Prologue

11 0 0
                                    

stayintheshadows

Pinatatawag kami sa office dahil may mahalagang sasabihin ang Dean namin dito sa school. "Do you think what is it Geovanni?" saad ni Sherley saakin. "I don't know? Baka may iuutos" saad ko.

Nang makapunta na kami sa office tumayo si Dean "Ms. Alcantara, Ms. Moa and Ms. Sy kayong tatlo ang una kong napili upang i recommend sa Dela Merja Academy" He said. Teka? Tama ba narinig ko? "Po?" saad ni Ariela. "Malaking opportunity 'to sa inyo since on going College na kayo sa pasukan, so here is the letter. Ibibigay nyo lang yan doon. By that school, mas makikilala ang school natin dito at syempre kumukuha talaga sila dito ng mga top qualified na mga estudyante" He said while smiling.

Pagkatapos ng pag uusap namin nila Dean hindi pa rin kami makapaniwala. "Ghad! Geovanni, narinig mo 'yon? Tayo ang napili para mag aral doon, I mean sa dinami dami ng top student tayo ang kinuha" masayang sinasabi ni Sherley. "And also! For sure maraming papa don! Ang tagal ko nang gusto mag aral don! Si mommy kasi nandito raw yung business namin!" saad ni Ariela. "Lahat naman tayo guys, nandito ang business ng magulang natin. Tara na't magpaalam.

Pagkauwing-pagkauwi ko ng bahay hinanap ko kaasi mommy. "Mom!" saad ko at sumagot naman si mommy "Bakit honey?" she said. "Mom, ni recommend kami ng Dean na mag aral sa Dela Merja Academy dahil ganoon daw ang rules between our schools" I said. "Dela Merja Academy? Nandoon yung pinsan mo ni Nash mas mabuti at doon ka mapupunta, do you need anything?" sabi nya habang naghahalo ng lulutuin. "No mom, Condo will do and also cash" I said at hinalikan sya sa pisngi. "Okay honey, papaalam tayo sa daddy mo. Alam ko ay may share sya doon" sabi ni mom. "Okay po mom, punta na 'ko sa  bedroom" at umalis na ako.

Kinabukasan, maaga akong bumangon para kumilos na, since last  three days na lang at malapit na kami grumaduate masyadong busy ang aming paaralan para matapos ang dapat tapusin. "Mom! Aalis na po ako" saad ko. "Okay honey, hatid ka na ni Kuya Mario" Mom said and sumakay na 'ko para makapasok.


"Ses!" sigaw ni Sherley nang makapasok ako ng room namin. "Yes?" sabi ko. "Pinayagan ako ni Mommy at Daddy!" natutuwang saad nya. "Hey ako rin!" sabi ni Ariela na kumakain. Nang paupo na ako may tumawag saakin "Vanni!" sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan, ngumiti ako sa kanya "Hey" sabi ko ng malumanay. "Tuloy na tuloy na talaga kayo doon sa DMA?" sabi nya. "Oo Rob, tyaka baka sumunod ka rin naman doon diba?" sabi ko. "Oo nga Rob! wag mo masyado ma miss yan si Vanni girl mo!" saad na nangaasar na si Sherley. "Hay nako Sherley nababaliw ka nanaman" saad kong nakangiti.

"Paano na 'ko nyan? Malulungkot ako dito" saad nya. "Rob, mag uusap naman tayo. Tyaka magkaibigan pa rin naman tayo huwag kang mag alala di kita kakalimutan" sabi ko ng nakangiti. Tila bumagsak ang kanyang mata pero ngumiti rin "Okay Vanni! Pano? Alis na ako ha? May practice pa kami sa basketball!" Saad nya at hinalikan ang aking kamay. Sanay na ako sa ganoong gawain nya, wala namang malisya saakin. "Oo ba, galingan mo Rob" saad ko.  "Friendzone 101" malakas na sabi ni Ariela. Tumatawang umalis si Rob at tinitigan ko ang dalawa kong kaibigan. "Baliw talaga kayo"

Robien Leaf Montecarlos o Rob ay matagal ko na ring kaibigan, naging pang apat ko na syang kaibigan na malapit dito sa Alca Highschool. Tumira kami rito sa Alca Province sa kadahilanang mas maayos, at dito lumago ang negosyo naming pamilya Alcantara. Kilala kami rito at ang pamilya Moa, Sy at Montecarlos pero kailanman hindi kami naging paiba sa ibang estudyante. Captain sa Basketball team si Rob dito saaming school, minsan na-iisue kami pero wala lang saakin 'yon at siguro'y wala rin sa kaniya. Hindi sya nasama sa pag recommend sa DMA dahil tatapusin nya daw ang pagiging Captain dito dahil may laban daw na huli ang school na 'to at hindi ko alam na school.

Natapos ang araw at halos pag pa practice lang namin kung paano kami sa mismong graduation. Food Service Management ang kukunin ko na kurso, ganoon na rin ang aking mga kaibigan. Nang umuwi na ako sa bahay, binati ko si Mommy at Daddy. "Anak, may tawag sa 'yo Kuya Nash mo" sabi ni Daddy saakin.

