Chapter 13 (E)

98 12 0
                                    

Sa pag-uusap namin ni Tom, again he's acting weird. Palagi niyang sinasabi na mag-ingat ako dahil baka daw mapahamak ako.

Meron siyang isang salita na hindi ko makalimutan.

Don't look at a light that is reflected by silver

What does he mean? Bigla ko naman naalala yung sinabi niya sakin noon na stay under the dark trees. Sa simpleng sinabi niyang iyon ay may kaakibat talaga na kasagutan.

Kung iisipin kong mabuti, masyadong kritikal ang mga huling salita na sinasabi niya na napakaimposible sa taong gaya niya na malaman ang mga ito. I'm just very curious and just to think of it that he is acting weird. Not just weird, very weird.

Bumalik si Jeric sa kanyang pamilya. Hindi ko masasabing nagsisinungaling siya dahil halata naman na nagsasabi na siya ng totoo. Napagdesiyonan namin nina Percy at Olivia na kaming tatlo nalang ang pupunta sa kuta nila. Jeric can't even describe the place.

Noong pinag-uusapan namin ang plano sa pagpasok doon ay gusto sana ni Jeric na sumama sa amin pero tumanggi na ako. Dahil walang proprotekta sa pamilya niya kung nagkaton. Isa pang sabi ni Percy, madaling siyang patumbahin dahil isa siyang mortal na gaya ng mga kasamahan niya. Baka daw maging pabigat lang ito.

Sinita ko si Percy sa sinabi niya pero agad na umawat si Jeric at sinabing naiintindihan niya bagkus ay sinunod nalang niya kami.

"Hey Jeniffer, bakit hindi kita nakita kahapon" isang babae ang nagpakita sa aking harapan na agad na bumalik sa totoo nitong anyo, Ken.

"I want to be alone" simpleng sabi ko dito.

"If you have any problem, you can tell it to me. Maybe I can help you" tumango nalang ako at ngumiti. Sa totoo lang pwede ko na siyang patayin ngayon pero wag muna.

Matapos yun ay umalis na siya agad. It's great that he have that kind of ability. Suitable for an assassin.

Pumunta muna ako sa aking kwarto at umupo sa aking study table. Napansin ko ang isang papel na nakalagay sa aking kama. Lumapit ako upang tignan ito. Isang sulat......galing kay Jayson.

Please tell me your problem Jeniffer. I'm freaking worry about you. Let's talk please.

I really miss you so much...

-Jayson

Why I feel so different when it comes to him. I don't know him that much pero.... He knows me so much. What's happening to me.

Every time he's here, I really feel uncomfortable and at the same time, I feel happy when he's here. Gosh what is happening.

Agad kong kinuha ang phone at headset sa aking sling bag at agad na nagplay ng mga musiko just to divert my thoughts. It really destruct me.

Lumalalim na naman ang gabi, hinanda ko ang aking sarili para sa misyong gagawin namin. I need to make those protectors of mine be free.

Sa ngayon kailangan ko munang bumuo ng isang pwersa para may laban kami kahit papano. Sa totoo lang, siguro kaya ko itong tapusin na mag-isa pero sa huli buhay ko ang magiging kapalit.

Lumabas na ako sa mansion at saktong nasa lugar na napagkasunduan sina Percy at Olivia. Nagsend kase sila ng message sa akin. Nagpahatid ako kay manong dahil alam ko na nakaabang lang sina Nathalie, Jayson at si Ken sa daan.

Alam kong hindi nila ako papayagan nung tatlo pero mas magandang tatatlo lang kami. Walang gaanong inaalalang kasama. Percy's ability is enough to support us in case na magkaaberya and also Olivia's ability. Para kahit gagamit sila ng ibat-ibang chemicals just like high kind of tranquilizers. We can counter it by the help of her ability.

Ngayon na nalaman namin tinatablanan ako ng ganun although nalalabanan ko din naman ito ng aking abilidad sa maliit na oras pero malaking perwisyo ang delay.

Pagkahatid sa akin ni manong ay nagpaalam na ko. Sinabi ko sa mag-asawa na pupunta ako isang birthday ng kaibigan ko at magoovernight. Pinayagan nila ako at sinabi na magiingat ako. Wala kase sila ngayon sa pinas dahil nasa abroad sila. Alam niyo na business matters.

