang taon pero alam naming imposible iyon. May naiwan kang trabaho sa Pilipinas at ...."
KARYLLE'S POV
"Wala kayong dapat ipag-alala" mabilis kong sabi sa kanila. Nababasa ko sa kanilang mukha ang pag-aalala kaya makabubuti sigurong magpanggap na lamang akong hindi apektado para hindi na mag-alala pa sila Ate.
"Pagkatapos ng birthday mo, iwasan mong makipagdate o pumunta sa mga okasyon kung saan posibleng may makilala kang lalaki na mamahalin mo." Sabi ni Ate Nika. "
"Huwag kayong mag-alala, walang lalaking mamamatay ngayong taon dahil wala akong lalaking mamahalin." Sabi ko.
" This is not a joke Karylle!" Babala ni Ate Timmy. "Tingnan mo kami ni Ate Nika. Taon na ang lumipas mula nang mamatay ang mg lalaking mahal namin, but we're still stuck on the same ground. Puno ng lungkot. Mahirap magmove-on, sis. Napakahirap kalimutan ang taong kasing kahulugan ng buhay mo." Mangiyak-ngiyak na dagdag ni Ate Timmy.
Nararamdam ko na rin kung gaano kalungkot ang mga Ate ko. Pareho silang teary-eyed. Gusto kong magmura!!!! Pero kanino ba ako magagalit? Sa lola kong nagbitaw ng sumpa o sa lolo ko na nag-iwan ng matinding galit sa puso ni lola?
"Kung totoo man ang lahat ng ito, wala ba tayong magagawa para pigilan o kontrahin ang sumpa?" Tanong ko sa kanila.
"Sadly.. Wala" nakayukong sagot ni Ate Nika."Pero pwede kang magmahal pagtutong mo sa 26. Katulad ni Tita, nagmahal siya nung 30 years old siya. Hindi namatay yung taong mahal niya!" Dagdag niya.
"Pero nasaan siya ngayon? Bakit hindi niya pinakasalan si Tita?" Tanong ko.
"Pinikot siya ng anak ni Mayor. Pinagbantaan ang buhay ni tita kaya mas pinili niyang magpakasal sa taong hindi niya mahal para maprotektahan ang buhay ni tita." Sabi ni Ate Timmy. Aray sakit naman nun. Nagsacrifice siya para kay tita.
"So, ibig sabihin, kapag 26 ka na, wala nang bisa ang sumpa." Sabi ni Ate Nika
"So, hindi ako dapat ma-inlove ngyong taon?" Tumango ang mga ito.
"Damn, curse! Anyway, isa lang naman ang lalaki sa buhay ko ngayon, sinisigurado kong ligtas ako sa sumpa." Napangiti ako nung naalala ko yung taong tinutukoy ko. Imposibleng mainlove ako sa lalaking iyon... lalaki nga ba yun??!!
---*---*---
END OF CHAPTER.A/N: " lalaki nga ba yun??!! " yaaahh... alam na thiz!! #NewCharacterAlert
NEXT CHAPTER
VOTE, COMMENT, FOLLOW

BINABASA MO ANG
Love And Death
SonstigesKailangang mahanap ni Karylle ang lumang diary ng kanyang lola kung saan nakasulat kung paano magwawakas ang diumano'y sumpa nito. Dahil sa sumpang iyon ay hindi siya pwedeng umibig pagtuntong niya sa edad na twenty-five. Otherwise, mamamatay ang la...