Chapter 25: Yovan

33 3 24
                                    

His Side

Buong byahe ay nakangiti lang ako, hindi ko maiwasan. Dahan-dahan akong tumigil sa tapat ng bahay nila Shantelle.

“Thank you for today,” sabi niya, ngumiti ako at tumango.

“Naman,” sabi ko at kinindatan siya.

“Ikaw ha? Nagiging bisyo mo na ang pag-kindat. Para kang aso,” sabi niya na nagpatawa sa ‘kin.

“Dati pa naman ako kumikindat ah? Ngayon mo lang napansin?” tanong ko, umiling naman siya bilang sagot.

“Ahh, I have to go. Ingat sa pag-drive pauwi.” Sabi niya at kumaway, pero hinila ko lang ang kamay niya.

“Wait lang,” sabi ko, taka nuya akong nilingon. “Hindi ka na nagseselos sa kapatid mo?” tanong ko, agad niya akong kinunutan ng noo.

“Why would I?” tumawa siya, “Actually, I’m guilty for accusing you about hitting on my sister. And I’m also guilty for thinking that my sister is being into you.” Seryoso niya akong tiningnan, “Nakalimutan kong ako ang ate, ako ang dapat umintindi.” Ngumiti siya,

“Kailangan ka ng kapatid mo, lalo na ngayong may pinagdadaanan siya.” sabi ko na tinanguan niya. Biglang may kumatok sa bintana ng kotse sa side niya kaya tiningnan ko yun at agad na binaba ang window para kay Tita Maj.

“Ma,” sabi ni Shantelle, ngumiti naman si Tita sa amin. Bumaba si Shantelle at niyakap ang ina. Bumaba rin naman ako at lumapit sa kanila.

“Tita, salamat po sa pagpayag niyo na mag-date kami.” nakangiting sabi kona sinuklian niya.

“Okay lang, kumain na ba kayo?” tanong ni Tita, tumango naman kami ni Shantelle. “Kahit na, pumasok kayo. Nandito si Chenie, may mga dalang dessert.” Chenie? Yung ate ba yun ni Eycee? “’Lika, Ryle.” Yaya ni Tita habang hinihila si Shantelle, ngumiti ako sa kanya habang nakatingin ng seryoso sa mata niya. Palihim na nagpapasalamat.

Susunod po ako,” sabi ko at tuluyan niya nang hinila si Shantelle papasok, bigla namang lumapit sa akin si Sharly.

“Nasaan na?” tanong niya, ngumiti ako at binuksan ang back seat at binitbit ang napakalaking regalo. “Tara, bilisan natin. Bini-busy pa siya ni Mommy kaya ilagay mo ‘yan agad.” Sabi niya, ngumiti ako ng nakakaloko.

“Yung bulaklak, inabot ba sa ‘yo ni Yuan?” pang-aasar ko, sinamaan niya naman ako ng tingin bago umirap.

“Si Karlo nag-abot,” sabi niya. “Hindi na big deal kung sino nag-abot! Bilisan mo na lang.” naiinis na sabi niya kaya halos patakbo na kaming pumasok sa bahay nila Shantelle. Pumasok ako sa kwarto nya at inilagay ang life sized gift sa sofa. Katabi noon ang higanteng bouquet ng pulang rosas. I took a picture of it before smiling.

“Video-han niyo ang reaksyon niya ha? Send mo sa ‘kin.” Natatawang sabi ko habang palabas ng kwarto niya.

Oo, alam mo namang support ako sa kalandian niyo. Pero sinasabi ko sa ‘yo! Isang tulak mo pa kay Yuan papalapit sa akin, sasapukin kita!” natawa na lang ako sa sinabi niya. Napatingin din ako sa phone ko nang makita ang message ni Benedict,

From: Benedict

Insan, pwede ka
na bang umuwi?

Kinabahan ako sa text niyang yun, alam kong may hindi magandang nangyayari pag ganyan ang message niya.

“Sharly, may emergency.” Sabi ko at tiningnan siya. Taka niya akong nilingon, “Pakisabi na lang kay future at kay Tita. Mauna na ako, future sister-in-law.” Sabi ko at tumakbo papunta sa kotse. Pinaharurot ko yun,

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon