1. Love At First Sight

31 1 0
                                    

Drie's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang restaurant kung saan gaganapin ang meeting para sa event sa makalawa. Ang event na ito ay yung kasal nang sikat na modelo dito sa bansa, at ang company namin ang napili para mag arrange nito. Actually I'm the heiress of the company. I'm Drie Pauleen Cordova, kaka graduate ko lang bilang isang engineering student, pero di ko naman nagagamit dahil sa isa akong event organizer. Namana ko ito sa mommy ko. Sa edad na 15 ay natutu akong mag organisa nang mga events tulad nang birthdays o ibang mga celebrations na madadaling gawin. Para naman sa daddy ko, gusto nyang kumuha ako nang business para daw pamahalaan ko ang kumpanya. Kaya lang ayaw ko talaga eh, kahit anung pilit ko ayaw ko talaga sa business. Kaya nag engineering nalang ako para may makuha na degree at nag take up nang fine arts para maging event organizer.

Nang makarating ako sa restaurant ay nakita ko na kaagad ang mga staff nang comoanya. "Good morning everyone, I'm sorry for waiting for this long. May ginawa pa kasi akong importante sa opisina." paliwag ko.

"It's okay ma'am, actually po kararating lang po namin." saad naman nito. Ngitian kolang sila at umupo na para simulan ang meeting. Dito kona pinili na mag meeting dahil nakaka umay sa opisina minsan.

"Okay, let's start" inumpisahan na namin ang meeting para makabalik na kaagad ako dahil may mga importante pa akong gagawin. Nang matapos na ay nauna na akong lumabas. Habang nag lalakad ako ay may nasagip ang mga mata ko. Isang lalaking palabas sa kotse. Hindi, isa palang Greek God, parang nag dahan dahan ang oras. Anu ba ang nangyayari sakin. Nakatitig lang ako sa kanya na parang wala nang ibang lalaki sa mundo.

"Miss? Miss, are you okay?" someone snapped at me. Pagtingin ko dito ay nabigla ako. Hindi ko alam kung anu ang gagawin ko. Nandito na sa harapan ko ang lalaking kanina ay tinititigan ko lamang.

"a-anu ahm, o-okay lang ako hehe" nahihiyang sabi ko dito. Ngumiti naman sya sakin, parang naka kita ako nang anghel na bumaba sa kalangitan. Juskolurd tao bato?

"Are you sure you're okay? Para kasing may masakit sayo or what. Kanina kapa kasi nakatulala eh. Oh by the way I'm Ace Driex Velasquez, you? If you don't mind." saad nito

" ah oo hehe o-okay lang a-ako hehe. I-I'm Drie Pauleen Cordova. " sabi ko dito na nahihiya. Shet bakit ba nauutal ako

"Oh, okay then. If that's the case, I gotta go now. Bye Pauleen. " nakangiting saad nito sabay alis saakin.

Pinagmasdan ko syang sumakay sa kotse nya hanggang maka alis na sya. Oh shet ang gwapo nya. Kaso parang may anu eh, parang may something. Para syang bakla, pero basi naman sa boses nya parang ang sarap pakinggan. Yung boses kasi nya nakakalaglag panty. Pero sa mga kilos naman ang hinhin. Yung para takot maka bangga o di kaya maka basag. Hala teka lang tinawag ba nya akong Pauleen? Walang tumatawag saakin nang pangalan nayon eh, kasi ang sagwa pakinggan. Pero nung tinawag nya akong Pauleen, ang sarap pakinggan. Anu bang nangayayari saakin, mabuti pang umalis na ako.

Nang makarating ako sa opisina ay umupo na agad ako para basahin ang mga papeles na naka tambak dito. After kong basahin ay tumingin ako sa wristwatch ko. "Hala hapon na pala, di ko namalayan eh" Tumayo na ako at kinuha ang gamit ko para umalis na.

"Lynn, alis na ako ha. Ikaw na mag lock okay?" saad ko sa sekretarya ko.

"Sure ma'am. Bye, ingat po kayo." nakangiting saad nito

Umalis na ako at pumunta na sa parking para sa kotse ko. Nang makarating ako sa kotse ko ay sumakay na ako at pina harorot pauwi sa bahay.

