01

3 0 0
                                    


That Apollo Finley, I never saw him again after 5 years ago

Huli at unang pagkikita na pala namin yon, magpapakita pa kaya yon sakin? pagtapos ako sabihan na bubulagin ako pagka dise otso ko, e pa-bente años na ako?

Hanggang ngayon inaalala ko paren ang joke nung Apollo nayon, hindi talaga nakakatuwa yon okay

tahimik lang at simple ang 18th kaarawan ko noon dahil nawalan ng pera si ina, mas ginastusan ni ina ang kaarawan ni cyrus, di naman ako nagtatampo dahil mahal ko ang kapatid ko

Alam kong curious kayo kung ano ang sumpa na natanggap ko noon, ang sumpa ko ay

Immortality

nung una ko itong natanggap sobrang tuwa ko dahil makikita kong mabuhay ang lahat, parang hindi naman ito sumpa para saakin.

Ngunit ngayong nakikita ko nang nanghihina ang aking ina, parang nalalaman kona ang masamang bahagi ng sumpang ito.

Dahil kung makikita kong mabuhay ang lahat, makikita ko din silang mamatay.

Nakatulog nalang ako sa pagiisip ng sobrang lalim

Augusto 30, 1953 kaarawan ko na

"Ma'am iyah gising napo, aayusan kana po namin" katok sa labas ng kwarto ko

Napabalikwas ako ng bangon at tumingin agad sa salamin

Ang gulo-gulo ng buhok ko! Marami pating muta!

"Uhm oo saglit lang!" Sigaw ko at nagsimula ng magsuklay ng buhok at mag sepilyo sa banyo

Sa wakas, pinagbuksan kona din sila ng pinto

Pumasok ang limang katulong kasama si Ella na kasing edad kolang at kaibigan ko, kasama ng headmaid sa mansyon namin na si Marilyn

"aayusan kana po namin" seryosong saad ni Marilyn at pumitik

Nagsigalawan na ang mga kasama niya at agad akong ginalaw

Tahimik lang ako dahil sanay naman ako, pag may pupuntahan na importante at kasama ako ay inaayusan ako ng mga katulong namin dito

"Kunin niyo na ang susuotin niya" utos ni Marilyn

Nagbow sakaniya ang dalawang katulong at ang tatlo naman ay inaayos na ang mukha ko at sinusuklay ulit ang buhok ko

Kumindat lamang sakin si Ella, nagtaka naman ang itsura ko

Inilagay nila sa isang body stand ang aking susuotin, isang floral white dress na hanggang tuhod ko, at tinalian ng ribbon ang aking gitna ng buhok.

Ipinasuot na nila ang dress saakin at hinigpitan ang may bandang bewang para maitago ang taba, pero wala naman ako non, nilagyan na din ako ng diamond na hikaw.

Pumasok sa loob si ina, naka white strap-circle skirt dress siya, matching with her pearl necklace

Maganda parin ang Ina ko kahit mid 40's na siya, napangiti ako sa isipin.

Ngumiti siya saakin "Ang ganda naman ng aking unica iha" at niyakap ako patalikod habang nakaharap ako sa salamin

"Ina, may nagpadala naba na sulat galing sa kaharian?" Tinanong ko bigla

Nawala ang ngiti sa labi ng aking ina at napalitan ito ng pagaalala

"wala naman, bakit mo naitanong anak?" sabi niya na parang nagalit

"wala po ina may nakilala po kasi ako noo-" biglang sumigaw ang kapatid ko

"Iyah, ina! hindi paba kayo sasakay dito? plus vite vous deux!!!" naliligaligang sabi ni cyrus dahil excited na siyang lumabas kasama kami ni ina sa kaarawan ko ngayong bente na ako

Our CursesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon