Argh! Nakakahiya! Ba't kasi ako tumakbo? Baka mamaya hindi naman ganun ung ibig sabihin n'ya. Argh nakakainis.
Padabog kong binuksan ang gripo sa sink dito sa girls restroom, at tyaka tinapat ang mukha ko sa tubig na umaagos na nagmumula sa gripo.
Nakakastress... Parang gusto ko maligo
Argh. Na alog ata utak ko sa pag kakauntog sa mga upuan kanina. Pati pagligo dito sa cr sa school e' parang gusto kong gawin. Para maka-tanggap naman ako ng freshness, dahil ang init ng pakiramdam ko simula ng sinabi yon ng peste'ng yon kanina.
Nakakaloka.
Biruin niyo un, kaka-transfer nya pa lang dito sa school namin ganun na agad pumapasok sa utak. Napailing na lang ako at hindi na muli pang inisip yon.
Makapag aral na nga lang.
NANG matapos ang huling guro namin ngayong araw ay niligpit ko na ang mga gamit ko. Mabilisan kong niligpit ang mga nasa lamesa ko ng malaglag ang ballpen na nakatapatong sa ibabaw ng notebook ko. Pupulutin ko na sana ang ballpen na nahulog sa sahig pero may gumawa na non para sakin.
"Hm thanks" pasasalamat ko kay Milltant matapos n'yang ibigay sakin ung ballpen.
Maglalagkad na sana ako palabas ng pinto pero may taong biglang humawak sa braso ko.
"Bakit?" Tanong ko sa taong yon.
"Uuwi ka na?"
"Hindi ba obvious?" Dahil sa balik na tanong ko mukhang napahiya ang peste na to' at binitawan ang braso ko.
Pasiring ko lamang siyang tinignan at tyaka nagpatuloy sa paglabas sa classroom namin.
Pero nang nasa hallway pa lang ako ramdam ko ng may sumusunod sakin.
Ngunit binalewala ko lamang iyon dahil sa pagaakalang mga kasabay ko na estudyante lamang iyon. Pero nakarating na lamang ako sa sakayan ng trycicle ramdam ko pa din ang taong sumusunod sakin.
At dahil curious ako ay tumingin ako sa likod ko upang makita ang sumusunod sakin.
Walang iba kundi si Milltant Halves.
Hinarap ko ito at masamang tinignan.
"Sinusundan mo ba'ko??" Pataray na tanong ko dito.
Nagtaas naman ito ng kilay. "Assuming?" Attitude na balik tanong nito sakin.
At dahil don ay parang bigla na lamang akong nagkaroon ng dagdag dahilan para kainisan ang peste'ng to.
"Ako? Assuming?! Eh kanina ko pa napapansin na sumusunod ka sakin hanggang dito sa sakayan!" Galit na sabi ko.
"Sakayan to' diba? Mag isip ka nga" argh!! NAKAKAINIS! dahil sa sinabi nya narealize ko na pwedeng hindi niya ako sinusundan at maaring sumasakay din siya ng trycicle dito.
Pero mukha siyang mayaman, wala ba siyang kotse?? Tulad ng mga mayayaman na nakikita ko dito.
"BWISET KA!" nakapikit na sigaw ko sa harap nya matapos akong magtimpi sa galit na nararamdam ko.
Pero late na ng marealize kong ang peste ay wala na pala sa harapan ko!
Tumingin ako sa paligid at napansin ang mga taong napahinto sa paglalakad dahil siguro sa pagsigaw ko.
"Baliw ba sya"
"Sinong kausap nya?"
"Nako tumawag kaya tayo ng mental"
BINABASA MO ANG
My Life is Full Of Lie
RandomBe prepared. Samyra rai Gerdon simple girl with a simple life. Milltant Halves asshole, jackass dumb. Anong mangyayari sa dalawang pinag laruan ng ikot ng buhay? Kakayanin ba ni Samyra ang kasinungalingan na kaniyang matutuklasan? Kakayanin niya b...