Hays, ayan na naman yung utak ko, hindi na malimutan yung lalaki kanina. Ang gwapo nya kasi talaga, sana kinuha ko yung number nya kanina no?. Ay nako ano ba ang nangyayari saakin, malandi naba ako? Hindi naman siguro diba? Ah basta ang gwapo nya.

Nang makarating ako sa bahay ay pinarada ko na ang kotse sa garahe at pumasok na sa bahay.

"Hey mom, dad I'm home" masiglang bati ko sa mga magulang ko.

"Hey sweetie come here, join us" saad ni mommy. Pumunta muna ako sa kanila para humalik sa kanila. Pagkatapos ay umupo na ako sa table at sumabay sa kanila.

"So kamusta ang araw mo anak" nakangiting tanong ni daddy sa akin.

"It's good dad, and I think this is one of the best day" parang tangang saad ko sa kanila. Napatanga naman silang dalawa sa sakin na animoy gulat na gulat sa sinabi ko. Hindi kasi sila sanay na pinag uusapan o hindi kay ay kinikwento ko sa kanila kung anu ang nangyari sa araw ko.

"Drie, are you okay? May sakit kaba?" nag papanick na sabi nito

"Grabi ka naman mommy, may sakit agad?" tanong ko pabalik. Si daddy naman ay bumalik na sa pagkain.

"Mom, dad, anu po yung ibig sabihin nang bigla nalang na slow motion yung paligid pagkakita mo sa kanya." tanong ko sa kanila.

"Why, naranasan mo naba ito?" si daddy na ang nag tanong

"Ahm a-ano kasi d-dad, ahm kanina po" nakayukong paliwanag ko dito

"Ano ba ang nag yari kanina." naghihinalang tanong nya sa akin.

Kinuwento ko baman sa kanya ang nangyaru kanina at yung pinag usapan namin ni Driex.

"You mean Ace Driex Velasquez?" singit na tanong ni mommy

"How did you know him?" tanong ko kay mommy. Saan kaya nya nakilala si Driex.

"Who wouldn't be, he is one of the successful and ruthless businessman in the country. Na take pa nga sya sa isang sikat na magazine last week lang eh. Don't tell me kanina mo lang sya nakilala?" litanya ni mommy saakin. What? Ruthless? Eh ang hinhin nga nang lalaking yun eh." Kaso lang bakla eh, but after finding out that he is a gay, mas dumami pa ang mga babae na humahabol sa kaniya. Akalain mo yun bakla na nga marami pang babaeng umaaligid. " natatawang saad ni mommy ulit.

"What, he's a gay? Ang gwapo naman nya para maging bakla. Like duh kanina ko palang siya nakita na hulog na ako kaagad. Naniniwala na ako sa love at first sight" parang wala sa sarili kong saad

"O my goodness honey, ang anak natin dalaga na. May love na" oa na sabi ni mudra

"Honey bata pa anak natin para diyan anu." napa tampal naman ako sa aking noo sa sinabi ni daddy. Ghad akala ko si mommy lang ang oa sya din pala.

"Mom, dad stop acting like I'm going to get married." saad ko naman dito. Tinapos ko na ang pag kain ko at nag paalam na sa kanila upang umakyat na sa kwarto ko. Ginawa ko kang ang evening rituals ko bago mahiga sa kama para matulog, pero kahit anong gawin ko ay hindi parin ako maka tulog. Bumangon ako sa pag kakahiga at binuksan ang social media account ko. Meron akong friend request, matignan nga. Nagulat ako kung sino iyon. Si Driex ini add ako, my gulay wahhhh halos mag lumpasay na ako sa kilig. Ini accept ko naman ito at inistalk sya. May mga nakita ako na mga photos na naka tag sa kanya, pero binlewala ko nalang iyon. Inisa-isa ko ang mga pictures nya at grabe, kahit saang anggolo sya kuhanan perfect yung mukha nya. Maya maya pa ay dinalaw nadin ako nang antok. Inilog out kona yung account ko at nahiga na sa kama.

"Sana mag kita kami ulit" nakatingalang sabi ko. Sana mag kita kami ulit para masilayan ko ang mukha ya, ang gwapong mukha niya. Ipinikit ko na ang mata ko at maya maya pa ay nilamon na ako nang antok.

____________________

Bitin po muna hehe

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Hot Gay JerkWhere stories live. Discover now