Nakita ko sina Percy at Olivia na lumalapit na sa akin. Agad naming tinungo ang lugar na sinasabi ni Jeric.

Dito ko sa lugar na ito ko nakita ang taong pinaglalaruan ang kasama. The trees here are tall and has this dark leaves. Ito ang sinabi ni Tom sa akin dati.

Pumunta kami sa ilalim ng tulay kung saan makikita namin ang daang papasok. Sa aming paghahanap ay isang tren ang umagaw sa aming atensiyon. Agad kaming pumagilid pero meron akong napansin. Sa pagdaan ng ilaw niya sa daan ay meron akong nakitang kuminang.

Hinintay muna namin na makaalis ang tren bago ulit bumalik sa paghahanap. Lumapit ako kung saan ko nakita ang pagkinang kanina.

Hindi nga ako nagkamali dahil kung wala ako ideya tingkol dito ay aakalain kong isa itong ordinaryong kanal na daanan ng dumi.

Nakamarka dito ang isang kulay sliver na "X". Hindi ito kalakihan kaya hindi ito kapansin-pansin.

Ginamit ni Percy ang kanyang kakayahan para buksan. Pagpasok namin sa loob ay parang ordinasyong kanal nga ito dahil may tubig ang dinadaanan namin pero habang nakakalayo kami ay gumaganda na ang dinadaanan namin. Walang gaanong ilaw dito.

Nang makalapit kami sa entrance ay natanaw naming ang limang lalake. Wala akong nakikitang baril na hawak nila instead of a swords on their side. This only means that they are trained to kill on silent. They are really assasins.

Di muna kami lalaban ng malapitan, hanggat maaari ay hindi maingay ang aming pagpasok. Ginamit ulit ni Percy ang kanyang kakayahan. He fractured their spinal cords. Ngayon ay kahit nakikita nila kami ay di na sila nakakagalaw at nakakapag-salita.

Tama si Jeric, the entrance has a high level of security. Napatingin ako dito ay dalawa ang pwedeng magpabukas ng daan. It's either a code or a finger print.

Nilapitan ko pinto at nakita ko ang lock nito sa maliit na space na nakakabit sa mismong side doorway . I use my power to melt it, ilang sandali ay nabuksan na ito.

Agad kaming pumasok dito. Ramdam namin ang malamig na temperatura. Naglalakad kami ngayon sa isang hallway, sa gilid nito ay may mga kwarto at ibang hallway ulit na patungo na naman sa ibang direksiyon.

Parang normal lang itong lugar na ito pero napakalamig lang ang temperatura. Ngayon ko lang narealize na sa isang lugar na ito ay hindi maganda ang nilalanghap mo na hangin.

Siguro ay maibabase ko ang amoy dito sa isang hospital. Merong mga ibat-ibang amoy ng kemikal akong nalalanghap.

Habang nakakalayo kami ay may naririnig akong malalakas na sigaw sa isang kwarto. Mga sigaw na parang.......nasasaktan at nahihirapan.

Lumapit ako dito, saktong meron itong clear glass window na kung saan ay malinaw mong nakikita ang nangyayari sa loob. Sumilip ako dito at hanggat maari ay hindi nila dapat akong mapansin.

"I smell different kinds of chemicals in this room" mahinang sabi ni Olivia.

"This might be a laboratory"

Lumapit kami dito at tinanaw ang nasa loob. Isang malawak na laboratoryo ang nakikita ko kung saan maraming dibisyon ito. Nakakarinig ako ng malakas na sigaw mula sa loob.

Nakita ko ang isang hubad na lalake na hinihila nila. Maharaming tahi ang ang kanyang katawan and meron pang tumutulong dugo dito.

Kung nakakaya niyang gumalaw sa ganung sitwasyon. He has this strong pain tolerance, that only means his immortal and maybe he is one of my protectors.

Agad kaming nagtago nung may isang hubad na namang babae ang ipinasok nila sa loob.

They are performing experiments to them.

"Done watching?"

Napatingin kaming tatlo sa likuran namin.

Me being different [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon