Chapter 1

7 0 0
                                    

VENCH THERESE RAMIREZ

"Best! Nakikinig ka ba?" sigaw ni Suzini.

Pinanliitan ko siya ng mata at tinignan ng masama.

"Oo nakikinig ako. Ang gusto mong sabihin ay sumali ako sa walang kwentang pageant na yan dito sa campus. Nababaliw ka na ba?" sigaw ko pabalik sakanya. Alam niyang wala akong oras para sa ganyang bagay.

"Best malaki ang premyo. Ten thousand pesos lang naman kung sasali ka. Wala kang gagastusin. Sagot ko na at saka malaking tulong yon sa inyo ni tita no!" pagkukumbinsi niya.

Napaisip ako sa sinabi niya. Tama naman siya na malaking tulong ito sa amin ni mama.

Hindi ako lumaking mayaman katulad ni Suzini. Nasanay ako na nagtra-trabaho para sana makatulong kay mama. Kahit anong trabaho ay ginagawa ko.

Kaya lang ako nakakapag aral sa isang mamahalin na unibersidad sa tulong ng tatay ni Suzini. Dahil narin siguro sa tagal ni mama sa pag tra-trabaho bilang sekretarya sa daddy ni Suzi kaya tinulungan niya ako makakuha ng scholarship at sinagot niya narin ang miscellaneous expenses na babayarin dito sa school.

Tangin problema nalang ni mama ay ang baon, pamasahe at mga gamit ko sa eskwelahan. Kaya naisipan ko magtrabaho sa isang convenience store sa gabi para sa mga gastusin ko. Hindi sapat ang kinikita ni mama para sa mga utang niya noong high school ako at mga bayarin sa bahay.

Ngayong college na kami ni Suzini. Malaking tulong talaga siya at ang daddy niya sa amin.

"Oh, ano? Sasali ka na?" pag aaya niya sa akin.

"Alam mo naman na hindi ako mahilig dyan. Hindi ba?"

"Alam ko. Pero ikaw din. Sayang to. Ikaw pa naman gusto ng mga prof natin na sumali sa contest para sa department natin. Bye ten thousand!" tinaas taas niya pa ang kamay niya at umaktong namamaalam.

Bumuntung hininga ako at nagbasa muli ng hawak ko na libro.

"Pag iisipan ko."

Tumili ito ng napakalakas at tumalon talon. Agad ko naman siyang hinila paupo at tinakpan ang bibig.

"Ang ingay mo! Nakakahiya!" pagalit na sermon ko sakanya habang iniikot ang paningin sa buong garden ng school.

Tinangal niya ang kamay ko at nag peace sign.

Matapos ang usapan naming sa garden. Nagtungo na kaming dalawa sa kanya kanyang klase. Kahit pareho kami na BS Business Management at kasulukuyan na nasa 4th year na ay may iba kaming subject na magkaiba ang slot.

My day went well. Suzini message me to help her at the theater club. She is the main character at the upcoming welcome party.

Smith university is not the same as other university in the Philippines. Mayayaman lang ang mga nakakapag aral dito at swerte na ako dahil ako lang ata ang mahirap na nakapasok dito. Ang mga event dito ay mas maaga kaysa sa ibang unibersidad. Katulad nalang ng pageant na pinag uusapan namin.

Nang makapasok ako sa auditorium ay nadatnan ko ang gulo sa gitna ng stage.

That is my bestfriend!

Tumakbo ako paakyat sa stage at hinawakan si suzini.

"Bitawan mo ko best! Kakalbuhin ko yang babaeng yan!" sigaw ni Suzini habang akmang susugudin ang babaeng nasa harap naming na pinipigilan din ng ibang kasama nila sa club.

"Ah! Wala ka bang manners? Just because I'm saying the truth na mas magaling umarte si Tricia sayo. Nagagalit ka na? You don't deserve being the main character" I know this girl. Siya ang Ms. SU for 3 consecutive years. Althea Uy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trouble LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon