"Ate, bukas na pala ang deadline ng project namin sa science, kailangan kong magbayad ng 500" paalala ni Irene sa akin habang sumusubo ng pagkain.
Napabuntong hininga na lang ako. San na naman ako ngayon kukuha ng pera?. Takte hindi pa nga din ako nakabayad para sa registration namin this October.
May prom daw kasing ihe-held at bawal ang hindi dadalo.
"Hahanapan ko lang yan ng pambayad" kagat-labi kong sabi at inubos na ang aking pagkain.
"Sige na Irene, matulog na kayo, may pasok pa naman" saad ko sa aking kapatid at naunang pumasok sa maliit naming silid.
Dito kaming tatlo humihiga, hindi naman kalakihan ang aming bahay kaya isang kwarto lang ang meron kami.
Habang hinihintay silang pumasok dito ay binuksan ko muna ang aming lumang kabinet. Maingat kong kinuha mula dito ang aking mga ipon.
Isinilid ko dito ang bente pesos na nakuha ko kanina mula sa pagtututor.
And yeah, nagtututor ako tuwing lunch time sa school. Im teaching some of our classmates na nahihirapan sa aming leksyon.
Ako na lang talaga ang inaasahan ng mga kapatid ko. I promised to my mom before her death na kahit anong mangyari, aalagaan ko sila ng mabuti.
If only medyo mayaman kami, i can easily make my sisters live in a fine place.
Itinago kong muli ang aking ipon at tumihaya na sa kama.
"Ate! Wag kang pakomportableng humiga dyan! Usog ka konte!" Napamulat ako sa aking pagkapikit nang marahan na umalog ang bedsheet.
Unang sumalubong sa akin ang impaktang mukha ni Esteng. Ngumiwi na lang ako at pasimpleng umusog.
"San si Irene?" Tanong ko kay Esteng nang makatabi na sya sa akin.
"Sabi nya may group project sila, mamayang hating-gabi pa siguro yun makakauwi" mabilis na sagot nya at humikab.
I just roll my eyeballs, napapansin kong palagi na lang mayproject yan si Irene.. nakung bata!
Nang mapansin kong nahihimbing na si Esteng ay dali-dali akong bumangon at naligo.
Ganyan talaga pag may raket sa gabi. Matapos kong maligo ay nagsuot na akong ng uniform.
Cook ako sa isang kilalang Restaurant na 24 oras ay bukas, pang gabi lang ako bilang chef.
I simply put some light make-up at inayos ang I.D ko.
Im Isabella Laudicia Guizon.. 18 years old, also known as 'basagulera girl' pero kahit na ganyan, may respeto pa naman sa akin ang ibang istudyante maliban na lamang sa mga nakaaway ko.
Linakad ko lang ang daan papunta sa restaurant kahit gabi, sanay naman ako.
Pagpasok ko, ay bumungad sa akin ang mga nakakalokang ngite ng aking workmates.
Problema nila?
Ilinagay ko na lang sa cashier's area ang mga dala kong gamit at dumiretso sa kitchen.
Kunot-noo kong nilingon ang mga asong nakangite na kanina pa sunod ng sunod sa akin.
Pinandilatan ko sila ng mata.
"Wala ba kayong trabaho ngayon?" Mataray kong sabi habang inihahanda ang mga gagamitin sa pagluluto.
"Something amusing will probably happen soon, right girls?" Malanding saad ni bea, ang feeling close kong ka-trabaho. 2years ang agwat naming dalawa.
"Oo nga! Just watch Belle" hirit din ni Janna, ang waiter namin dito, kaedad ko lang sya unlike Bea..
Belle? Hmm mahilig talaga silang mambigay ng nicknames.
"Walang may pake, wag nyokong guluhin dito kung ayaw nyong mameet si kamatayan" may pagbabantang sabi ko na sya namang ikinanguso ni Thea, ang pinakapabebe sa kanilang tatlo.
" Apakabad mo naman Belle! Naaaway mo kami" nakanguso pa rin nyang sabi na halata namang pinapaliit ang boses.
"Naaaway pala ahh!!" Sigaw ko at itinutok sa kanilang direksyon ang kutsilyo
"Aalis kayo o aalis?" Taas kilay kong banta habang nakatutok pa rin sa kanila ang hawak-hawak ko.
"Oo na, oo na! Aalis na nga! Para ka namang menupausal!" Nagugulantang na sabi ni Bea habang patakbong umalis dito sa kinaroroonan ko.
Good!
Napailing-iling kong ibinalik ang paningin sa mga gulay dito. I started the fire at hiniwa ang pig meat. Habang hinihintay na mag-boil ang mantika sa kawali ay nililinisan ko muna ang mga gulay.
" Belle! Isang pinakbet!" Sigaw sa akin ni Bea na syang naka assign sa counter.
Nang matapos kong maluto ang pinakbet ay tinawag ko na si Janna para ibigay ang order.
"Just watch!"mahinang bulong ni janna ng nakalapit na sa akin at humagikhik. Tangna talaga!
Akmang sasapakin ko na sya ng mabilis nyang iniharang sa kanyang mukha ang kanyang kamay..
Patuloy lang sya sa pagtawa habang lumalabas na sya. Weird.. ano nga ba ang meron?
Habang nagluluto ay nakarinig ako ng malaalkas na pagtili.
Then someone knocked to my door.
"Omoo Belle! Nandito ang manager ng restaurant!" Kinikilig na sabi ni Thea.
Kunot-noo ko namang binuksan ang pintuan. Manager? For real hindi ko pa talaga nameet ang manager dito. Pero pake ko ba?
Isinarado kong muli ang pintuan habang tiling-tili pa ang tatlong impakta, nangunguna na sa kanila si Bea.
"Where's the cook here?"dinig kong tanong nang isang taong may malalim na boses. Yan ba ang manager? Bat ako ang hinahanap?
As far as Im concern wala akong nagawang mali habang nagtatrabaho dito. May na poison ba ako? Or may napatay?
YOU ARE READING
HER LAST WHISPER
Random"hindi ko alam na ako ay tuluyang nahulog na nga sa kanya, I thought I will regret loving her but loving her is actually the best thing happen in my life" I said as I dreamingly look up to the sky.