"Hi kuya!" sabi ko ng masigla. "Hi baby girl! Kamusta? I heard dito ka mag aaral ngayong College mo ah!" He said. "Oo nga kuya eh, and I wish magustuhan ko dyan mag-aral" saad ko. "Oo naman pupuntahan kita rito huwag kang mag alala!" at marami pa kaming pinag usapan hanggang sa gumabi na.

"Honey, after graduation mo, kinabukasan na ang punta mo sa Manila pack your things well. Don't worry nandoon kami within a month kasi sa business ng Dad mo. Kinuhaan na rin kita ng condo doon. Sila Sherley ba tas Ariela?" saad ni Mom while eating. "Ahm Mom saan ka kumuha ng condo? Para doon na lang rin sila Sherley tas Ariela" saad ko. Syempre iba pa rin pag magkakasama kami. "Sa Dela Merja Hotel anak pasabi sa mga kaibigan mo para makapag book na sila" sabi ni Daddy at tinuloy na namin kumain.

Graduation day, this is it. maraming tao ang pumunta sa school kasama ang kani-kanilang parents. Nakaupo na kami dito. Nagpatuloy na ang ceremony at aakyat na kami for awarding also.

"Our Valedictorian for the whole year, let's all welcome Geovanni Alcantara" at lahat ay nagpalakpakan.

"Congrats guys!" Ariela said while giggling. "Hindi ko talaga akalain na graduate na tayo! Panibagong buhay nanaman sa Manila I'm so excited!" Sherley said. "Hey!" sabi ni Rob habang kumakaway. "Congrats Vanni!" nakangiti nyang saad saakin. Nginitian ko sya. "Bakit si Vanni girl lang ang binati mo?" Sabi ni Ariela. Tumawa naman si Rob at binati rin sila.

Natapos ang ceremony at kaming apat ay mag cecelebrate for our graduation. Nandito kami ngayon sa bahay nila Rob dahil inimbitahan kami nila tita which is his Mother. "Oh, pasok kayo mga iha" At pumasok na kami. Ang raming handa. Parang fiesta saad ko sa isip ko. "Ang daming handa! Parang fiesta!" saad ni Sherley. Yep Sherley, you said what I wanted to say. "Upo lang kayo dyan, tawagin ko lang ang Daddy ni Rob" sabi ni Tita.


We get along with them, masaya ang kainan, panay ang patawa ni Ariela at Sherley, kami naman ni Rob ay kumakain lang at tumatawa. "Sabi ko sa inyo tita! Walang girlfriend yan si Rob doon kahit hinahabol na ng mga babae!" Madaldal na saad ni Sherley. "Ano ka ba Sherley, ofcourse baka wala pang natitipuhan ang lalaki kong anak" sabi ng Daddy ni Rob. "Mayroon ka na bang nagugustuhan anak?" natatawang saad ng Mommy nya. Napatingin ako sa kanya st biglang nabulunan. "Mom! Alam mo naman diba?" napatingin ako sa kanya. "Uy, Hindi mo saakin sinasabi yan" saad ko. Napatingin naman silang lahat saakin. "Tyka  ko na sasabihin pag okay ma lahat" sabi nya ng nakangiti. "Okay, asahan ko yan ah magtatampo ako sayo" saad ko sa kanya at ginawaran nya lang ako ng ngiti.

"Bye tita! Thankyou sa foods po!" saad ni Ariela. "Mom! Hatid ko na po sila!" sabi ni Rob. "Okay, go home agad ah" sabi ni tita at tinanguan naman ito ni Rob. After few minutes, nandito na kami sa tapat ng bahay namin. "Rob, thankyou ah pasabi ulit kay tita at tito" saad ko sa kanya. "Oo Vanni, ahm" nagtataka akong tinanong sya "Bakit may sasabihin ka?" sabi ko. Nag isip sya ng ilang segundo at ngumiti saakin "Tyaka ko na sasabihin pag nasa Manila na rin ako" saad nya saakin. "Uhm? Okay? Siguraduhin mong sasabihin mo yan ah" saad ko. "Oo ba, mag iingat ka Vanni bukas ah" sabi nya. "Oo, salamat Rob!" at tuluyan na akong lumabas sa kanyang Kotse.


Maaga akong nagising upang i-check ang aking mga dadalin, and yes kumpleto na sila hindi na ako mahihirapan. Tinawagan ko sila Ariela at Sherley para sabihin kung saan ang kitaan dahil sabay sabay naman kaming pupunta roon. Nang makarating na kami sa pagkikitaan namin sumakay na kami ng cab.

Nakarating kami exactly 7:30 am sa Manila, and it looks like sa tapat mismo ng hotel. Isang linggo ang palugit namin to cope up everything. Dahil sa Alca Highschool at sa DMA magkaiba ang schedule of school. Kung saamin late na kaming pinatapos ng klase sa kanila tapos na last two months at ngayong linggo palang bubuksan ulit for College. Kaya kaming tatlo ay may isang linggo pa to cope up everything. Well, good luck to us. I'm tired.


:)

The Perfect ManWhere stories live. Discover now