Kabanata 10

397 28 18
                                    

Kabanata 10: Shantelle Aria Villarreal

"So kayo na nga ni Brent?" Biglang tanong ni Karren habang kumakain ng pizza at ice cream.

"Ewan ko..." Naguguluhan kong sagot.

Basta kanina sa ice cream house, nung inulit nya yung "be my girl" kemirot chuchu nya, wala sa sarili akong napatango.

"Eh akala ko ba gusto mo sya?" Tanong uli ni Karren.

"Oo na! Gusto ko sya, pero sobra naman ata yung mahalin ko agad diba?"

"May point ka." Sabay turo nya saakin gamit ang kutsara.

"Pano na 'yan?" Problemadong saad ko.

Hindi sya sumagot. Nanatili akong naka yuko habang nilalantakan nya ang ice cream at pizza, ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone ko. Rumehistro sa unknown number.

From; 09*********
Hi! Eat your dinner, it's already 6:30 in the evening. See you tomorrow on our first date ; )

Kaagad kumunot ang noo ko. Sino naman kaya 'to?

"Sino 'yang ka text mo?" Singit ni Karren.

"Ewan, na wrong sent ata." Pasawalang bahala kong sagot at inilapag uli ang phone sa sofa. Ilang saglit ay nag vibrate uli ang phone ko.

From: 09*********
Are you busy? If not, can I call? I miss your voice.

Hindi ako nag dalawang isip na mag reply sa mokong na 'to.

To:09*********
Hi? Na wrong send kaba?

Kaagad syang nag reply.

From: 09*********
Pft.. Of course not, Alice. This is Brent.

Ayy putek!

To: 09*********
Pano mo nakuha number ko? Stalker kita 'no?

From: 09*********
Agent Redoble gave your number to me.

Tinignan ko ng masama si Karren na halos maubos na ang ice cream.

"Hoy! Magaling kang kupal ka! Bat mo binigay yung number ko kay Brent?!" Bulyaw ko kay Karren.

Saglit syang natigil sa pagkain. "Eh hiningi nya eh."

"Alam mo bwisit ka din minsan. Salamat hah?" Sarkastiko kong saad.

"You're welcome!" Sumaludo pa ang matakaw na 'to!

Tinignan ko sya ng masama bago pumunta sa kwarto ko.

"Enjoy your Bebe time with Brent, Alice!!" Sigaw ni Karren bago ko masara ang pinto.

Peste!

Nang maka upo ako sa kama ay nag ring ang cellphone ko. Si Brent....

"Hello?"

"Hi Alice! Kumain ka na ba?" Bungad ni Brent.

Napangiti ako kahit alam kong hindi nya iyon makikita. Pinanatili kong kalmado ang boses ko. "Uh, mamaya pa." Sagot ko.

"Are you busy? Hindi ka kasi nag reply sa text ko. Naistorbo ba kita? If yes, I'll end this call." Saad nya.

"Naku, hindi naman. Binabasa ko lang yung file, patapos na din." Bahagya kong kinagat ang pang ibabang labi ko.

"Oh... By the way, congrats again to the both of us, and thanks for letting me to be your boyfriend." Saad nya at mahina pang tumawa.

Yes, I'm a Secret Agent ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon