CHAPTER 2

17 11 2
                                    

Taena! Haystt pamura-mura na lang ang nagagawa ko dito. Nakatayo na ako ngayon sa kanal habang hawak-hawak ang aking skateboard.

At yung bag ko? Ewan kung saang lupaop man yun napadpad.

I used all my strength to climb the edge of this kanal.

SUCCESS! Nagawa kong makaalis sa malabasurahang kanal.kung kanal pa ba ang tawag dun, mas bagay tawagin yung imbakan ng tae.

" Naku Iha, Patawarin mo ko't di kita nakita" ngayon ko lang napansin ang matandang nakatayo sa aking harapan. Gusto ko pa sana syang pagalitan kaso senior na ito eh. Baka mapano.

" Nangyari na eh, ano pa bang magagawa ko?" Nanghihinayang na usal ko at sinuri ang kaayusan ng damit ko. Mukha na ako nitong basurera sa palengke.

Buntong hininga na lang ang ginawa ko at nagsimulang hanapin ang bag ko sa tabi-tabi.

" Mauuna na lang ako sayo Iha" at nagsimula nang maglakad palayo ang matanda tulak-tulak pa rin ang mga buko.

Walang utang na loob!

"Miss are you looking for this?" Napalingon ako sa kung sino man ang nagsalita at napataas ang kilay ng tumambad sakin ang isang mayamaning lalaki. Hawak hawak nya ngayon ang aking mahiwagang bag.

"Halata naman diba? Common sense!" Mataray na sabi ko rito. He just smile.

Inaasar nya ba ako?!

"Oh" at itinapon papunta sa akin ang bag. Sapol sa mukha! Urgh this jerk.

"Mga bata nga naman ngayon, walang modo" iling iling na sabi ko at inayos ang aking skateboard.

*Bahay*

Pabagsak akong umupo sa aming upuang yari sa kawayan, inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng bahay.

Ang bahay namin ay yari lamang sa kahoy. Nasa Squater Area kami ngunit buti na nga lang at hindi kami sa kariton natutulog. May Dalawa pa akong nakababatang kapatid, Namatay ang Inay namin matapos isilang si Esteng, ang aming bunso.

Ang walang kwentang itay naman namin ay iniwan na kami, dont know kung saan na yun nagsususuot.

Nagpapart-time job ako sa isang restaurant
Bilang cook. May pasok pa naman ako bukas, Nakakatamad!

" Esteng! Tawagin mo na ang kapatid mo!" Sigaw ko sa aking kapatid na naglalaro malapit sa kinaroroonan ko.

Tiningnan nya pang ako ng masama. " Bat ako ang patatawagin mo? Sino ba sa atin ang panganay? Child abuse ka rin eh no?" Sabay irap nya sakin at ipinagpatuloy ang paglalaro.

Abat!! Yan si Esteng 7 years old pero kung makasalita mala- presidente. Padabog akong tumayo at lumabas sa MANSYON naming bahay.

At natagpuan ko na lang ang pangalawa kong kapatid na may kaharutang lalaki sa ilalim ng Puting ilaw, sa dilaw na buwan...

Este sa ilalim ng Puno ng mangga.

" Hoy babaeng pinaglihi sa pwet ng kabayo! Umuwi ka na o baka gusto mong palayasin kita?" Nakamameywang na sigaw ko dito habang pinagmasdan kung paano hampasin ng Magaling kong kapatid ang braso ng lalaki nya. Aba ang lalandi!

Nakanguso naman nya akong tiningnan.. She's giving me panira- ka- ng- moment- look.

Aba? Pake ko?

"Ate naman, kung makalait akala mo naman kagandahan" pakamot-kamot nyang bungisngis at mas lalo pang kumapit sa braso ng lalake nya.

Pinanlakihan ko sya ng mata.

" Yung kamay mo! Para kang linta dyan! 16 ka pa lang babae, kaya wag kang lalandi-landi dyan! Baka gusto mo nang magpakasal aba't sige! Magtanan na kayo nang mabawasan naman ang palamunin ko!" Mahabang litanya ko, muntik na nga akong mawalan ng hangin!

"Eto na! Eto na! Kalma lang!" Pabalik nyang sigaw ng bitiwan nya na ang pagkakahawak sa lalaki nya.

"Bye Irene" pahabol na pagpapaalam ng lalake habang nakapamulsa at pinagmamasdan ang aming paglakad.

Tumigil ako sa paglalakad at nakapameywang na hinarap ang lalaki.

" Mabuti pa't umuwi ka na sa inyo! Kebata-bata nyo pa ang landi landi na!" Naghehesterikal na pagtataboy ko sa lalaki at tumalikod.

I gave my sister a deathly glare na ikinayuko nya sa akin.

Akmang pipingutin ko ang tenga nya ng mabilis syang makatakbo papuntang bahay..

Napailing na lang ako.

Meet my family.. Ang bunso namin ay si Estella a.k.a. "Esteng" at ang pangalawa naman ay si Irene.

Ayokong pag-usapan ang tungkol sa nanay namin.. lalong-lalo na sa aming 'magaling' na ama.

HER LAST WHISPERWhere stories live. Discover now