Chapter 3: Disappointment

72 5 19
                                    

“Ay, wala na! Sira na ang mood ko. Nakita na naman kasi kita, Ryle, eh.” napatigil ako sa pagtawa, akbay si Lara, nang makasalubong sila Shantelle kasama ang mga kaibigan niya. Nginisihan ko siya bago binitiwan si Lara, hinarap ko si Shantelle na seryosong nakatingin sa ‘min. Tinitigan niya si Lara mula ulo hanggang paa, ito namang chicks ko, lumaban. Kaya kita ko ang lalong pagkawala sa mood ni Shantelle. “Tss, cheap!” rinig kong bulong ni Shantelle at saka dire-diretsong naglakad. Sinenyasan ko sila Eycee, Marra at Xyle na ako na ang bahala. Tumango naman ang tatlo saka naglakad papunta sa ibang direksyon.

Sinundan ko si Shantelle na mabilis na naglalakad. Binilisan ko rin ang pace ng lakad ko para maabutan siya. Pero nag-iwan ako ng isang metrong distansya sa likod niya.

“Nakakainis! Ang pangit nung babae, tapos tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa!” rinig kong bulong niya, hindi niya ata alam na ako ang sumunod sa kanya at hindi ang mga kaibigan niya. “The guts! Mukha namang green peas yung babae! Tapos ako pa ang tiningnan mula ulo hanggang paa! Nakaka-insulto, ha?!” Huh? Parang ikaw ata ang unang tumingin mula ulo hanggang paa? And wait, did she really insult? Masyadong mabait 'to at ako lang ang bina-badmouth nito, pero ngayon? “Yang Ryle naman na ‘yan, papatol na lang, sa mukha pang munggo! Walang taste sa babae!” So pag ginusto kita, ibig sabihin, wala akong taste? Napangisi ako sa tanong  sa isip ko. Mabuti na lang ay hindi niya napapansin na ako ang nakasunod. “Ang pangit nila! Magsama sila!” mas pangit ka, magsama tayo! “Oy! Ba’t hindi kayo nasa---what the fox!” gulat na gulat siya habang ako naman ay nakangisi lang sa kanya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nginisihan siya, napaatras naman din siya ng dahan-dahan, hanggang sa lumapat ang likod niya sa pader. Wala na siyang aatrasan.

“Seryoso? Si Lara ang tumingin sa ‘yo mula ulo hanggang paa?” tanong ko, nakangisi pa rin. “Wala akong taste sa babae? Sabihin mo lang ‘yan pag nagustuhan na kita, babaeng abno.” Bahagya akong umatras dahil kita kong pigil niya ang hininga nya. “Pangit ako? Stare at my face, Shanty, then tell me how ugly I am at your blurred vision.” Napanganga siya sa gulat sa sinabi ko. Walang hiya niya akong tinitigan sa mukha. Matagal niya akong tinitigan to the point na ako na mismo ang nailang at hindi siya.

“Ang pangit mo, lalaking siraulo. Ang pangit-pangit-pangit mo!” she said and smirked, now, I was the one whose smirk has faded. Pero bumalik lang yun nang makaisip ng bagong pang-asar.

“Selos ka kay Lara, ‘no?” I asked, napanganga na naman siya sa gulat saka tumawa ng malakas. Namula pa siya sa pagtawa kaya bahagya rin akong natawa.

“Ako? Magseselos?” tinuro ng babaeng abno ang sarili niya bago tumawa. “Selos who?” tumawa na naman siya, tumawa siya ng pagkalakas-lakas. Siguro nagseselos nga ‘to, ayaw lang aminin. Pero once na inamin niya, pinapangako kong titigil ako sa pambababae.

“Uso kasi umamin, Babaeng abno.” Saad ko bilang pang-aasar

“Wala akong pakialam kung magkagusto ka sa iba.” OA akong napahawak sa dibdib ko, nagpapanggap na nasaktan dahil sa sinabi niya kahit… medyo nasaktan naman talaga. “Wala akong pakialam kung landiin mo pa sila Freyah, Hailey, Jillian, Lara o kung sino man.” Ouch, masakit na, ha? “Wala rin akong pakialam kung ilang babae maging jowa mo, kahit magkaroon ka pa ng ten hundred na girlfriends, wala akong pakialam!”

Doon ako napangisi.

“Really?” lumapit ulit ako sa kanya at cinorner siya, paboritong gawin ko sa kanya. Nagulat na naman siya habang nakangisi pa rin ako. “Ten hundred? Damn!” I pinched her cheeks, “Ang cute mo naman magselos!” natatawang sabi ko bago siya tinalikuran, nauna nang maglakad palayo dahil sa kaba. Bigla akong kinabahan dahil doon.

Enemies Turned into Lovers (Good Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon