PROLOGUE

14 0 0
                                    


Plagiarism is a crime. Names, characters, events are all made by the author. Any the same names or events are just coincidence.

______________________________

Drie's POV

"Lynn, asan na yung draft nang reports para sa meeting mamaya?" tawag ko sa sekretarya ko.

"Nandito po ma'am, sandali lang po." sabi nya sabay kuha nang mga papeles sabay papunta sakin at lapag ang envelope sa table ko.

"Do I have any appointments or something after the meeting?"

"Yes ma'am, pupunta po kayo sa Frinchies Restaurant to meet Mr. Nepomosino to arrange and finalize the debut of his daughter. Pagkatapus po nun pupunta din po kayo sa Balitor's hotel to check the venue for the wedding of Mr. Lim and Ms. Choi. Yun lang naman po for today's schedule " saad nya.

"Okay, thank you. Just call me if the meeting will about to start okay?"

"Okay ma'am" sabi nya sabay tango

"Okay, you may go now" sabi ko sabay tingin sa mga papeles na naka latag sa lamesa ko.

Mabuti nalang yun lang yung gagawin ko ngayung araw. Nung nakaraang mga araw kasi mula umaga hanggang hapon yung meeting, nakaka tamad. Bakit ba kasi ito yung kinuha kong course eh. Kesa naman mag business ka, ede mas mahirap yun diba.

Sinimulan ko nang mag review para sa meeting mamaya, para di na ako mahirapan sa meeting. Habang nag rereview ako nakita ko ang pamilyar na pangalan na unang kinainisan ko sa balat nang lupa. Ang ka una unahang tao na nag wasak nang puso ko.

"Ma'am nasa meeting room napo ang iba pang nga tauhan para sa events. Kayo nalang po ang hinihintay." saad nang sekretarya ko.

"Okay, tell them I'm coming" sagot ko naman at kinuha ang mga kakailanganin para sa meeting

Tumango naman si Lynn at lumabas na nang opisina para mauna sa meeting. Pagkatapus kung e-check lahat nang documents na kakailanganin ay lumabas na ako para pumunta sa meeting room. Pagbukas ko sa pintuan ay pumasok na ako at pumunta sa upuan ko. As the event leader ay ako ang mag dedetalye at mag de discuss nang mga kakailanganin para sa event na aming gagawin.

"Okay let's start the meeting." saad ko at tumayo na para mag discuss nang mga gagawin.

"First, kailangan na organized yung event na ito, dahil isa ito sa pinaka malaking event na eha-handle natin this year. So kailangan nating maging maingat dito para pagkatiwalaan tayo, understand?" litanya ko sa mga taohan ko. Tumango naman sila bilang pag sang ayon.

Tumingin ako sa mga taohan na naka asign sa food catering at tinanong kung maayos naba ang lahat sa kanila. Tumanga naman si  Jake, ang head nila.

"Flynn, are the materials ready? Make sure that it is all perfect to use. Baka mamaya pag nag design na tayo baka biglang mag ka problema diyan ha." tanong ko naman sa head nang design crew. Tumango din ito at sinabing ayos naman daw ang lahat nang kakailanganin.

Pagkatapus nang meeting ay lumabas na ako at bumalik sa opisina para basahin yung mga papeles para sa debut nang anak ni Mr. Nepomosino. Tinignan ko ang wall clock sa loob nang opisina para malaman ang oras. 11:30 ang meeting sa restaurant at meron pa akong 30 minutes para mag handa. Hindi naman malayo ang restaurant, 5 minutes drive lang naman yun kaya pinag patuloy kona ang pag babasa. Nang matapos ko itong basahin ay tinignan ko ulit ang orasan sa pader at tumayo na para mag handa. Lumabas agad ako at pumunta sa kotse para pumunta na sa restaurant. Nang makarating ako ay ensakto ding pagdating ni Mr. Nepomosino.

"Good morning Mr. Nepomosino, I'm glad that you chose our company to organize your daughter's debut." saad ko na naka ngiti.

"It's our honor to choose your company and group to organize my daughter's debut. We heard that you're the best organizer in our country." saad nya. Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Hindi naman sa pag mamayabang pero ako ay isa na mga best organizer sa bansa.

"Oh, ha-ha thanks again Mr. Nepomosino, don't worry we will do our best to this event." saad ko dito na nakangiti. Ngumiti din ito sa akin. Nag usap pa kami nang kuno anu-ano about sa debut nang anak nya bago kami umalis sa restaurant. Habang papunta ako sa kotse ay may nabangga akong pader, pader nga ba?

"F*ck, please look at your f*ucking way miss." saad nito sakin. Ay hindi pala pader ang nabangga ko. Nung tumingala ako ay nabigla ako kong sino ito.

"What?  gonna stare at me all day?" saad nito ulit. Doon lang ako natauhan sa sinabi nyang iyon.

"Hoy, hoy, hoy, ang kapal nang mukha mong magalit ha, eh ikaw nga itong hindi tumitingin sa dinaraanan eh." sabi ko na nangangalaiti sa galit. Ang kapal nang baklang to, pagkatapus nang lahat na pasakit nya saakin noon, tapus iyon pa ang ibubungad nya saakin pag katapus nang ilang taon. Ha! ang kapal.

"What? do you have any plan to move aside or talk?, or you'll just gonna stare." bored na sabi nito

"Jerk" pabulong na wika ko

"What did you say?" pagalit na sabi nito. Aba, aba sya pa yung nay ganang magalit sa akin ha.

Akmang aalis na ako, pero hinawakan nya ang braso ko para humarap ako ulit sa kanya. "Anu bang problem mo, aalis na nga diba, bakit mopa ako pinigilan ha." sabi ko sabay pameywang sa harapan nya.

"Aren't you going to say sorry?" hindi makapaniwalang saad nito

"And why would I say sorry? if in the first place you were the one who bump me?" sabi ko na nangangalaiti na sa galit.

"Tss, until now you didn't change" bulong nito. Bumulong pa eh dinig ko naman, tss

"Why would I change?" sabi ko. Oo nga bakit naman ako mag iiba, dahil lang sa kanya? Ha! asa sya. Hinding hindi ako mag babago para lang sa isang tao no. Ano?Para sa mga walang kwentang tao,  Kagaya nang nasa harapan ko? Binaklas ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya at dali daling umalis doon. Maayos na sana yung araw ko eh, kaso nag pakita pa. Argh! nakakasira sya nang araw. Humanda ka saaking lalaki ka,  ay mali bakla pala. Humanda kang bakla ka, gaganti ako, maghihiganti ako sa lahat nang pag papahiyang ginawa mo saakin noon. Hindi kita papatahimikin. Sisiguraduhin kong mag sisisi ka na sinaktan at pinahiya mo ako noon. Ngayon palang humanda kana.

To be continued **

____________

Hope you like the story po

Don't forget to vote and comment. Thank you.

God bless, stay at home, stay safe and healthy. Lab u all😊😊

That Hot Gay JerkWhere stories live. Discover now