Dinilat ko ang aking mata. Tinitigan ko ang kisame ng ilang segundo bago magpasyang umupo mula sa aking pagkakahiga. Tumama ang silay ng araw sa aking mukha, tanda na umaga na. Natulala ako saglit at dinapo ang aking kamay sa aking tiyan. Tiningnan ko ang aking kamay. Walang dugo. Buti at panaginip lang ang lahat. Nang akmang tatanggalin ko sana ang aking muta ay maramdaman kong basa ng luha ang aking pisngi. Hindi ko rin mapaliwanag ang kirot na naramdaman ko.
Kaninong boses iyong tumatawag sa akin sa panaginip at ganu'n na lang ang kanyang pagsamo na 'wag akong bumitaw?
Inisip ko kung ano ang ginawa ko kagabi marahil epekto ito ng kakanuod ko ng kdrama pero sa pagkakatanda ko ay sa Twitter ako nagdamag kahapon dahil sa Twitter party. Napabuntong hininga na lamang ako at tuluyang umalis sa aking higaan upang maghilamos. Naalala kong makikipagkita pala ako sa kaibigan ko na nakilala ko rin sa Twitter. Hindi ko akalain na makakatagpo ako ng kaibigan dahil lang sa isang fandom. Mula ng matapos ang pandemic noong Nobyembre ay nitong unang Martes ng Disyembre lang ako pinayagan na lumabas at mamasyal ng aking magulang. Kat'wiran nila ay nagiingat lamang sila lalo na at delikado ang panahon.
Alas-nuebe na ng umaga nang matapos akong maggayak. Kinuha ko ang brown kong sling bag at sinilip kung nandoon na ang lahat ng aking gamit.
Purse? Check!
May laman ba? Uncheck. Joke lang, siyempre check!
Hand sanitizer? Check!
Extrang face mask? Check!
Personal abubot (necessities)? Check!
Sinipat ko muna ang sarili ko sa full body na salamin ko bago lumabas ng kuwarto.
Shoulder length na wavy hair with clip. Magulo pero natural na eyebrows. Hazelnut eyes. Not so pointy nose. Sapat lang may makapitan ng salamin. Natural red lips na may lip balm as moisturizer.
Dahil medyo malamig na ang simoy ng hangin. Medyo lang. Alam niyo naman sa Pilipinas. Nagdala ako ng carnation pink na cardigan. Kakailanganin ko 'yun mamaya dahil sa maliit na straps ng navy blue, above the knee length na dress ko. Nagsuot nalang ako ng white sneakers para komportable. S'yempre, hindi mawawala ang surgical mask. Pinatungan ko ito ng navy blue din na cloth mask para matchy sa dress ko.
May isa at kalahating oras ang biyahe mula dito sa amin hanggang sa isang kilalang mall sa may Fairview. Doon namin napagpasyahan na magkita ng aking kaibigan dahil malapit lamang siya roon. Ako'y taga Rizal, samantalang siya ay mula sa Caloocan City.
Pasado alas-diyes ng umaga ako nakarating sa food court ng nasabing mall. Walang masiyadong traffic kaya kahit papano ay maaga akong nakarating. Makaraan ng ilang minuto ay nasilayan ko na rin siyang parating. Nagkita lamang kami sa pamamagitan ng video call pero hindi ko aakalain na maliit talaga siya sa personal. Nasa 5'5 ako samantalang nasa 5 flat ata siya sa tans'ya ko. Nakdress din siya at kulay skintone ito. Nakaladlad naman ang straight at mahaba niyang buhok na hanggang beywang ang haba. Kaagad kong tinaas ang aking kanang kamay na para bang may recitation upang makita niya ako kaagad.
"Aurum!" Sigaw niya na may halong tuwa habang nakalahad ang dalawang kamay at naglakad takbo papalapit sa pwesto ko.
"Wind!" Sagot ko sabay tayo upang mayakap siya ng mahigpit.
Pagkaupo namin ay saka kami nagkumustahan.
"Buti pinayagan ka ng parents mo, eh 'di ba strict 'ka mo sila?" Wika ni Wind.
YOU ARE READING
NFWOLAC
FanfictionUnleash your inner A'TIN and join the fangirling experience of a girl named Aurum who became a fan during the pandemic. Feel sympathy towards her struggles from deciding who's her bias and seeking the opportunity to meet her favourite group, SB19. I...