Tayla's POV:
Maya maya pa ay lumabas na mula sa silid si Zarren pero karga karga na nito si Tayron na halatang bagong gising.
"Tita Mommy?" Sambit ng bata ng makita ako.
It's not Tita Mommy baby, just Mommy.
"Yes baby..." nakangiti kong tugon.
Lahat ng galit at inis ko kanina ay nawala ng makita ko si Baby Tayron. Amazing noon si Mimi nya lang ang nakakagawa sakin nun, ngayon pati na si Baby. It's really a good thing na sakin isinunod ang pangalan nito.
Napangiti ako ng wala sa oras dahil sa naisip ko.
"Hoy! Para kang tanga dyan." Narinig kong saway sakin ni Sai.
Nakakahiya! Literal pala talaga akong napangiti, baka mamaya isipin pa ni Zarren na baliw ako.
"Okay dahil kailangan nyong mag usap, akin na muna si Baby Tayron." Sambit ni Sai.
"Wala kaming dapat pag usapan pa Sai,malinaw naman na simula palang nung una puro negative na ang iniisip sakin nitong kaibigan mo." Walang emosyon na sagot ni Zarren.
"Trust me with this Zarren, you two needs to talk."
Buti nalang talaga na dinala ko tong si Sai.
"Come here to Tita, let's buy food outside tara..." aya ni Sai sa bata.
At dahil likas na masunurin si Tayron, sumama ito kay Sai.
"Hey! What are you waiting for? Sasama ka samin." Baling ni Sai kay Brea.
"What? Ako? Sasama?" Pagtataray ni Brea dito.
"Kailangan nilang mag usap kaya wag mo ko taray tarayan dyan." Sabat naman ni Sai.
"San mo ba planong pumunta?" Mababakas ang inis sa boses nito.
"Jollibee lang siguro."
"Hindi ako lalabas no, di mo ba nakikita tong suot ko?"
"Okay lang yan, you look hot naman eh." Sagot ni Sai at nakuha pang mag wink kay Brea.
"Hello? Are you out of your mind? Wala akong bra tapos palalabasin mo ko?" Reklamo pa ni Brea.
"Wag kang mag alala drive thru lang tayo, ako mag mamaneho." Paniniguro ni Sai para mapapayag lang to.
"Fine!" Sa huli ay sagot ni Brea at padabog na lumabas.
"Give me your keys, wala akong dalang sasakyan." Baling sakin ni Sai.
"Use my car, instead." Singit ni Brea.
Kinuha muna ni Brea ang kanyang bag mula sa kwarto, pag katapos ay humakbang na palabas ng pinto.
"Ano bang gusto mong pag usapan?" Baling sakin ni Zarren.
Bigla akong binalot ng sobrang kaba, dahil sa tanong nyang yun.
"Look, I want to say sorry for accusing you na kabet ka ni Dad. Nadala lang ako ng galit at emosyon dahil sa result ng DNA." Pag uumpisa ko.
"Naintindihan naman kita na, natural na magalit ka. Kasi tatay mo yun. Pero yung akusahan mo ko na kabet ako ng Tatay mo, hindi ko matatanggap yun."
Napayuko ako dahil sa sinabi nya.
"Alam ko at pinag sisisihan ko yun, lalo na sa part ni Dad. I need to ask for his forgiveness too." Nalungkot kong tugon.
"What pushes you para ipa DNA ang bata tapos wala man lang consent galing sa akin?"

BINABASA MO ANG
Sweetest Mistake (Intersex Completed)
RomantikaSi Zarren ay isang single mom na, naninilbihan sa pamilyang Barbosa. Mababait ang mag asawa dahil tinanggap sya sa tahanan nila kahit na alam nilang nag dadalang tao ito. Pero nag bago ang lahat ng umuwi galing sa america ang nag iisa nilang anak...