"CLEAR!" paulit-ulit na sambit ng Doctor habang pilit na nire-revive ang punong-puno na ng dugong katawan ni Ametista."Nurse, check her pulse!" natatarantang sambit muli ng Doctor. "Again, clear!"
Labis-labis ang taranta at ang pag-aalala nito. Pilit din nitong nilalabanan ang mga luhang gusto nang kumawala sa mga mata. Sa kaalaman pa lang na sarili niyang anak ang nag-aagaw-buhay at nire-revive ngayon ay para nang kutsilyo na tumatarak sa dibdib nito.
Punong-puno ng pagsisisi dahil sa pagkukulang nito at ng asawa sa kaniya.
UMIIYAK. Tanging 'yan lang ang naririnig at nakikita ni Ametista sa loob ng Operating Room. Wala siyang kibo habang pinapanood ang mga nurse at ang Doctor, na siyang sarili niyang ama na pilit sinusubukang i-revive ang kaniyang katawan. Tumingin siya labas, at doon ay nakita niya ang inang umiiyak.
Nakikita niyang sa kabila ng pagpapahiwatig niya ng pagpapaalam ay labis na sakit ang nararamdaman ng mga magulang.
Gustuhin man niyang huwag silang saktan ngunit hindi na niya kaya. Kailangan niya itong gawin. Ito na ang pinakamabuting paraan upang matakasan niya ang kaniyang kalungkutan. Hindi na siya masasaktan. Makakapag-pahinga na rin siya ng tuluyan. Lilisanin na niya ang magulo at unfair na mundong ito.
I gotta go. I'm sorry Mom, Dad. Pagod na ako.
Sa gitna ng nararamdamang guilt ay mas nanaig pa rin sa kaniya ang sakit. Dito niya napatunayan ang lahat...
I'm just important now that I'm gone. What a painful reality.
"Ametista Alturas. Time of death, 12:09 am." Nanlulumong sambit ng Doctor habang pinagmamasdan ang katawan niyang wala ng buhay.
Nakita niyang umagos na ng tuluyan ang luhang pinipigilan ng kaniyang ama.
Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad. Hindi niya kayang panoorin ang mga magulang na nagdadalamhati at nahihirapan dahil sa pagkawala niya. Hindi niya pa rin maitatangging mahal niya ang mga ito sa kabila ng mga pagkukulang ng mga ito sa kaniya.
Pipihitin na sana niya ang doorknob nang tumagos lang ang kamay niya dito. Natawa na lang siya sa sarili. Nakalimutan niyang isa na lang pala siyang kaluluwa.
Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad nang tumagos lang ang katawan niya sa pinto. Sa gitna ng paglilibot-libot sa Hospital ay hindi niya maiwasang magulat sa mga nakikita. Napakaraming pagala-galang kaluluwa. Ngunit ang isa sa mga 'yun ang nakaagaw ng atensyon niya. Isang magandang kaluluwa. Kung tutuusin ay mas maganda pa ito kaysa sa kaniya.
Pinanood niya itong kulitin ang isang babaeng.... buhay?
"Sige na Miss oh. Sabihin mo na. Nakikiusap na nga 'yung tao eh."
"Hindi ka tao. So can you please stop bothering me? Nagmumukha na akong baliw oh. Iniisip na nilang kinakausap ko ang sarili ko."
"Titigil lang ako kung sasabihin mo kung may paraan ba para mabuhay ako."
"Geez! Hindi ko nga alam! Patay ka na nga diba? Patay na. Kaya hindi ka na mabubuhay. Just accept the truth."
Nakita niyang bigla itong natigilan. Umalis na ang babaeng kausap ngunit nakatulala pa rin ito at makikita ang lungkot sa mga mata nito.
"Gusto ko lang naman maranasang mabuhay."
Nakaramdam siya ng awa rito. Sa kalagitnaan ng pagtitig dito ay may isang bagay ang sumagi sa kaniyang isip.
Right!
Kung kaya't agad niya itong nilapitan. "Hi!" at ngumiti siya rito.
Lumingon naman ito sa kaniya at pilit na ngumiti. "Bago pa kita nakita dito. Kakamatay mo lang ba?"
YOU ARE READING
The Resurrection of Ametista
AventuraAmethyst, a gost that badly wants to be alive again. She wants to experience things that she haven't done. Yes, she doesn't know how it feels to be alive, breathing. She doesn't know about herself. Even a single detail. She only knows her name. And...